“ANO BA ang nangyari sa inyong dalawa at pareho pa kayong parang nabukulan?”
Tinapunan ng matalim na tingin ni Winry si Neiji sa kabilang dulo ng sofa. Gaya niya, may cold compress din na nakapatong sa noo nito.
“Napasobra lang ho ang lambingan namin kanina sa labas,” anito. “Ito kasing apo ninyo, medyo nagpapakipot pa ng konti.”
“Ganon ba? Kaya pala ang sabi sa akin ng mahal kong asawa kanina ay nakita niya kayong naroon sa may gate,” natatawa na naiiling na wika ng kanyang lola. “Kayo talagang mga kabataan, oo.”
“Neiji, alam mo kasi, iyang apo namin ay masyado talagang matigas ang ulo. Hindi iyan basta-basta napapasuko sa unang pagsubok lang na makuha ang loob niya…”
Sige, Lolo. Ibuking ninyo ako sa kanya para malaman ng herodes na iyan kung sino ang binangga niya. Para alam niya na kapag nagkaroon uli ako ng pagkakataon ay babasagin ko uli ang ulo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalma ang sarili. Parang gusto pa rin niya itong batuhin ng cold compress na hawak niya.
He said he would never kiss a woman like her. Bakit, ano ba siya? Ahas na nanunuklaw? Ang kapal talaga! Akala siguro nito e naghihintay siyang mahalikan nito. Haller! Magbibigti na lang siya ‘no!
“Bigyan mo siya ng bulaklak, hijo. My granddaughter loves flowers.” Nakita niyang palihim na ibinigay ng lola niya ang isang bungkos ng rosas sa lolo niya. “A, tamang-tama. Heto, hijo. Hindi ba’t pinitas mo ang mga ito kanina sa likod-bahay? Para ito kay Winry, hindi ba? Hayan, ibigay mo na sa kanya.”
Kinuha naman iyon ni Neiji at walang kiyemeng basta na lang inialay sa kanya. Humampas tuloy ang ilang piraso ng bulaklak sa ilong at nguso niya. Anak ng—
“Lagyan mo naman ng lambing.”
Inalog lang ng damuho ang mga bulaklak sa harap niya na tila ba isang tambourine ang hawak nito. Ilang piraso ng mga dahon at petals ang nagkalaglagan sa sahig. Dalawang tangkay naman ang naputol. How romantic.
“Itanim mo muna iyan,” aniya rito. “Kapag nabuhay at namunga ng santol, saka ko iyan tatanggapin.”
Iniangat nito ang cold compress sa noo at bumaling sa kanya. “Matatagalan pa bago mangyari iyon kaya tanggapin mo na ito. Pinaghirapan ko iyang pitasin sa bakuran ninyo. Magkaroon ka naman ng awa sa katawan.”
Inangat din niya ang sariling cold compress. “Bakit kaya hindi sarili mo ang pakiusapan mo?”
“Ano ba ang ginawa ko sa iyo? Okay, I was trying to kiss you. So what? Masama ba iyon? Gusto mo naman ako, hindi ba?”
“Excuse me?”
“Ang mabuti pa, iwan na muna namin kayong dalawa rito. Para mas makapag-usap kayo nang maayos.”
Hinayaan na muna niyang tuluyang makaalis sa sala ang mga lolo niya saka niya tinuluyan si Neiji. Binato na niya ito ng cold compress. Nasalo naman nito iyon kaya parang wala ring nangyari sa effort niyang saktan ito.
“What is wrong with you?” tanong nito. “Noong pinakiusapan kitang hayaan ang lolo mo na ibigay na lang sa akin ang bid sa lupa, hindi ka pumayag. Gusto mong ligawan kita. Nang ligawan naman kita, nagagalit ka. Ang g**o mo talaga. Puwede bang pakipaliwanag kung ano ba talaga ang gusto mo sa akin.”
“Wala akong gusto sa iyo!”
“At hindi naman iyan ang tanong ko.” Sumandal ito sa sofa at ipinatong ang dalawang cold compress sa noo nito. May kung anong nagbago na rito. She could even see a smile slowly tracing on his lips. “Okay, so wala kang gusto sa akin. Pero bakit ayaw mo akong malayo sa iyo?”
“Anong—“
“Come on, Winry. Malalaki na tayo. Hindi na natin kailangan pa ng kung ano-anong kuwento at drama para lang ipaalam sa iba ang nararamdaman natin. Kung gusto mo ako, sabihin mo na lang sa akin—“
Inulan ito ng mga rosas na kanina lang ay iwinawagayway nito sa kanyang mukha. Iyon ang nadampot niya at ibinato rito sa sobrang inis. Ngunit balewala pa rin iyon dito.
“Wala sabi akong gusto sa iyo!”
“Oh, yeah? Convince me.”
“Sure.”
Sinugod niya ito upang sakalin at suntukin. Pero nauwi lang iyon sa wala nang mabilis nitong mahawakan ang kanyang mga braso at mahila siya pabalik sa sofa. Ngayon ay nakubabawan na siya nito. Naalarma nang husto ang sistema niya sa sitwasyon nila kaya nagwala na siya para lang makaalpas dito. Subalit mas lalo lang ibuhos ni Neiji ang bigat nito upang mapigilan siya.
“Pakawalan mo ako, Neiji—“
Tinakpan nito ng isang kamay ang kanyang bibig. “Sandali lang, Winry. Sa tingin ko, kailangan na talaga nating mag-usap nang masinsinan. Bago pa man natin magilitan ang isa’t isa. Calm down for a while. This won’t take long.”
She tried speaking even with his hand muffling her words. Still, he kept her trapped beneath him.
“I said calm down, Winry. Or we’ll stay this way the whole day. Believe me, wala akong pakialam kung ano man ang magiging tingin sa atin ng mga makakakita sa itsura nating ito.” Nanlaki ang mga mata niya. “That’s right. You heard me. Kaya kung ako sa iyo, tumahimik ka lang muna diyan sandali at pag-usapan natin itong g**o natin. Sa lahat kasi ng ayoko, ‘yung magulo. Nasisiraan ako ng bait kapag ganon.”
Siya ay masisiraan na rin ng bait kapag hindi pa siya nakawala rito. Tila kasi magkakaroon na siya ng heart attack anomang oras sa sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso. She never knew her heart could beat this fast just because of some guy. Kahit sa mga horror movies na napapanood niya, hindi pa siya natakot ng ganito. She was afraid not of the things he could do to her, but of the things he made her feel.
“Okay, first stop, ang mga nangyari sa Stallion Riding Club. At gaya nga ng una ko ng ginawa at sinabi, I’m really sorry about it and I apologize for that. Meron lang talaga akong ugali na naha-highblood kapag nagulo ang mga bagay na maykinalaman sa personal kong buhay. Like my business. I know na magulo talaga ang kuwarto pero para sa akin, maayos iyon dahil kahit ganon iyon ay alam ko pa rin kung saan naroon ang kaliit-liitang papel. Idagdag pa na hindi talaga maganda ang mood ko pagkagising sa umaga, until I had my dose of coffee. Kaya nasigawan kita. So…I’m really sorry about it.”
Marahil ay naramdaman nito ang unti-unting pagkalma niya kaya medyo niluwagan na rin nito ang pagkakatakip ng kamay nito sa bibig niya.
“And then ‘yung nangyari kanina sa gate,” patuloy nito. “Sige, aaminin ko na. Yes, I tried to kiss you. Ikaw naman kasi, ang lakas mong mang-asar. Ako pa naman ang tipo ng taong may kataasan ang ego. Alam mo bang ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng pinagtawanan ang ino-offer kong halik? Nakakasama ng damdamin iyon, baka akala mo.” Napabuntunghininga itong muli. “Gago ako dahil imbes na suyuin ka, gaya ng request ng mga lolo mo, inasar pa kita. Mas lalo lang tuloy tayong nagkagulo. I’m sorry about it as well. Inaako ko na ang lahat kung bakit umabot tayo sa sitwasyon na halos magpatayan na tayo. Kasalanan ko.” Tinanggal na nito nang tuluyan ang kamay nito sa kanyang bibig. “Forgive me?”
His voice, rugged and yet there’s no mistake at the timber of sweetness in it, creeped through her heart. At pakiramdam niya, hinalukay ng boses nito ang mga nakatagong lihim niya roon. Lihim tungkol sa tunay niyang damdamin dito. And there it found her long-ago feelings, still fresh. Still there, inside her heart.
Nakakainis. Sumuko na kasi ang puso niya. Gusto pa rin niya ito, gaya noong unang beses niya itong makita sa café bar na iyon. Gusto pa rin niya ito, gaya nang makita niya ito sa Stallion Shampoo commercial na iyon. Gusto pa rin niya ito, gaya ng makasama niya ito ng isang buong gabi sa Stallion Riding Club.
Sum it all up and one thing became clear. Minahal niya ito nang hindi sinasadya, knowing that she just like him, plain and simple. Pero hindi nga ganon ang nangyari. She forgot that there’s just a thin like between like and love, just a difference of two letters. As for hating him, well, who was she kidding? She didn’t hate him. Napahiya lang siya at nainsulto nang sigawan siya nito sa bahay nito sa riding club na iyon. Ngayon lang niya tinanggap sa sarili kung bakit ayaw niyang tanggapin ang paghingi nito ng paumanhin. Dahil gusto rin niyang lumalapit ito sa kanya.
At sinusuyo nito.
Traydor talaga ang puso kahit kailan. Habang busy ka kasi sa kasalukuyang nararamdaman mo sa isang tao, ang puso mo ay abala naman sa pag-iipon ng pagmamahal dito. Kaya kapag nagkabukingan na, wala ka ng magagawa. Huli na ang lahat para sa iyo. Pero ang nakakaloka, you seemed quite fine with it.
“Winry.”
Doon lang tila bumalik ang isip niya sa kanya. At nang sa wakas ay ma-focus dito ang atensyon at mga mata niya, wala na talagang duda. She was inlove with him.
“Get off me,” wika niya, hindi na kakikitaan ng anomang galit ang boses niya. “Nabibigatan na ako sa iyo.”
Kumilos naman ito agad, subalit dahan-dahan ang naging pagtayo nito nang hindi iniaalis ang mga mata sa kanya. Tila ba may kung anong hinahanap ito sa mukha niya. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa kanya upang tulungan siyang makabangon. Hindi niya iyon tinanggap. Baka kasi punahin pa nito ang pamamawis at panlalamig ng kanyang mga palad.
Inayos niya ang nagulong buhok. “Maipapangako mo ba na aalagaan mo ang malaking lupaing ito ng mga lolo ko?”
“Ha?”
“Ang sabi ko, kung maaalagaan mo ba ang hacienda gaya ng pag-aalaga nina lolo rito?”
“Ang hacienda? Oo naman.”
“Marami ka ng negosyo. Nakita ko na kung gaano ka ka-busy sa mga iyon. Baka mapabayaan mo ang hacienda—“
“Hindi ako kumukuha ng mga responsibilidad na hindi ko kayang panindigan.”
“Good to hear that.” Tumayo na siya at naglakad patungo sa direksyo na tinahak ng kanyang mga lolo.
“Saan ka pupunta?” tawag nito. “Winry.”
“Kakain. Nagugutom na ako.”
“Wait! Iyon lang ba iyon?”
Nilingon niya ito. “Tinatanggap ko na ang apologies mo. Tama ka naman, eh. Matatanda na tayo para mag-away pa na parang mga bata.”
Tinalikuran na niya ito. “Sandali lang, Winry. Parang may nakakalimutan pa tayong dapat pag-usapan.”
“Wala na.”
“Meron pa.”
Naramdaman niya ang pagpigil nito sa kamay niya. He once again held her hand, the way he did back at the Stallion Riding Club. Talagang hindi na yata paaawat ang pagbabalik ng mga nakaraan sa kanya.
“Would you still let me court you?” tanong nito.
“Hindi na kailangan.”