Chapter 5

764 Words
Chapter 5   I was in the midst of reading the story in my phone app when I got surprised by my phone ringing. I frowned at my phone that was lying on top of my bedside-table but then, took it. When I looked who was calling, napahinga ako. Si Charlie lang pala.   Sinagot ko agad yung phone at kamuntikan ko nang maitapon ‘yon pagkasagot ko pa lang ng “hello.”   "Wahhhhhhhhh!” Sigaw ni Charlie sa kabilang linya na halos magpabutas ng eardrums ko. Hinintay ko munang matapos ang moment n’ya bago ko inilapat sa tenga ko ang telepono. Susmaryosep na baklang ‘to, sino na naman bang dumating sa school at akala mo kinabitan na naman ng megaphone ang bibig. Isip-isip ko bago sumagot.   “Oh Charlie, ano’ng meron?” Tanong ko kay Charlie at sa tingin ko ay humihinga pa s’ya ng malalim sa sobrang excitement.   “Steph! Oh my gosh Steph, alam mo na ba ang news?" excited n’yang tanong and I couldn’t help but roll my eyes. Like hello? Anong news na naman? Parang last week lang, ganito din s’ya pero triple nga lang ngayon ang tili n’ya kaya I knew that this news was was something big.   "Aray Charlie ha? Hindi pwedeng hinaan ang boses? Ang sakit sa tenga teh, kung makasigaw, wagas!” Biro ko sa kanya at humagalpak naman ng tawa ang bakla. Baliw talaga ‘to.   "Sorry naman teh, excited lang!” Sabi n’ya at nagtatawa na naman, napangiti na lang ako sa kanya at hinintay s’yang magsalita, “anyway, alam mo na ba?" tanong ulit n’ya at kung magkasama lang kami ay nakutusan ko na s’ya. Hindi ko nga alam! Kulit!   "Ano bang alam ko na Charlie? Malamang hindi pa, hindi mo pa sinasabi sa akin, diba? Pano ko malalaman?” Pambabara ko sa kanya pero tumawa na naman ang bugak. Letche! Nakakalokang kausap ‘tong baklang ‘to!   "Makapangbara ka naman! Anyway, oh my gosh teh! Dumating na sya!" tili na naman n’ya and I had to take my phone away from my ear again para lang hindi ako mabingi.   "Sino ba?" tanong ko when I put my phone back and I heard him laughing.   "Ang fafa ko!" sabi n’ya at parang nagkaroon ng malaking question mark sa tuktok ng ulo ko. Fafa talaga?   "Sinong fafa mo ba?” Tanong ko na nakisakay na lang, “Sino na naman ba ‘yan Charlie? Baka mamaya, kalahi na naman nung ex mo yan, ha?" tanong ko and I sounded concern. Kakagaling lang din kasi n’ya sa break-up at kung hindi ako nagkakamali ay ilang rolyo ng tissue din ang inubos n’ya. Pati damit ko ginawang pamunasan, pero ngayon eto na naman s’ya na akala mo walang nangyari.   "Oy hindi noh!” Depensa agad ni Charlie, “feeling ko talaga iba s’ya teh! He's so… he’s so wafu talaga!" sabi ni Charlie at ayan na naman ang question mark sa ulo ko. Anong wafu?   Naririnig kong nagsasalita s’ya, yung tipong nangangarap and I just listened at tumatangu-tango na lang habang pinapakinggan lang s’ya. Nang matapos ang mahabang pagsasalaysay ni Carlito, este Charlie pala, saka na lang ako nagsalita.   "Ah so iba s’ya? E teka, parang lahat naman yata ng gwapo sa paningin mo, feeling mo ay iba. Saka magkalinawan nga tayo Charlie ha, diba sabi mo si Garett ang ultimate love mo, oh ano nang nangyari?” Tanong ko sa kanya pertaining to one of our bestfriends, Garett, na since first year ay mahal na daw n’ya kuno.   Pero malandi lang na tumawa si Charlie, “eh syempre love ko pa rin naman si fafa Garett ko, pero kashi nemern, sobrang wafu tologo nitong bagong kong fafa ko, so I don’t kner. Porong di ko tuloy ma-reshist.” Sabi n’ya at parang nagpapa-demure pa kaya di ko maiwasang matawa.   At habang tumatawa nga ako at nagkukwento pa rin si Charlie ay isang pangalan ang nangibabaw sa tenga ko na binanggit n’ya.   “W-wait Charlie, sino nga ulit yang lalaki na binabanggit mo?” Sabi ko at ayan na naman ang pagkabog ng dibdib ko.   “Emerged Steph, you’re not listening to me. Si fafa Frank ko! Si fafa Frank William Worsford!” Sabi n’ya at proud na proud pa sa pangbanggit ng buong pangalan ng kapreng ‘yon and I couldn’t help na pagbagsakan s’ya ng phone dahil hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko.   Bakit ba kumakabog ang dibdib ko?! Sigaw ko sa utak ko habang biglang umakyat ang inis sa ulo ko.   Di ko malaman kung bakit sa tuwing naiisip ko s’ya ay kinakabahan ako bigla o kaya naman ay maiinis. Natotorete na ang utak ko ah! Di ko na gusto ‘to!   Hindi ako maaaring makaramdam ng kaba kapag naiisip ko s’ya o kapag malapit s’ya dahil sooner or later ay magkikita pa kami.   Dahil gagantihan ko pa s’ya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD