Chapter 4

1277 Words
Chapter 4   Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong agad ako ni mama. Akala ko naman kung ano na, nun pala, ang best friend kong si Charlie, sinabi kay mama na na-clinic ako. S'ya kasi ang tinawagan ko kanina para ipick-up ako palabas ng clinic. May klase kasi yung dalawa pang kaibigan namin kaya s’ya lang ang available.   "Anak!” Bulalas ni mama nang makita n’ya ako na paparating sakay ng jeep. Nagtatakbo pa s’ya masalubong lang ako, “buti't nakauwi ka na! Kamusta na'ng bali ng buto mo? Paano ka nakakalakad? Hindi ba masakit?" alalang-alala at sunud-sunod na tanong ni mama. Ha? Bali ng buto? Ang OA talagang magkwento nitong si Charlie kahit kelan oh!   Ngumiti na lang ako kay mama at inakbayan s’ya at mabilis naman n’yang ipinulupot ang braso n’ya sa bewang ko para siguro alalayan ako.   "Ayos lang po ako ma. Hindi naman po nabali ang buto ko. Naku, si Charlie talaga pinagalala pa kayo." Sabi ko habang natatawa at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.   Medyo napahinga naman s'ya sa sinabi ko saka iniupo ako sa sofa namin sa sala, "ay salamat naman anak. Nagalala talaga ko ng tumawag si Charlie at papunta na rin sana ako pero sabi n’ya ay wag na daw.” Sabi pa ni mama na hindi pa rin maka-recover. Natawa na lang ako saka ibinaba ang bag ko.   "Hay naku ma, wag nyo na pong isipin ‘‘yon, okay na naman po ako. Saka napa-x-ray na po ako sa clinic, wala naman pong nakitang deficiency sa balakang ko. Binigyan na rin po ako ng pain killer kanina kaya hindi ko na rin po maramdaman yung sakit saka ointment para mabawasan yung konting maga." Sabi ko kay mama at tumango naman s’ya. Ayaw na ayaw ko kasing nagaalala si mama at natatakot din ako na baka sabihin pa kay kuya ay mag-alala pa ang gwapo kong kapatid.   Nasa Dubai si kuya at nagta-trabaho doon bilang senior engineer ng company nila. He was sent there two years ago and since then, kami na lang ni mama ang laging magkasama. Mas matanda si kuya sa akin, Sonny James Diaz, and he graduated magna c*m laude with his course Civil Engineering sa isang State University. Self-review lang ang ginawa n’ya nung kumukuha s’ya ng board exam kaya naman sobrang proud at tuwang-tuwa kami ni mama nang makapasa s’ya at top eight pa sa board.   At mula nga nung makapagtrabaho si kuya, pinahinto na n’ya si mama sa pagtitinda sa palengke na s’yang pinagkukunan ni mama noon ng pera para mapag-aral kami ni kuya sa parehong Public schools. I was in senior year in high school back then at nang mag-college ako ay si kuya na rin mismo ang pumili ng college na papasukan ko. At imbis na sa State University kung saan s’ya nag-graduate ay sa isang prestihiyosong private school pa n’ya ako pina-enroll.   Sinikap kong makakuha ng scholarship sa kursong BS Accountancy para matulungan man lang s’ya at nakuha ko naman ‘yon upon entrance examination at dahil na rin sa valedictorian ako when I graduated in high school. Full scholarship ako since first year college and I maintained it up to now na graduating na ako.   Si kuya naman, after three years of working sa unang kompanya na pinasukan n’ya ay ipinadala na rin s’ya nito sa Dubai kung saan s’ya naka-base ngayon. Two years na nga s’ya doon and how I wish he was here pero alam naman naming hindi pwede. Wala na rin kasi kaming ama kaya wala man lang lalaki dito sa bahay na pwedeng katuwang namin ni mama araw-araw.   Namatay ang papa namin when I was only 5 years old and kuya Sonny was 10. Hindi ko na masyadong matandaan ang papa namin, all that I could remember was that he died out of lung cancer and he had been a good husband and father to us, though he passed away so early.   So I guess it would explain why kuya Sonny stood as our bread-winner in the family. I had so much respect for my brother and I never want to disappoint him. Not even a bit. Because he didn’t deserve it and he had been nothing but amazing to me and our mother kaya lagi ko ring sinisikap na mapantayan man lang ang sakripisyo na ginagawa n’ya.     I glanced at my mother na ngayon ay nagluluto na sa kusina. Two-storey house itong bahay na tinitirhan namin at sobrang laki na rin ng iginanda nito buhat nang mag-Dubai si kuya. Tatlo ang kwarto, dalawa sa taas at isa naman sa baba na s’yang okupado ni mama. Yung isa sa taas ay sa akin, at yung vacant ay kay kuya pero since wala s’ya ay ginagawa na lang naming guest room kapag may kamag-anak kami na bumibisita o sila Mel, Charlie o Garett na s’yang mga bestfriend ko, kapag nago-overnight sila dito.   Tatayo na sana ako para tulungan sa kusina si mama pero naunahan n’ya ako nang mapatingin s’ya sa akin.   “Oh, wag ka nang tumulong dito anak. Ako na muna ang bahala. Magpahinga ka na doon sa kwarto at tatawagin na lang kita kapag handa na ang hapunan.” Sabi ni mama at hindi ko naman alam kung bakit parang gusto kong maiyak sa sobrang kabaitan ng mama ko.   I just took a deep breath para hindi matuloy ang luha ko saka lumapit at humalik sa pisngi ni mama.   “Tawagin n’yo na lang po ma ako kapag kailangan n’yo ng tulong, ha?” Sabi ko pero nakangiti n’ya akong itinaboy papunta sa taas.   “Naku ikaw talagang bata ka, nasaktan na nga ang balakang mo ay tutulong ka pa dito. Magpahinga ka na lang muna anak. Sige na.” Sabi ni mama kaya natatawa na lang akong sumunod at pumanik sa kwarto ko dala ang mga gamit ko.   Pagkarating sa kwarto, saglit lang akong nagpalit ng damit at dahan-dahan na ring humiga sa kama. Sabi kasi ni Ms. Laarni ay alalayan ko daw muna para hindi na mabugbog ang muscles ko sa bandang balakang. Pagkatapos noon ay kinuha ko ang phone ko at binuksan ang e-book reader app at nagsimulang magbasa.   I’ve never been inlove, pero I was inlove with the thought of being inlove.   Medyo magulo pero kahit naman sobrang seryoso ko sa pagiging estudyante ay napaguukulan ko pa rin minsan yung love life ko. I was already graduating in college pero ni minsan ay hindi pa ako nagka-boyfriend o kahit maranasan man lang yung sinasabi nilang mutual understanding. Na kung ngayon mo ire-rephrase ay parang hindi na ganun ang kahulugan ng MU, kundi isa nang malanding ugnayan o kaya naman ay magulong usapan.   Kung ang mga bestfriends ko naman ang tatanungin ko, lagi naman nila akong ini-encourage na mag-boyfriend na but I was always afraid kapag may lumalapit na sa akin. Either I would turn down the guy outright, or I would just simply drift away.   Takot kasi ako.   Takot magkamali.   Takot masaktan.   At takot ding magmahal.   I sighed and just brushed away all those thoughts that were starting to sneak into my mind. Bata pa naman ako kaya hindi kailangang magmadali. Isa pa, nandyan naman ang mga kaibigan ko para aliwin ako at nandyan din naman si kapre para…   Oh hell. What?!   Bigla akong napabalikwas sa higaan dahilan para mapaimpit ako sa sakit.   What in the world was I thinking? Bakit ba pumapasok yung sira-ulong iyon sa isip ko bigla-bigla?   Hindi makapaniwalang napatitig ako sa dingding and hissed when in one slight move ay naramdaman ko na naman ang sakit. I shook my head and did my best to push the unpleasant thought away at dahan-dahang kinuha ang ointment na nasa loob ng bag ko at pinahiran ang balakang ko.   Kapag ako nabalian, kasalanan ng kapreng ‘yon. I murmured and when I was done with applying ay humiga na lang ulit ako sa kama at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD