Chapter 3

1065 Words
Chapter 3   Nang masiguro kong wala nang nakatingin sa amin, tinabig ko kaagad ang kamay n’ya. Kung makapang-chansing naman, wagas!   "What are you still doing here?" mataray kong tanong sa kanya but he just chuckled.   "Obviously, to help you." He answered. And yet again, I noticed his british accent.   "I don't need your help." irap ko but he ignored it.   "Oh c'mon. You can't even get up." He said and without warning, he scooped me from the floor and carried me bridal style.   “H-hey! Anong ginagawa mo?” Taranta kong tanong but he didn’t listen to my protest.   "Don’t move. I'll take you there." He said and then he proceeded on carrying me until we reached the clinic. From the fourth floor to the next building, he carried me na parang wala akong kabigat-bigat. Hindi ko s’ya nakitaan na nahirapan and I wondered kung ganun ba talaga ako kagaan o sadyang malakas lang sya.   Nang makarating na kami sa clinic at naihiga na n’ya ako sa kama, tahimik lang s’yang naghintay sa pagdating ng school nurse at hindi ako iniwan.   “Amm.. P-pwede ka nang umalis.” Mahina kong sabi at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Tiningnan lang n’ya ako saka umiling.   “No. I’ll wait for the nurse.” Sabi n’ya and my brows furrowed.   “Darating na rin yun, sige na. May klase pa tayo. Maaabsent ka.” Sabi ko pa but, again, he didn’t listen. Hay! Ang kulit! Napasimangot na lang ako saka tumingin sa ibang direksyon. “Hindi nga pala ibig sabihin na kahit tinulungan mo ako ngayon ay mapapatawad na kita.” Bulong ko and I was sure he heard it because his attention was back on me again.   “Look, about what happened earlier, I’m sorry. I didn’t mean it, it’s just-“ magpapaliwanag na sana s’ya nang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Ms. Laarni, ang magandang nurse ng clinic namin.   "Oh Steph, anong nangyari sa’yo?" tanong ni Ms. Laarni na lumapit sa akin.   Ngumiti ako sa kanya, "Medyo nasaktan lang po kasi yung balakang ko." Sabi ko.   “Bakit? Ano bang nangyari?” Tanong nya.   “Nadulas po kasi ako sa building namin, medyo napasama ng bagsak.” Sabi ko and she nodded.   “Okay. Pa-x-ray kita sa loob ha?” Sabi n’ya at nun s’ya napatingin sa kasama ko, immediately, she smiled and looked at me teasingly, “hindi mo sinasabi na may boyfriend ka na pala Steph?” Tanong ni Ms. Laarni sa akin.   Medyo close na kasi kami dahil sa lagi akong nagvu-volunteer kapag may medical mission sila, at si Ms. Laarni ang lagi kong nakakasama at pinakakaclose kapag nasa location na kami. Minsan nagkaka-kwentuhan kami tungkol sa love life, but I would always tell her na wala akong boyfriend at wala pa akong balak. So she should’ve been surprised kung bakit may kasama akong lalaki dito ngayon.   Tumingin muna ako saglit sa lalaking kapre na ‘to bago ko ibalik ang tingin ko kay Ms. Laarni.   “Hindi ko po s’ya boyfriend Ms. Laarni.” Sabi ko and I saw her frown.   “Hindi kayo?”   “Hindi po.”   “Ha? E bakit?” Nagtataka n’yang tanong at naloka naman daw ako sa tanong n’ya. So kailangan kapag hinatid sa clinic, boyfriend na agad? Agad-agad?   Binigyan na lang n’ya ako ng mapagdudang tingin saka umiling.   "Naku! If I know, dun din naman ang punta n’yo, diba?" tumingin s'ya kay kapre para siguro maghanap ng kakampi at ang mas nakakaloka ay tumango naman ang hinayupak. Sira ba talaga ulo nito? Isip-isip ko habang tumitingin ng masama sa kanya, "see?” Patuloy naman ni Ms. Laarni kaya agad akong tumingin sa kanya at pilit na lang na ngumiti, “o sige, ipi-prepare ko lang yung kabilang room para mapa-X-ray ka na." sabi ni Ms. Laarni at matamis na ngumiti sa aming dalawa.   Pagkalabas na pagkalabas pa lang ng kwarto ni Ms. Laarni, agad na akong bumaling kay pare na ngayon ay nakangisi na. Lalong yatang sumasama ang pakiramdam ko sa hinayupak na to ah. Ano’ng nginingisi-ngisi nya?!   "Ano bang problema mo, ha?!" sita ko sa kanya at napatingin naman s’ya sa akin habang nakataas ang mga kilay. Parang nagulat s’ya sa sinabi ko.   "What did I do?" painosente n’yang tanong at talaga namang gusto ko na yatang iuntog ang ulo ko sa headboard ng kama. Seriously?! Napaka-slow naman ng utak ng kapre na ‘to!   "What did you do?!” Sita ko pa, “bakit ka tumatango-tango kanina na parang magiging tayo nga?! Kilala ba kita, ha? Excuse me lang, pero hindi kita type!" nagngangalit ang bagang ko habang impit kong sinasabi sa kanya yan. At dahil sa sobrang gigil ko, napapabilis na rin ang pagsasalita ko.   "Whoah! Wait Miss. Could you please slow down? I don't understand." Sabi lang n’ya na nakataas pa yung mga kamay sa ere na tipong sumu-surrender. I rolled my eyes at him.   "Ahh! You don't undertand? Well then, wala akong pakialam! Bakit ba kasi nagpunta ka pa dito kung di mo rin lang naman kami maiintindihan! Nandito ka sa Pilipinas, alam mo yon? Kaya matuto kang mag-Tagalog!” Sabi ko habang pakiramdam ko ay maga-alta-presyon na yata ako. Hindi na lang balakang ko ang masakit, pati na ulo ko.   Hindi naman s’ya nagsalita at hindi na ako pinatulan, pero hindi ‘yon nakatulong para kumalma ang kalooban ko. Bakit hindi s’ya lumalaban?! Dapat sinasagot n’ya ako! Dapat nagsasalita s’ya. Haist! Nakakainis!   Naghintay pa ako ng ilang sandali pero wala nga yatang balak magsalita ‘tong mokong na ‘to. Kaya minabuti ko na lang na magbilang hanggang sampu kasabay ng pagbreathe in, breathe out para lumamig man lang ang ulo ko.   Matapos kong magbilang hanggang sampu, tumingin ako sa kanya at nakita ko s’yang nakatitig lang sa akin. Tuloy, para namang na-conscious ako at imbis na bumalik na sa normal ang heart beat ko, ay naramdaman ko pa iyong bumilis ang pagtibok.   "U-umalis ka na nga dito!" nabubulol kong sabi at hindi ko naman alam kung bakit ako nabubulol. Dapat mataray ang dating ng boses ko pero parang hesitant pa yata ang dating non sa pandinig ko.   At siguro, signal na rin iyon sa kanya para lumabas dahil umayos na rin s’ya ng pagkakatayo at humarap sa akin.   "Well, I guess you're right, I should go." Sabi n’ya and for a few seconds, he just stayed there. Hindi pa s’ya umalis tulad ng sinabi n’ya at mas lalong kumabog ang dibdib ko. Ano pa bang sasabihin ko?   Hanggang sa tuluyan na nga s’yang naglakad papunta sa pinto pero bago s’ya tuluyang makaalis, tiningnan muna n’ya ako ulit and smiled, "I hope you'll be fine." He said and walked out the door while I was left there confused why I felt sad when he actually left.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD