Chapter 34 ANG laki ng ngisi ni Midnight nang itaas sa ere ang kanyang baso na may lamang alak. He was so surprised to see his friends. Walang sinabi ang mga iyon na darating at bigla na lang siyang inimbita na lumabas. Pumayag naman siya kaagad. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay. Maghapon lang siyang nagliwaliw. Mas mabuti na ito na makapag-good time siya. "What are you really up to, man?" Seryosong tanong ni Sandro sa kanya, "Let's talk seriously now. How are you after that?" Nakuha kaagad ng binata ang sinasabi nitong kumusta siya pagkatapos ng nangyari. Kumusta na nga ba siya? Well, hindi niya namalayan na mahigit ng isang buwan matapos iyon. Na isang buwan siyang naging busy sa prisensya ni Desire. Tapos, biglang sumulpot si Abegail at balik sila sa pagiging magkarelasyon. Tap