Chapter 35 EXAM DAY! Desire was happy that she felt good when she woke up. Mukhang may pakikisama ang kanyang baby sa pakikibaka niya ngayong araw. Pinilit niyang mag-review kahit na may pinagdaraanan siya ngayon na hindi maganda. Hindi niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral dahil lang sa broken hearted siya. "Ready ka na ba sa exam natin, baby?" Aniya sa anak na bigla na lang siyang naging dahilan para lakasan niya ang loob. Binuksan niya ang pinto, pero napatigil siya nang sandali na itulak niya ang brown na screen. She saw a bouquet of flowers. Nakaipit iyon sa bakal na siwang ng gate. At first thought, Desire thought somebody just made fun and left it there. Napatitig siya roon at napagtanto niya na parang hindi iyon kakatwang bagay lang. May distansya ang bahay niya sa mismong kalsad