Chapter 36 HINDI siya matahimik habang masahe ang kanyang mga kamay. Palakad-lakad siya sa sala at sinisipat ang sarili sa mga nakakabit na salamin sa dingding. Hindi niya sinipot ang ka-date niya. Sabi niya ay biglang sumama ang kanyang pakiramdam kaya hindi na siya makikipag-date. Pinag-iisipan niya nang mabuti ang mga sinabi ni Devi sa kanya. Naninimbang pa rin siya kung gagawin ba niya iyon o hindi. She was prepared.She was wearing a very short sky blue skirt and a black top.Labas ang kanyang cleavage, ang mga braso at likod.Wedge sandals ang kanyang suot na pangyapak.Nakaisip na rin siya ng rason kung bakit siya sumulpot sa Ayala. Ang hindi niya matiyak ay kung naroon ang target niyang akitin at kabayuin. Diyos ko. Nakapangingilabot ang salitang kabayuin. Pero sa totoo lang, ang si