Chapter 3

1700 Words
Nakatambay kami rito sa penthouse ilang araw matapos ‘yon eksena sa coffe shop. Buong akala talaga namin ay mapapasabak sa away si Rain pagkatapos nito na sumugod do’n sa grupo ng babae. Mabuti na lamang at mukhang napigilan iyon. Pagtapos nila na mag-usap ay bumalik si Rain sa puwesto namin at hindi na muli na binanggit ang kahit ano tungkol do’n. Nakaupo ako sa sofa habang nagtitipa sa gitara. Si Jax at si Lance naman ay naglalaro ng video games. Si Rain ay kasalukuyan na may kausap sa cellphone niya. Halata na mainit ang ulo na naman. Sa aming apat siya talaga ang mainitin ang ulo. Tumutugtog ako ng ilang melody nang maalala ko na naman ‘yon babae sa coffee shop. Maganda talaga siya at sa totoo lang, malakas talaga ang karisma na meron siya. Pero kailangan ko na pigilan ang sarili ko, hindi na ulit dapat pa na mangyari ang nangyari sa nakaraan. “Princess, I said no. What is so hard to understand?” Nawala ako sa pag-iisip at napalingon sa boses ni Rain na napalakas ata. Pagtingin ko sa dalawa ay nakatingin din pala ang mga iyon kay Rain. Nagkibit-balikat naman ako bago muli na itinuon ang atensyon sa paggitara. “Fuck!” Muling paglakas ng boses ni Rain makalipas ang ilang minuto. Tumayo ito at nagderecho sa may pintuan. “Alis muna ko, babalik ako.” Nakasimangot na sabi pa nito. Tinanguan ko naman ito bago muli na tumugtog. “Ano ang nangyari ro’n?” Namamangha na tanong ni Jax, nagkibit-balikat ako nang sumagot si Lance. “Babae! Babae ang problema no’n kaya gano’n hahaha. Tingin ko ‘yon hot chick ‘yon sa coffee shop eh. Kasi parang ‘yong babae lang na ‘yon ang nakakapagpainit ng ulo ni Rain ng matindi kahit na parang sunud-sunuran ito ro’n eh.” Napaisip ako sa sinabi ni Lance, tama siya ‘yon babae lang na ‘yon ang nakita ko na nakapagpasunod kay Rain. Kung gayon ay girlfriend niya nga ito. “Paano ba ‘yan Ice, kay Rain na talaga so back-off.” Pang-aalaska pa ni Jax. Binato ko ito ng unan bago nagtaas ng middle finger, “Gago ka, wala akong plano sa chick na ‘yon.” “Wehh, pero trip mo?” Sundot naman ni Lance sa usapan. “Maganda oo, pero ‘di ko nga trip. Tigilan niyo nga ako, istorbo kayo sa paggawa ko ng kanta.” Bumalik naman ang dalawa sa paglalaro nila. Habang ako ay muli na nagpokus sa pagtugtog. Itong penthouse ay pag-aari namin apat. Binili namin ito para rito kami mag-eensayo at tambayan. Meron kaming sariling music room dito at tag-iisa kami ng kuwarto. Madalas kami rito pero may kanya-kanya pa rin kami na condo at bahay na inuuwian. Perks of living the rich life ‘ika nga.  Makalipas ang isang oras huminto sa paglalaro ‘yon dalawa. Tumabi sa akin si Jax sa couch habang si Lance ay humiga sa may bean bag. “Di mo talaga type Dude?” Biglang tanong ni Lance habang nakatingin sa ceiling. Bumuntong-hininga ako bago sumagot, “Ang kulit mo lang Bro. Sabi ng hindi diba. Pero sabi ko nga maganda siya sa maganda pero hanggang do’n nalang ‘yon.” “Si Samantha pa rin ba?” Bigla ako na napalingon kay Jax. Nakita ko sa mata nito ang pagtatanong. Hindi ko siya masisisi alam niya ang mga rason ko pero hindi niya alam ang buong katotohanan sa amin ni Samantha. “OA ka Jax. Samantha ka diyan. Ang tagal na no’n.” Napailing na lamang din ako para bigyan diin sa kan’ya na hindi si Sam ang dahilan. Alam ko na hindi ito naniniwala sa akin. Dahil kay Samantha nagsimula ang lahat kung bakit ako nagbago. Kung bakit ang hirap sa akin ang magtiwala. “Sinisigurado ko lang Ice. So kung hindi naman pala si Sam ang dahilan eh ano?” Pangungulit pa nito habang si Lance ay tahimik lang na nakikinig. “Walang dahilan. Hindi naman kailangan magkaro’n ng dahilan ah. Hindi ko type, hindi ko trip. Tapos.” Pagkibit-balikat ko pa. Ayaw ko na talaga na napag-uusapan ang nangyari na ‘yon noon. Matagal na ‘yon at sinabi ko na sa sarili ko na ayos na ako. “Pero maganda talaga siya Ice. Ang suwerte ni Rain sa chicka babe na ‘yon.” “Lahat sa’yo maganda Lance. Basta nakapalda, pasok na sa taste mo.” Binato ako nito ng unan bago sumenyas din ng middle finger. Natawa na lamang ako sa kalokohan namin. “All good Dude!” Muli ko pa na sabi kay Jax ng mapansin ang pagtingin nito. May sasabihin pa sana ito ng bumukas ang pinto at isang boses ng babae ang narinig namin tatlo. “Hello!” Pabungisngis na bati nito sa amin. Lahat kami ay napatingin sa bagong dating. Nanlaki ang mga mata namin ng makita ‘yon babae sa coffee shop na nasa may pintuan, nakatayo ito habang ngiting-ngiti sa amin. Naka short shorts ito at cropped top at simpleng white sneakers. Maigsi na ang shorts bitin pa ang pang-itaas, tssss ayos ah. “Tssss.” Ito na lamang ang nasambit ni Rain na nasa likuran nito at simangot na simangot. “Oh, may magandang bisita pala kami. Pasok ka hot chick.” Biglang tayo ni Lance sa pagkakahiga sa bean bag at sinalubong ang mga bagong dating. Bago pa nito mahawakan ang babae ay humarang na si Rain sa harap nito. “Off-limits Dude!” Salubong ang kilay na singhal nito kay Lance. Nagtaas naman si Lance ng dalawang kamay bilang pag-surrender ng makita ang inis na itsura ni Rain. Natatawa na lamang kami ni Jax sa mga eksena. “Hello, I’m Ice.” Pagpapakilala ng babae. Lumapit ito sa akin at umupo sa kabilang gilid ko sa couch, hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya. “Princess, your name is Icel.” Masungit na sabi ni Rain. “Paka-KJ mo. Dapat iyan ang pangalan mo eh. MR. KJ. It’s my name so whatever.” Mataray rin na pagsagot ng babae kay Rain. Nagsalubong ang kilay ni Rain sa tinuran ng babae. Nagpalipat-lipat ang tingin namin kay Rain at sa babae na nagpapalitan ng masama na tingin sa isa’t-isa. Maya-maya ay binawi na ni Rain ang tingin at bumuntong-hininga. “You stay put. Diyan ka lang, Princess.” Masungit na sabi pa nito bago mabilis na umalis papunta sa kuwarto niya. Pagkaalis ni Rain agad naman na lumapit si Lance, “So ano talaga ang pangalan mo? Ice o Icel? Kasi meron na kaming Ice rito oh. Hindi lang Ice ang pangalan pati pagkatao parang yelo laging ang lamig.” Natatawa na turo pa nito sa akin. Natawa ang babae bago sumimangot. Walanghiya, mas lalo na gumanda ‘pag naka pout ang mga labi, parang ang sarap halik-halikan. Lintik, Ice, hindi pala trip ah. “Uhm, Milany Icel,” sagot nito. “Anyway, you’re all welcome to call me Icel or Ice or Milani or Princess or Heart, anything. Whatever suits you. Sa dami ng binibigay sa akin na nickname I just go with it.” dugtong pa nito. Muli ito na ngumiti bago humarap sa akin, “Or you can call me “Mine!” Nagulat ako ng may bigla na lumipad na kung ano at dumerecho sa mukha ng babae na nakangiti. Nanlaki ang mata namin tatlo nila Jax. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng bagay na lumipad, ay laking gulat namin ng makita si Rain na nakatayo at nakataas ang kilay habang nakatitig sa babae. Tumayo naman ang babae at simangot na simangot na humarap kay Rain “Asshole!” sigaw nito. Muli na nagpalipat-lipat ang tingin namin sa dalawa dahil halata na pinipigilan ni Rain ang init ng ulo at galit niya. Nalintikan na bakit naman kasi itong babae na ito ay nagsalita pa ng gano’n, ayan nagselos pa si Rain. “Princess, I’m warning you.” “Warn-warn. Mukha mo warn.” Sagot ng babae rito sabay hagis pabalik kay Rain ng bagay na lumipad sa mukha niya. Gulat na gulat kami sa nangyayari lalo na ng tumama rin sa mukha ni Rain ang binato ng babae. T-shirt pala ‘yon ibinato ni Rain kanina. “Hep-hep.” Tumayo ako at pumagitna sa kanila. Pinandilatan ko naman si Jax at si Lance upang tumulong na pumagitna sa dalawa na may LQ na ito. Walanghiya rito pa mag-aaway. “LQ kayo? ‘Wag ka ng magselos Dude eh ‘di tawagin mo rin siya na Mine.” May halo na kalokohan pa na sabi ni Lance na tumayo na rin. “Mine?! Ewww! Yuck!” sigaw ng babae. Pigil ang tawa namin ni Jax sa sinabi nito. Habang si Lance naman ay bumunghalit na ng tawa niya. Hinampas ito ni Rain sa braso, “Tumigil ka nga Lance, anong Mine-Mine ka riyan. Mas lalo na yuck.” “Chill lang kayo puwede ba? Pagusapan natin ito ng maayos.” muli na sabi ko. Walanghiya referee pa kalalabasan ko ngayon dito. “Lika na nga pag-usapan natin.” Sagot naman ng babae sabay hawak sa braso ko. Pinandilatan ko naman ito ng mata sa ginawa niya, ngunit ngiti lang ang isinagot sa akin. “Milany Icel Sandoval, final warning, or gusto mo na makarating sa inyo ang mga pinaggagagawa mo.” Sa sinabi na ‘yon ni Rain ay parang nahimasmasan ang babae na makulit at padabog na muling umupo sa couch. Simangot na simangot ito na tumingin kay Rain. Nakita ko naman ang muli na paglambot sa ekspresyon ni Rain, bago lumapit dito at tumabi. Inabot nito sa babae ang bitbit na t-shirt, “Go change. My room is the second door on your right. With the R intial on the door.” “I don’t like. Wala naman mali sa suot ko.” “Go now, Princess. I’m losing my patience here.” Madiin na sabi ni Rain, kaya naman tumayo na ang babae at sumunod na lamang. Pagkaalis ng babae lahat kami ay nakatingin kay Rain at nagaantay ng paliwanag niya. Sumandal ito sa couch at pumikit bago nagsalita. “Guys that’s Icel, my cousin.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD