Chapter 2

1766 Words
Pagkalabas ng coffee shop tumambay kami rito sa may sasakyan ni Lane habang inaantay ang pagdating ni Marco at Jerome. Nakasandal ako sa may sasakyan ni Lane at pinahawak ko sa kanya ‘yon frap na binili ko bago itinali pataas ‘yun buhok ko. Napangiti ako ng maalala ko ‘yon lalaki na guwapo kanina. Ang ganda ng mga mata niya habang nakatingin sa akin, ang haba ng pilik-mata. Lalaking-lalaki ang dating sa medyo moreno na kulay niya. Pero grabe ang pula ng labi parang ang sarap halik-halikan. Parang medyo may katangkaran din parang si Lane, hanggang balikat lang ata ako. “So sino na naman ‘yon lalaki kanina na nakilala mo?” Taas-kilay na tanong sa akin ni Lane habang ininuman pa ‘yung frap ko. “Ang guwapo niya ‘di ba? Kaso kahit kailan panira ka eh, tss. Magkapangalan kami Lane, so baka siya ang destiny ko, tingin mo? At puwede ba tigilan mo ‘yan kakainom diyan bumili ka kaya ng sarili mo,” asar na sagot ko. Actually ‘di naman talaga ako maselan dahil nasanay na ko sa mga gawi ng mga kaibigan ko na ito na lagi ko mga kasama. “Destiny mo, mukha mo, bakit Icel din ba pangalan niya?” Natatawa na pang-aasar pa nito “Buwiset ka talaga, Ice kaya ang gamit ko na pangalan kapag sa iba.” Ganti na sagot ko rito bago inisnaban. Sanay na sanay na ako sa pang-aasar nito sa akin. “Paano mo magiging destiny ‘yon eh saglit nalang at lilipad na tayo.” Napahinto ako at napaisip sa sinabi ni Lane. Oo nga pala, saglit na panahon na lamang at makakawala na ako sa rehas ng mga magulang ko. Sandaling-sandali na pagtitiis nalang sa mga kagustuhan nila ay makakamit ko na ang gusto ko. “Ei guys, kanina pa kayo?” Paglingon ko nakita ko na ang pagdating ni Marco at Jerome. Kaya naputol ang pag-uusap namin ni Lane tungkol do’n sa lalaki kanina sa coffee shop na ang lambot ng mga kamay at ang guwapo sa paningin. “Ang tagal ninyo grabe. Kanina pa kaya kami rito ni Lane,” bati ko sa dalawa na kaibigan namin na parati na lang late dumating. “Oo nga ang tagal ninyo nakahanap na nga ng boylet niya itong si Icel.” Pang-aasar pa ni Lane sabay akbay sa akin. “Aba Heart ang bilis mo talaga kahit saan ka talaga magpunta nakakadagit ka ng kalalakihan.” Sabi naman ni Jerome na ginulo pa ‘yon buhok ko. Heart ang tawag nila sa akin sa grupo at dahil ako lang ang babae laging ako ang tampulan ng pang-iinis at pang-aasar nila. Pero siyempre hindi naman ako napipikon, sila ay parang mga kapatid ko na. “Ano ba ‘wag mo nga guluhin kakaayos ko lang niyan eh.” Inis na tabig ko sa kamay niya. “Maayos ba ‘yan lagay na ‘yan? Ang gulo kaya pero kahit magulo at ‘di ka nagsusuklay maganda ka pa rin Heart.” Sabi naman ni Marco sabay agaw sa iniinom ko na frap. “Ew! Para mo ng naka-lips to lips si Lane, yuck. Kainis talaga kayo bumili nga kayo puwede, grr”. Pagsisimangot ko pa sa mga katropa ko, well tropa at band mates ko sa Infinity. Infinity and banda namin na nagsimula sa CSU, ang university na pinapasukan namin lahat. Magkakaiba kami ng kurso pero nagkakilala kami during club week, dahil nga pare-pareho kami ng sinalihan na club at from there nagkakilala kami at nalaman namin ang hilig namin lahat sa musika. Mabilis ko sila na nakagaanan ng loob, dahil sa totoo lang mas madali ako na makipagkaibigan sa mga kalalakihan kaysa sa mga babae. Ayaw ko ng masyado na marami na mga arte sa katawan.  Ako ang bokalista ng grupo namin. Si Lane naman ang lead guitarist, si Marco ang bassist at leader of the band at si Jerome ang sa drums. Plano namin ang mangibang bansa pagkagraduate namin. At ilang buwan na lamang ang aantayin ko at pagtapos na pagtapos ng graduation sasakay na kami sa eroplano patungo ng Canada. Ito ang pangarap ko, ang makalayo sa mga magulang ko na wala ng ibang ginawa kung hindi ang manduhan ako. Malayo ang loob ko sa kanila dahil bata pa lamang ako ay iniasa na nila ako sa yaya. Mas naging abala sila sa pagpapalaki ng mga negosyo nila at pagpaparami ng kayaman. Mga bagay na hindi importante sa akin. Alam ko na tiyak na magagalit sila Mommy at Daddy, dahil gusto nila na hawakan ko ang pagpapatakbo ng hotel business namin. Pero wala na sila na magagawa at magugulat na lamang sila na nakalipad na ang eroplano patungo sa ibang bansa. Oo ang tanging pangarap ko ay makaalis sa bahay namin at mamuhay independently, kaya itong Infinity ang magiging daan ko para makakawala sa rehas nila sa akin. At wala silang magagawa dahil what I want, I see to it that I get it. I am rebellious with a purpose and a reason. “So ano tuloy tayo sa gig? ‘Yon sa birthday party?” Masigla na tanong ni Marco.  “Ano, Heart? Makakatakas ka ba on a weekday?” Nag-aalala na tanong ni Lane. Lane is my closest friend sa banda. “When is it again? And what time?”  “Sa Wednesday next week, 7pm daw ang party.” Sagot ni Jerome sabay sandal din sa kotse ni Lane. “Sige ako na bahala magpalusot.” “Palusot o pagtakas?” Nangingiti na tanong ni Marco sa akin. Hayst, kilala na talaga ako ng mga ito. Hindi naman kasi talaga ako marunong magpaalam, lagi ako tumatakas. Bakit ka pa nga ba kasi magpapaalam kung sigurado naman na hindi papayagan eh ‘di mas mabuti na tumakas na lamang. “Palusot or pagtakas it’s the same, at wala naman magiging iba sa reaksyon nila. Sabi nga nila I’m one hell of a problem child so kahit ano pa ang term na iyan ay okay lang. At isa pa para alam nila na nagrerebelde talaga ako sa mga ginagawa nila.” Naiiling na sabi ko, habang si Lane ay inakbayan ako. Ganito si Lane sa akin kapag binibigyan ako ng comfort. Comfort from the many emotions that I am feeling towards my family. At sa mga ganito na oras very thankful ako na parati nandito si Lane for me. Bukod kay Lane, isang tao lang naman din kasi ang totoo na nakakaalam ng mga issues ko sa buhay, pero hindi naman din kami gano’n kadalas magkita dahil nag-aaral ito at may sarili rin na banda. Ang kaibahan lang namin siya ay malaya na nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Suportado siya ng mga nakapaligid sa kanya, samantalang ako ay hindi. “So practice over the weekend?” Naputol ang pag-iisip ko ng muling magsalita si Jerome. “Yes, sa studio nalang then we can try recording some songs para sa plans natin.” Sagot ko naman habang nakasiksik pa rin ako kay Lane. Natigil ang pag-uusap namin ng may bigla na nagsalita na halata na naiinis ang tono ng boses. “Icel what are you doing here?!” Nagulat ako sa tumawag na ‘yon sa pangalan ko. Kilalang-kilala ko ang boses na ‘yon at ‘di ko inaasahan na nandito siya. Pagharap ko sa pinanggalingan ng boses nakita ko ro’n si Rain na nakatayo, nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya, ano ang ginagawa niya rito? Kinabahan ako bigla dahil nakita niya ako rito. Hind niya rin kilala ang mga miyembro ng Infinity at sa itsura ng pagkakakunot ng noo niya ay sigurado na hindi niya gusto ang pagkikita namin na ito. Bigla ako na napalayo sa pagkakasiksik kay Lane. Gulat man ako na nagkita kami ay sinubukan ko na pakalmahin ang puso ko na sobra-sobra na ang kaba na nararamdaman. Lumapit ako rito at yumakap. Halata na nagulat din si Rain sa bigla na pagyakap ko kaya ‘di agad ito nakakilos pero maya-maya naramdaman ko na rin ang pagyakap niya sa akin at paghagod sa likuran ko. “I miss you, why are you here?” Tanong ko habang nakayakap pa rin sa kan’ya. “What are you doing here, Princess?” Tanong naman nito sa akin na ‘di pa rin bumibitaw sa pagkakayakap. “Ehem!” Napalingon ako ng marinig si Marco na nagkunwari na nauubo. Pagharap ko ay nakita ko ang tatlong kaibigan ko na masama ang pagkakatingin kay Rain. Sabi ko nga masyado sila na overprotective at ngayon lang din nila nakita si Rain. Hindi maganda itong tagpo na ito kaya habang maaga pa dapat ay mailayo ko na rito si Rain. “Uhm…” Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Rain at humarap sa kanilang tatlo pero si Rain ay umakbay sa akin na ikinataas ng kilay naman ni Lane. “I’ll be back guys, usap lang kami.” Nakangiti na sabi ko sa kanila na lalo nang kinataas ng kilay ng tatlo kong kaibigan. “No Heart, you stay here.” Si Lane na nakita ko ang pagkainis at nakikipagtitigan kay Rain. “Heart? Tss.” Singit naman ni Rain na nakatitig din ng masama sa tatlong mga kaibigan ko lalo na kay Lane. “Rain not know, okay? Let me handle this.” Sabi ko kay Rain na lalo pa ako na hinila papalapit sa kan’ya. Lalo naman ito ikinainis ni Lane na akma na hahatakin ako ngunit inilagay ako ni Rain sa likod niya. “Uh- uh don’t test me, dude.” Nanghahamon na sabi ni Rain. “Rain. stop it okay.” Naiinis na umalis ako sa likuran nito at bumalik sa harapan niya upang pakalmahin ang mga kaibigan ko na alam ko na nag-iinit na ang ulo. “I’m okay guys. I know him. We just need to talk then babalik ako agad.” “No Heart, you stay here and talk.” Inis na sagot ni Lane habang titig na titig pa rin kay Rain. “Feeling boyfriend I see, tsk, ‘di ikaw ang boyfriend dude so back-off.” Sagot na pang-iinis naman ni Rain. “Ughh Rain will you stop it?” Naiinis na rin ako sa pagkaisip bata ng mga ito. Kailangan ba talaga na magtitigan at magaway-away pa? “We will just talk over there kung saan makikita ninyo kami okay, chill kaya ko ang sarili ko.” Pagpapaliwanag ko pa sa tatlo, na wala na rin nagawa ng hatakin ko si Rain papalayo sa kanila papunta sa kabilang gilid ng parking area. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD