1
"How much will it cost me to keep you forever, Milanie?"
"100 million, Mr. Macbeth and... your d*ck."
Chapter One
"She's awake!" dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Puting kisame ang tumambad sa akin na medyo malabo pa sa aking paningin, pero unti-unti ring nakapag-adjust.
"Oh, God! Gising ka na," tinitigan ko ang luhaang ginang na lumapit sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ko. Sa kabilang side ay ang lalaki na nag-anunsyong gising na ako. Iyong babae ay luhaan na, habang iyong lalaki ay seryoso ang expression ng mukha. "Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" masuyong tanong ng ginang sa akin.
Anak? Anak niya ako?
"Si mommy ito, Milanie Feliz. Hindi mo ba ako nakikilala?" iyong galak na tinig nito kanina ay napalitan nang pagkabahala. Nang tinitigan ko lang ito'y napatuwid ito nang tayo. Bigla na lang din itong nagtungo sa pinto at sumigaw ng 'Doc! Doc!'.
"Milanie, ako ba'y kilala mo?" dahan-dahan kong nilinga ang lalaking nagtanong no'n sa akin. "I'm Anshil Macbeth, your fiance."
Wow! Fiance?
"Hindi?" ani ng lalaki na seryoso pa rin ang expression ng mukha. May saglit na lungkot ding gumuhit sa mga mata nito pero mabilis lang. Of course, sinong hindi malulungkot kung hindi ka makilala ng fiancee mo, right?
"Hindi kita kilala... pero ang gwapo mo," iyon ang naging dahilan para ang seryosong lalaki ay mas lalo pang naging seryoso. Kumunot pa ang noo nito. Umupo ito sa gilid ng hospital bed at akma na sanang hahawakan ang kamay ko pero iniwas ko.
"Hindi pa rin kita kilala. Feeling ko'y dalagang pilipina ako. Bawal pahawak."
"Sorry, Milanie. Dalawang buwan kang nakaratay rito sa hospital bed mo. I'm glad na gising ka na," ako lang ha, feeling ko'y hindi naman siya masaya. Hindi ko iyon makita rito.
"K," tugon ko rito.
"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?"
"May kamay ka naman---"
"Doc, gising na siya pero hindi niya ako kilala," biglang bumukas ang pinto at pumasok iyong babaeng nagsabi na mommy ko raw siya at ang isang babaeng doctor.
Agad lumapit ang doctor sa akin. May mga dumating ding nurse at nag-assist sa akin habang chine-check ako ng doctor.
Narinig ko pa ngang sabi ng doctor na common daw ang memory loss sa mga patient na nagkaroon ng head injury or trauma.
Pagkatapos nang mahabang pag-check sa akin ay kinausap nito ang ginang na mommy ko raw.
Naririnig ko silang nag-uusap about sa mga test na gagawin sa akin like CT scan or MRI ba iyon... tango lang nang tango ang ginang sa mga sinasabi ng doctor.
Nang umalis ang mga ito ay nilapitan ako ng ginang.
"Anak, huwag kang matakot. Si mommy ito, at siya si Anshil, fiance mo. Hindi ka namin iiwan at pababayaan. Masaya kaming gising ka na. Alam mo bang labis mo kaming pinag-alala. Lagi kitang kinakausap, araw-araw pa nga, hoping na magmulat ka ng mata,"
"I wanna sleep---"
"No/Hindi!" duet ng dalawang tao.
"Po?" takang ani ko.
"Kagigising mo lang... what if hindi ka na naman magising?" mukhang malalim na takot ang naibigay ko sa mga ito dahil sa matagal kong pagkaka-coma.
Pero dahil mabigat na ang talukap ng aking mata ay tuluyan ko nang ipinakit iyon.
Iyong inaalala nilang baka hindi na ako magising pa, hindi naman nangyari iyon. Paggising ko ay parang relief ang naramdaman ni Anshil nang nagtama ang aming mga tingin.
"Milanie, hi!" ani nito. Hindi yata ito umuwi. Mukhang dito na siya nakatira dahil sa komportableng-komportable bed na kinahihigaan nito kanina. Bumangon ito at lumapit sa akin. "Milanie, may kailangan ka ba?" tinitigan ko lang ito. Fiance ko ba talaga ito? Bakit ang gwapo? Bakit sa dami ng pwedeng makalimutan ay ito pa?
"Bakit, Milanie?" seryosong ani ng lalaki.
"I don't know you," tugon ko.
"That's fine. Sabi naman ng doctor ay may chance namang bumalik ang alaala mo. Tutulungan ka rin naming maalala ang mga memories mo na nawala... mga memories na nabuo mo in the past." Fiance ko ba talaga ito? Sobrang seryoso kasing magsalita. Parang hindi fiancee ang kausap, parang walang lambing. Hindi ko maiwasang mapatulala habang nakatitig sa mukha nito at habang nakikinig dito. "Milanie Feliz?"
"Sure ka fiance kita?" masyadong gwapo ang nilalang na ito. Tao pa ba ito?
"Yes. Wait, I'll get my phone. Ipakikita ko sa 'yo iyong mga picture and videos natin."
Iniwan nga ako nito at kinuha ang cellphone sa kabilang kama. Umupo ito sa tabi ko at isa-isang ipinakita ang mga picture namin at video.
May video pa kung saan lumuhod ito sa harap ko habang may hawak na singsing.
"Hindi ko talaga maalala, Anshil," napaiwas pa ako ng tingin.
"Babalik din ang mga memories na iyan, Milanie. Huwag kang matakot at mawalan nang pag-asa," gumawi sa kamay kong hinawakan nito ang tingin. "Magiging okay rin ang lahat," anas ng lalaki sa akin.
Ginawa naman ang mga test sa akin. Lahat ng test to make sure na okay ako.
Retrograde amnesia raw, possible na abutin ng ilang buwan, taon, or maybe lifetime na.
Pinayagan na akong lumabas ng ospital pero hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko roon. I don't know those people na nagpakilalang family ko, pati iyong fiance ko ay hindi ko kilala. May part na akin na walang tiwala sa mga ito, it's normal naman daw sabi ng doctor ko.
Pero wala akong choice kung 'di sumama sa kanila.
"Ito ang bahay natin, Milanie Feliz. Dito ka lumaki sa bahay na ito," nakaalalay si Anshil sa aking pagbaba sa sasakyan.
Dahil hindi ako familiar sa lugar ay hindi ko binitiwan ang kamay ng kasintahan habang papasok kami. I don't know why I'm scared, mukha naman silang mabait. Pero merong takot sa puso ko kung saan hindi ko maiwasang maramdaman, at alam naman iyon ng mga tao ngayon sa paligid ko.
"Hi, Milanie!" ani ng isang ginang na sumalubong sa akin. Hinayaan kong bumeso ito sa akin. Sino naman ito?
"Milanie, she's Herea Aurora Macbeth, my mom."
Gets ko na kung bakit sobrang pogi ni Anshil. Ang ganda ng mommy nito. Maingat kong iniangat ang isang kamay at inilapat sa pisngi ng ginang.
"You're so pretty po," napaawang ang labi ng ginang, pero agad ding gumuhit ang ngiti sa labi nito.
"Thank you, hija. How are you?"
"I don't know..." honest na sagot ko. "Hindi ko po alam kung okay lang ba ako or what."
"That's fine. Nandito kaming lahat to help you remember."
"Hi, hija!" nakuha naman ng isang lalaki na kamukha ni Anshil.
"That's my dad, Milanie. He's Soul Macbeth."
"Bagay po kayo ni ma'am," sabay turo ko sa ginang.
"Talaga ba?" ani ng matandang lalaki na lumapit pa at umakbay kay Mrs. Macbeth.
"Opo! Maganda po siya at parang mabait ka po." Napalitan ng simangot ang kanina lang ay pagkalawak-lawak na ngiti ng matandang lalaki. Napabungisngis ang lalaking nasa tabi ko. What's funny?
Tinignan ko si mommy para hingin ang explanation nito.
"That's enough, tara na't maupo na muna," iginiya ako ni Anshil patungo sa couch. Pati sa pag-upo ko'y nakaalalay pa rin ito sa akin. Ewan ko, napla-plastic-an ako sa inaakto ng lalaki. Ganito ba talaga kami dati? Ganito ba niya ako alalayan dati?
"Ngayong nandito ka na sa bahay, ano ang nararamdaman mo? Any spot na familiar, Milanie?"
Si dad ang nagtanong sa akin no'n. Nakilala ko rin ito sa hospital at gaya ni mommy ay naging emosyonal din ito nang dumating at nakitang gising na ako.
"Sorry," mahinang ani ko. Wala talaga akong maramdaman at maalala.
"That's okay. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na makaalala. Basta walang masakit sa 'yo ay masaya na ang daddy."
"Anshil, pwede mong dalhin si Milanie sa kwarto niya para makapagpahinga."
"Sure, Tita," muli'y umalalay ito sa akin. Pumanhik kami ng hagdan hanggang sa nakarating sa kwartong hindi rin naman familiar sa akin.
"Ikaw ito no'ng debut mo," dinampot nito ang isang picture frame at iniharap sa akin. Naka-gown ako roon habang kasayaw si Anshil. "Pero wala pa tayong relationship d'yan, mag-best friend tayo. Kaya ako ang partner mo d'yan. Last year ay nag-decide ang parents natin na i-arranged marriage tayo," pagbibigay nito ng information sa akin. "And before the accident happened, nag-propose ako sa 'yo sa isang beach."
"Tapos?" ani ko.
"Tapos... hindi ko muna ikwekwento sa 'yo. Magpahinga ka na muna. Pero promise kapag nakapagpahinga ka ay magkwekwento na ako sa 'yo."
Nang humiga ako sa kama ay ito pa ang nag-alis ng shoes ko. Actually, ito rin ang nagsuot ng sapatos ko kanina. Ngayon siya rin ang nagtanggal.
Nang nakahiga na ako'y inayos pa nito ang kumot ko.
"Rest, Milanie."
"Can you please stay... I don't know this place. I'm scared," pakiusap ko rito. Tumango naman ang lalaki saka naupo sa gilid ng kama. Hinubad nito ang sapatos niya at saka humiga na rin katulad ko.
"Now, rest. Hindi ako aalis sa tabi mo. I love you, Milanie Feliz."
Palagi nitong sinasabi iyon sa akin, palagi kong naririnig. Pero simula no'ng nagising ako at kinausap nito hanggang ngayon... walang 'I love you back' dahil bakit ko ibibigay ang mga salitang iyon, 'di ba? Hindi ko naman maramdaman ang love sa puso ko. I don't know him, but I feel safe with him.
Baka kaya gano'n ay hindi man ma-recognize ng isip ko, pero ang puso ko'y nare-recognize siguro ang nagmamay-ari no'n.
"I love you," muling ani ng lalaki.
"Love yourself more muna, hindi ko kasi sure kung love kita," sagot ko na lang. Napatawa ang lalaki sa nakuha niyang sagot sa akin.