2

2065 Words
Chapter Two Nagising ako na sobrang tahimik ng paligid ko. Pakiramdam ko'y nasu-suffocate ako. Tulog si Anshil sa tabi ko, no'ng lumabas ako'y wala ring tao. Kaya naman nagpasya akong maglakad-lakad muna kahit sobrang dilim ng lugar na kinaroroonan ko. Base sa malaking orasan sa pader ay... paano na bang magbasa ng oras? s**t! Pati pagbabasa ng oras ay hindi ko alam? Bobo ba ako? Nang nakarating ako sa malaking pinto ay sinubukan kong buksan iyon. Naka-lock. Pati sa loob ay naka-lock kaya hindi ko iyon mabubuksan. Naghanap ako ng ibang daan. Nakarating ako sa kusina, may pinto pa palabas kaya naman iyon ang pinihit ko. Luckily, bumukas iyon. Nakayapak lang ako, lumabas akong walang sapin sa paa. Nang nakalabas na ako nang tuluyan, saka lang ako parang nakahinga nang maluwag. Kulang yata sa hangin ang loob ng mansion. Wala rin naman akong nakitang tao sa labas, kaya naglakad ulit ako patungo naman sa gate. Sarado rin iyon. May parte sa akin na nagtutulak na lumabas sa gate na iyon. Pero paano? Sarado iyon. Nang silipin ko ang bantay sa guard house ay naghihilik ang dalawang lalaking naroon. No choice. Dahil sarado... inakyat ko na lang. Sobrang taas, pero kinaya ko nang walang ingay na nagagawa. Dati ba akong akyat-bahay? I don't know sa old self kong nakalimutan ko. Nakaakyat at nakababa akong ligtas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero feel kong umalis. Para akong hindi nakahinga sa loob ng mansion. Naglakad ako palayo, walang katiyakan kung saan ang tungo. Narating ko ang daan palabas ng subdivision, tulog din ang bantay kaya lumusot na lang ako sa harang. Lakad ulit. Nang may lalaking lumapit sa akin ay malawak ang ngiti nito na kumaway sa akin. Lumabas ang manilaw-nilaw nitong ngipin. "Hi, ganda! Alas-2 pa lang ng madaling-araw. Saan ang punta mo? Gusto mo bang samahan kita?" "Hello po, Manong. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta," amin ko rito. "Ah, sama ka na lang sa akin?" Aba! Ang bait naman nito. Wala sa itsura. "Saan tayo pupunta?" "Maggagala." Sabay abot ng isang saktong naglilimahid sa dumi. "Magtratrabaho rin tayo para hindi sayang ang oras." "Anong trabaho?" ani ko agad. "Manghuhuli tayo ng bata at ilalagay sa sako. Game ka ba?" "Wow! Mukhang exciting iyan, Manong. Tara!" ani kong yaya rito. "Siraulo! Anong tara? Sabi ng iba'y baliw raw ako, mas baliw ka pa yata. Magbobote lang ako. Hindi ako kidnapper." May mali ba sa pagpayag ko? Nag-walkout ang lalaki. Agad naman akong sumunod dito. "Huwag mo akong sundan," tinataboy na ako nito. Pero hindi ako nakinig. Nakasunod lang ako sa kanya. Nang napansin kong napupuno na niya ang sako niya ay isinahod ko naman iyong saktong ibinigay niya sa akin. "Lagyan mo rin po sa akin, Manong. Huwag kang madamot." Masama pa yata ang loob na nilagyan niya ng lata at bote ang sako ko. "Balik ka na sa inyo, 'neng. Baka mamaya ay mapahamak pa ako sa 'yo." "Mapahamak? Mukha ba akong masamang tao?" sinulyapan ako ng matanda. "Oo," ani nito. Agad akong napasimangot. "Judgemental ka pala, Manong." "Naku! Galing na ako dati d'yan, 'neng. Hindi na ako babalik." "Talaga?" ani ko. Magbagong buhay na siya at hindi na nanghuhusga ng tao? "Oo, dati na akong naging pasyente ng mental. Magaling na ako. Hindi nga lang naniwala ang pamilya ko kaya hindi ako tinanggap." Ay! Real mental pala ang tinutukoy nito. Hindi pala judgemental. "Balik ka na sa inyo, ineng." "Hindi ko na maalala iyong daan, Manong," iyon ang totoo. Hindi ko na maalala iyong pinanggalingan ko. Kung saang kanto kami lumiko, kung saan kami dumaan. "Ha? Bobo ka ba?" "Medyo---" "Hindi mo sinabi, ang layo-layo na natin. Mamaya pa ako babalik doon banda sa subdivision ninyo. Ibebenta ko muna ang mga kalakal ko. Alangan namang bitbitin natin lahat iyan. Ang dami na." "Samahan kita, Manong. Kawawa ka naman," sumimangot ang matanda. "Mas mukha ka ngang kawawa... namamasura lang ako pero may tsinelas ako. Ikaw, makinis at maganda ang kutis. Pero nakayapak." Tinignan ko ang paa ko. Nangingitim na iyong kanina'y maputi. "Okay pa ito, Manong. Mukha pa rin namang paa. Sama mo ako." Sumunod ulit ako rito. Medyo dumarami na ang mga sasakyan. Ang bigat ng bitbit ko. Gano'n din si Manong. Tinulungan ko talaga siya. "Akin na. Ibebenta ko na. Dito ka lang. Huwag kang aalis dito," bilin ni Manong kaya naman tumango ako rito. Medyo lumiliwanag na. Marami na ngang mga tao ang dumaan sa tapat ko at napapatingin sa akin. Parang takang-taka pa sila. Ibebenta raw niya ang mga nakalakal namin at magiging pera iyon. Magkano kaya ang magiging parte ko? Lumipas ang ilang minuto. Habang tumatagal, nakakaramdam ako ng inip. Ilang beses akong sumilip pero hindi ko Makita sa loob si Manong. "Excuse me po!" ani ko sa isang matandang lalaki sa loob. "Bakit, ineng?" "Manong, nandyan pa po ba iyong Manong na madungis at may madilaw na ngipin?" nagsalubong ang kilay ng matandang lalaki. Nang tignan ko ang damit nito ay marumi iyon... nang sipatin nito sa basag na salamin ang ngipin ay dilaw rin. "Nang-aasar ka ba? Ang ganda mo pero mapanglait ka. Umalis ka nga rito. Wala ng ibang tao rito. Umalis na. Doon sa kabilang dumaan iyong isa." Tinakasan ako ni Manong? Dali-daling tumakbo ako patungo sa itinuro nitong daanan. Nakita ko si Manong, naglalakad na palayo. "Manong! Manong!" ani ko sa lalaki na kanina lang ay may hila pang sako, pero no'ng hinabol ko na ito ay tumakbo na ito. Ang sako nito ay pinasan na niya sa likuran. Shit! Hindi ko alam ang pauwi. Lumusot ito sa eskinita. Sumakay pa sa jeep no'ng may napadaan. Napatulala ako. Sabi niya kanina ihahatid niya ako roon sa tapat ng subdivision. Pero bakit niya ako iniwan? Akala ba niya ay aagawin ko ang pinagbentahan niya? Hihingi lang naman ako. Napasalampak ako sa sobrang disappointment. Hindi ko alam ang pabalik... wala rin akong ways para makabalik. Maliwanag na. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo roon. Naiiyak na. Nang may humintong sasakyan, magkakasunod, sa tapat ko ay medyo nabuhayan ako nang pag-asa. I saw Anshil sa isang sasakyan. Dali-dali itong bumaba para puntahan ako. Iyong kanina, naiiyak lang ako. Pero no'ng nakita ko siya ay nag-unahan na sa pagbagsak ang luha ko. "Milanie Feliz..." ani ng lalaki. Tumayo agad ako. Kahit nangangasim na dahil sa ginawang pag-explore mula kaninang madaling-araw ay hindi ako nahiyang yumakap dito. "Anshil! Buti nandito ka na... I'm so scared!" iyak ko rito. Napabuntonghininga ang lalaki, relief? I don't know. Nang yakapin din ako nito ay mas lalo pa akong napaiyak. "Iyong Manong na kasama ko... hindi niya ibinigay sa akin iyong kita ko sa pagpulot ng bote at plastic. Madaya siya, Anshil. Salbahe siya," iyak kong sumbong dito. "That's enough... uwi na tayo. Nag-aalala na ang parents mo sa 'yo." Iginiya niya ako para makalulan sa sasakyan niya. "I'm sorry, hindi ko alam kung paanong umuwi." "Okay na. Ang mahalaga ay safe ka," alo nito sa akin. "Bakit ka lumabas, Milanie Feliz? Alam mo bang delikado iyong ginawa mo? Wala kang maalala." "H-indi kasi ako makahinga sa bahay nila---" "Bahay ninyo iyon, Milanie Feliz. Hindi nila, kung 'di ninyo. Doon ka nakatira. Nakalimutan mo man pero roon ka nararapat. Why leave? Bakit kailangan mong umakyat ng bakod? Katabi mo lang ako sa kama... bakit hindi mo ako ginising?" "Ang haba nang sinabi mo, Anshil. Paulit nga." Agad tumalim ang tingin ng lalaki sa akin. "Niloloko mo ba ako?" inosenteng umiling ako rito. Huminga nang malalim si Anshil. Itinikom na rin nito ang bibig. Nang nakarating kami sa mansion ay agad sumalubong si mommy. Bakas sa mukha ang pag-aalala. Naiyak pa ito. "Diyos ko ka, Milanie Feliz! Bakit ka lumabas? Hindi ka dapat lumalabas na mag-isa, anak!" niyakap pa ako nito. Sinubukan ko namang kumalas sa yakap nito. "No hug, please! Hindi po ako sanay." Nagkatinginan si Anshil at mommy dahil sa sinabi ko. "Anak, favorite mo nga ang hug ni mommy. Hindi mo man maalala pero hindi buo ang araw mo na walang hug from me. Saan ka nagpunta? Bakit ang dungis-dungis mo?" akmang hahawakan nito ang kamay ko pero nagtago ako sa likod ni Anshil. Napabuntonghininga naman ang mommy ko sa naging action ko. "T-hat is fine. Anshil, pwede mo bang yayain si Milanie Feliz sa kwarto? Kailangan niyang mag-shower." "Milanie Feliz, let's go?" yaya ni Anshil sa akin. Nang ilahad nito ang kamay niya ay agad kong tinanggap iyon. Sumama ako rito. Sumunod naman si mommy. "Need mo ba ng help sa pagligo, Milanie Feliz?" tanong ni mommy sa akin. "Kay Anshil na lang po ako magpapatulong---" "Feliz!" saway ni Anshil sa akin. Taka namang tinignan ko ito. Saka iyon lumipat kay mommy. Naguluhan ako sa reaction nito. "Anak, ako na lang ang tutulong sa 'yo. Sige na. Pumasok ka na sa banyo," tumango naman ako. Pero bago pumasok ng banyo ay hinubad ko na ang saplot ko. Narinig ko ang reklamo ni mommy pero pumasok na ako ng banyo. "Anak, saan ka galing? Bakit ang dusing mo? Bakit hindi ka bumalik agad?" "Hindi ko po alam kung paano bumalik... I don't remember the way pabalik dito." "R-eally? Anak, huwag mo nang uulitin ito ha. Kung gusto mong lumabas ay hindi kita pipigilan. Magsama ka ng bodyguard. For your safety na rin. Understand?" malumanay na ani sa akin ng aking ina. "M-ommy, bakit hindi ako sanay na may kumakausap sa akin nang malumanay?" "Ha? Ganito naman magsalita si mommy. Nakalimutan mo nga talaga ang lahat." Lumungkot ang tinig nito. Maingat nitong itinutok sa akin ang shower head. "May mga bagay naman po akong alam at hindi nawala sa isip ko. Pero... iyon pong pagbabasa ng oras ay hindi ko alam, mommy. Bobo ba ako dati?" Sinasabunan na nito ang likod ko. Sa pagkakaalam ko ay grabe ang natamong damage ng likod ko. Maraming sugat doon na naghilom na rin naman sa loob ng dalawang buwang wala akong malay. May bakas na iniwan, buong likod. Pero may ways naman daw para maalis iyon. "Isa ka sa pinakamatalinong taong kilala ko, Milanie Feliz. Nakalimot ka lang, pasasaan ba't babalik din iyan. Iyong mga nakalimutan mo tulad ng oras... pwede nating pag-aralan iyan. Huwag kang mag-alala. After mo mag-breakfast later ay tuturuan kita." "Talaga po?" "Yes, anak. I'll teach you... parang dati... 2 years old ka no'ng nagka-interest kang mag-aral magsulat at magbasa. Too young pero pursigido ka na noon." Tinuruan din ako nito kung paano lilinisin ang sarili ko. Mula sa ulo hanggang paa. Especially, sa pepe. Alam ko naman iyon kung paano gawin, pero in-insist pa rin nito. "Hindi ka pwedeng maghubad na lang basta kagaya ng ginawa mo kanina. May tao man o wala. Dapat sa banyo lang. Naintindihan mo ba?" "No," tugon ko. Bakit hindi pwede? "Anak, dalaga ka. Hindi pwedeng makita ng iba ang katawan mo." "Why?" "Dahil hindi pwede... basta. Kahit pa fiance mo ang kaharap mo... baka hindi siya maging komportable. Ikaw rin. Sa gano'n paraan ay maproprotektahan mo rin ang sarili mo." Hindi ko gets, pero tumango na lang ako. Tinuyo nito ang buong katawan ko. Sinuotan ng robe. Saka niya ibinigay sa akin ang isang toothbrush. Alam ko gamitin iyon. Buti pa ang pagti-toothbrush ay hindi ko nakalimutan. Nang lumabas kami ay wala na si Anshil sa silid. Kaya dineretso na ako ni mommy sa walk-in closet. "Pwede kang mamili ng nais mong isuot, anak," napatitig lang ako sa napakaraming damit na naroon. Akin ba talaga ang lahat ng iyon? "Sa 'yo ang lahat ng iyan," parang nabasa nito ang iniisip ko. "Grabe! Grabe! Ang baduy!" ani ko. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Baka maka-offend kasi ako. "B-aduy?" takang ani ni mommy. "S-orry po. B-aduy talaga." "Check it, anak. Lahat ng mga iyan ay ikaw ang namili." "Ako po? Ang pangit po pala ng taste ko sa damit dati," tinawanan lang ako ni mommy. "Try mo pa ring magtingin. Kung wala'y ipaaalis ko ang lahat ng iyan at papalitan natin." Naghanap naman ako nang pamalit. May shirt and sweatpants akong nakita. Iyon na lang ang pinili ko. Mas marami rito ay dress. Alangan namang dress ang isuot ko sa bahay, right? "'Nak, nakalimutan mo mag-panty," paalala ni mommy sa akin. Pati iyon nakalimutan ko? Tsk. For sure nakaligtaan lang. For sure hindi iyon kasama sa mga memories na nawala sa isip ko. Promise! Nakaligtaan ko lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD