3

1542 Words
Chapter Three Wala na si Anshil. May trabaho raw kaya umalis muna. Pagkatapos kong mag-breakfast ay naging abala kami ni mommy sa ilang bagay. Katulad nang pagbabasa ng oras at pagsusulat ng pangalan ko. "Ang weird, mommy. Alam ko naman ang alphabet pero hindi ang pangalan ko?" ani kong bulalas no'ng inutusan ako nitong isulat ang buong pangalan ko. "It's Milanie Feliz, right? Pero paano ang spelling?" ani kong seryoso sa pagtatanong dito. "I'll write it, anak." Isinulat naman ni mommy. Ginaya ko. "Is there a familiar feeling while writing your name?" "No," tugon ko. Wala akong makapang familiarity. Pangalan ko ba talaga iyon? Ako ba talaga si Milanie Feliz? "Anak, sa itsura mo'y parang nagdududa ka pa. It's you. Nakita mo naman ang mga picture mo rito sa bahay, right? Anak kita. Huwag kang mag-alala. Hindi tayo hihinto hanggat hindi bumabalik ang mga nawala mong alaala. Pero hindi natin mamadaliin. Sabi ni doc ay possible na ma-stress ka, magka-anxiety, and ma-frustrate ka, kung pipilitin natin agad. Dahan-dahan lang tayo, anak. Okay?" tumango naman ako rito. "Mommy, babalik ba rito si Anshil?" "I'm not sure..." sagot nito. "Baka?" Hindi katanggap-tanggap ang sagot na iyon. Kailangan niya akong balikan dito. Bakit niya ako iniwan sa lugar na ito? Dapat isinama niya ako. Hindi ko kilala ang mga tao rito. "Anak?" tawag ni mommy sa akin. "Bakit ka umiiyak?" nang kapain ko ang pisngi ko ay basa iyon. "Pabalikin mo si Anshil, mommy. Bakit niya ako iniwan dito? Sinabi ko naman sa kanya na huwag niya akong iwan." "Anak, hindi ka naman niya basta iniwan... saka family mo kami." "Si Anshil po, mommy!" ani ko. Napilitan tuloy itong tawagan ang lalaki. "Ikaw talaga, dati pa'y ganyan ka na. Best friend mo pa lang noon si Anshil ay hindi mo na gustong nagkakalayo kayo." "He's the only person I trust... for now. Hindi niya dapat ako iniwan." "I understand that, anak. Wait, hindi pa niya sinasagot ang tawag ko... ito na. Hello, hijo? Hinahanap ka ni Milanie. Busy ka ba? Pwede mo ba siyang puntahan dito?" nanahimik saglit si mommy. "Anak, may meeting daw siyang tinatapos. Pupuntahan ka raw niya later," hindi ako sumagot. Tumayo ako't iniwan ang ina. Nakarating ako sa labas. Umupo sa gilid ng halamanan ni mommy. Inabot ang batong nakita at nagsimulang magsulat sa lupa. "Milanie Feliz... that's my name," bigkas ko. Sinusubukan itatak iyong sa isip hoping na may maalala ako. But nothing! Ilang beses akong tinawag ni mommy para pumasok sa loob pero hindi ko ito pinansin. Dito lang ako, hihintayin ko si Anshil dito. Nang napansin kong umalis si mommy sa pinto, nagpasya akong tumayo at maglakad-lakad na muna. Tatandaan ko na lang ang daan. Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko si mommy na may kausap sa phone. "Hindi ka pupunta? Gano'n ba---" at hindi ko na hinintay pang matapos ang pakikipag-usap nito kay Anshil. Hindi pupunta si Anshil? May way naman ako para puntahan ako ng lalaki. Sinilip ko ang bantay, busy sa phone niya. Kaya naman tahimik akong umakyat ng gate. "Hoy!" biglang ani ni Manong guard. "Ma'am, si Ma'am Milanie! Ma'am!" tawag nito kay mommy. Pagkarinig doon ay mabilis din akong bumaba. Saka tumakbo palayo. Kung sa main road ako ng subdivision daraan ay tiyak mahahanap agad nila ako. Kaya lakad-takbo ang ginawa ko. Nang may napadaang naka-motor ay hinintuan ako. "Miss, saan ang punta?" tanong sa akin ng lalaki. "Pwedeng sumakay? Hanggang labas lang ng gate." "Sure," ani naman nito. Dali-dali akong umangkas. Agad ding umusad iyon. Nang nakarating kami sa main gate ay pinahinto ang motor. Pero parang nahulaan ko lang din ang balak nilang gawin. Bago pa sila nakalapit ay mabilis na akong bumaba ng motor. Akmang huhulihin nila ako, mabilis akong umiwas. Maliksi ang kilos. Saka lumusot doon sa harang. Saka tumakbo na papalayo. Naririnig ko ang tinig ni mommy. Tinatawag ako. Pero hindi ko iyon pinakinggan. Nasu-suffocate ako sa bahay. Parang hindi roon ang lugar ko. Parang hindi ako roon nararapat... parang mas dapat sa tabi ni Anshil. Mas nakaka-inspire kung pogi ang kasama. Nakalayo ako. Sumakay pa nga ng jeep kahit hindi ako sure kung paano ang Sistema roon. Nang nakita kong may nag-abot ng bayad at patungo sa akin ay na excite ako. Bibigyan yata nila ako ng pera? Nang nakarating ang bayad sa akin ay nag-thank you ako. Saka akmang ibubulsa iyon. "Anong thank you ka d'yan? Bayad sa pamasahe iyan, miss. Nanakawin mo pa ang pamasahe eh." Inagaw sa akin iyon at ito na ang nag-abot sa driver. "Nakaw? Pero ibinigay ninyo sa akin. It's not nakaw." "Tanga! Malamang iaabot mo sa driver. Ano ka ba? First time mag-commute?" mataray na ani ng ginang na siyang may-ari ng pamasahe. "I'm sorry po... I don't remember po if it's my first time. Sorry," hiyang-hiya na ani ko. Nanahimik naman agad sila. "Iyong mga hindi pa nagbayad d'yan mahiya naman. Porke maganda hindi na magbabayad?" parinig ata ng driver. Tumingin ang lahat sa akin. I have no money. Napakamot ako sa ulo. "Ako po ba iyong magandang tinutukoy n'yo?" painosenteng tanong ko. "Ikaw na lang ang hindi bayad, miss." Masungit na ani ng driver. Napabuntonghininga ako. Dapat pala kapag tatakas ako'y may pera ako. "Wala po akong pera," amin ko. Agad namang inihinto ng driver ang jeep. "Bumaba ka na, miss. Hindi libre ang jeep ko." Lahat sila'y nais na akong bumaba dahil agad sumigunda ang driver. Napabuntonghininga na bumaba na lang ako. Parang ang lawak ng lugar, saan ko naman hahanapin dito si Anshil? Lumakad ako patungo sa parke. For sure wala siya rito. Naupo muna ako sa bench. Nagmasid. "Milanie? Milanie!" tawag sa akin ng isang babae na sosyalin ang itsura. Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa. Mukha siyang paa. "Who are you?" ani ko rito. "Tama nga ang tsismis na nawala ang alaala mo. I'm your friend, girl. I'm Susani. Sani ang tawag mo sa akin." "May friend akong pangit?" ani ko. She looks offended. "Grabe! Ang sakit mo naman magsalita, girl!" masakit ba iyong sinabi ko, honest lang naman ako ah. Tinignan ko ulit ito mula ulo hanggang paa. Mukha talaga itong paa. "Rich daw ang family namin... baka may kilala nag parents ko na magaling na doctor---" "Stop right there! Girl! Seryoso ka ba d'yan? You're insulting me na ha! Sa ating magkakaibigan ay ako ang sumunod sa 'yo pagdating sa ganda." Nanulis ang nguso ko. "Hindi ka talaga maganda... sorry." Bakit ko nga ba kinakausap ito? Hindi ko siya kilala. Baka nga hindi ko talaga siya friend. Akmang aalis na ako pero humarang ito sa akin. "Nasaan ang mga bodyguard mo?" "Ah... nasa paligid lang---" "Liar! Pabida ka ng taon. Gusto mo laging nakikita ng mga tao kung gaano ka kayaman. Hindi ka lumalabas ng bahay ng walang bodyguard at alalay. So, nasaan ang mga bodyguard mo?" "G-anoon akong tao?" ani ko sa babae. Parang ang hirap namang paniwalaan no'n. "Yes, girl! Gano'n kang klase ng tao. Mayabang ka kaya nga naging friend kita." "Excuse me?" ani ko na hindi makapaniwala sa naririnig ko rito. "Daan ka?" ani niya sa akin. "I don't know you... for sure nagsisinungaling ka. Don't trust pangit talaga." "What the f**k, Milanie? Don't trust strangers iyon. Saka halos magkasingganda lang tayo." "Hindi." "Aba't!" tumayo na ako't akmang aalis pero pinigilan niya ako. Mabilis ko namang pinilipit ang kamay ng babae. "A-ray! Aray ko naman!" saka ko siya binitiwan. Napaatras ang babae na nakasimangot na. "Hindi alam ng parents mo na lumabas ka?" "Alam---" "Liar! Hindi papayag ang mga iyon lalo pa't ganyan ang kalagayan mo. Tatawagan ko sila---" kumaripas na ako nang takbo. Narinig kong iniutos ng babae sa mga bodyguard niya na habulin ako pero hindi ako pumayag na mahuli ako. Kapag nahuli nila ako... kailangan kong bumalik doon sa mansion. Mabait naman ang mga kasama ko roon, pero para kasing nakaka-suffocate roon. Parang hindi roon ang lugar ko. Feeling ko nga'y mas tamang sa tabi lang ako ni Anshil, sa tabi ng gwapo. Nakarating ako sa dulo ng park. May nakita akong parang bahay-bahayan kaya agad akong pumasok doon. Tagpi-tagping yero at Sako lang iyon. Pero pwede nang taguan. Nagulat pa ang dalawang matanda na nakahiga sa nagsisilbi nilang tulugan, nakapatong ang babae sa matandang lalaki. "Sorry po sa istorbo. Tuloy n'yo lang po iyan. Makikitago lang po ako rito." Tumalikod ako sa kanila saka tinakpan ang tenga ko. Anong oras pa lang ay may gumagawa na rito ng milagro. Ipinagpatuloy nila iyon. Nang nakaraos ay casual lang na naghiwalay ang dalawa. "Bakit ka nandito?" tanong ng matandang babae na pawis na pawis. Damn! Talagang pagpapawisan ito dahil sa ginawa nila. "Nagtatago lang po. Aalis din po ako mamaya." "Hindi ka nahiya sa amin na basta ka na lang pumasok dito?" tinignan ko ang asawa nito. Saka bumalik ang tingin ko sa ginang. "Dapat po kayo ang mahiya sa akin. Kayo kaya itong may ginagawang kabastusan---" "Aba'y gaga ka. Dito kami nakatira." "Ay! Sorry po, oo nga pala." Pasimple akong sumilip. Nang hindi ko na nakita ang mga humahabol sa akin ay lumabas naman na ako. Malakas ang kutob ko na hahanapin ako ni Anshil. Hindi ako nagwo-worry kung makalimutan ko na naman ang daan pauwi. Mahahanap ako ni pogi. Sure iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD