4

1495 Words
Chapter Four "Holdap 'to!" naglalakad lang ako sa isang eskinita. Hindi ako sa main gate ng park dumaan, dito lang sa masikip at mabahong eskinita. Tapos holdap pa raw. Napakamot ako sa ulo. "I think mas better na sabihin ninyong kidnap ito. Kasi kung holdap... wala naman kayong makukuha. Kung kidnap ay tiyak mayroon. Maraming pera ang family ko. For sure willing ang mga iyon na magbigay ng ransom to save me." Iyong tingin ng tatlong lalaki sa akin ay parang alien ako na may tatlong ulo, parang sa mga mata nila'y weirdo ako. "Ayos ka, ah! Binigyan mo pa talaga kami ng idea." "Wala kasi kayong mahihita sa akin. Pera? Alahas? Wala ako n'yan. Pero kung kikidnapin ninyo ako ay tiyak milyones ang pwede ninyong kitain." "Milyones?" parang nag-twinkle ang mga mata nila sa narinig. "Oo, mayaman kasi kami." Nagkatinginan ang tatlo. "Hindi ka papalag kapag kinidnap ka namin?" tumango naman ako. "Bakit pa ako papalag... hindi ko nga alam kung saan ako pupunta ngayon. Mas better sumama na lang ako sa inyo." "Sigurado ka?" "Oo nga. Isama n'yo na lang ako." Sumama ako sa kanila. Iyong mga kutsilyo nilang dala ay itinago na nila. Ngayon ay naglalakad na lang kami na parang magtrotropa. Nang tinignan ko ang isa'y huling-huli ko itong nagnanakaw ng tingin sa akin. Siya talaga ang una kong napansin kanina. Pogi siya. Hindi kasing pogi ni Anshil, kasi ibang level iyong kapogian ng fiance ko. Pero pogi rin ito, at kapag may pogi... doon ako sasama. Nagpa-cute pa ako rito. "Mga pre, masama ang kutob ko rito," dinig kong ani ng lalaki. "Milyones daw, pre! Palag-palag na. Chance na natin itong maging milyonaryo." "Right! Kahit magkano ay ibibigay ng parents ko iyon. Sure na sure ako. Iyong fiance ko... kilala n'yo ba si Anshil Zimmer-Macbeth? Billionaire iyon. Mayaman talaga." "Narinig mo? Yayaman na tayo!" nailing ang lalaki na para bang alanganin talaga ito sa gagawin namin. "Wow!" huminto ako sa paglalakad at napatitig sa mga mangga na tinitinda ng isang matandang lalaki. "Libre n'yo ako?" ani ko rito. "Pre, libre mo na para matiwasay na sasama sa atin." Agad namang dumukot sa bulsa ang lalaki. Kumuha ng bente at ibinigay sa akin. Agad akong bumili, kaya no'ng naglalakad na kami sa hindi ko alam na direction ay kumakain ako ng mangga. Nang may nadaanan akong cotton candy ay nagpabili ako. Labag pa yata sa loob no'ng lalaki na siya ring nagbigay ng bente sa akin kanina. Mangga at cotton candy na ang hawak ko. "Tubig pa sana," parinig ko sa kanila. Dahil buko juice ang pinakamalapit ay kumuha rin sila. Hindi masaya ang expression ng mga ito. Pero pinagbigyan pa rin nila ako. Dahil saktong labasan ng mga estudyante na bumibili sa mga tindahan sa labas ng eskwelahan ay medyo nagkasiksikan no'ng natapat kami sa gate ng eskwelahan. Sa paghahangad na maprotektahan ang mga pagkain ko ay sumabay na lang ako sa agos ng mga estudyante. Hindi ata namalayan no'ng tatlo na wala na ako sa likuran nila. Sayang ang milyones, bahala nga sila. May nakita akong eskinita, lagusan patungo sa national highway kaya roon na ako dumaan. Ine-enjoy ang mga pagkaing parang hindi naman akma na pagsama-samahin sa sikmura. Pero tuloy lang ako sa pagkain. Naubos ko ang mangga nang nakarating na ako sa national road. Itinapon ko lang iyon sa sako na nadaanan ko bago ako tumawid sa national road. Pakanta-kanta pa. Halatang masaya sa trip ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit may part sa akin na gustong maglakad nang maglakad. Pero nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. Kahit polluted ang air, hindi naman ako nasu-suffocate. Ibang-iba iyong pakiramdam kapag nasa mansion ako. Hindi ko talaga alam ang reason bakit hindi ako okay sa mansion na iyon. Mukha namang mabubuti ang mga tao roon... well, dahil hindi ko maalala ang past ko ay hindi ako sure kung mabuti ba talaga sila. Kahit nga si Anshil eh. Hindi ko alam kung mabuti ito. Pero may tiwala ako sa kanya... kasi pogi siya. Nang naubos ko ang mga pagkain ko ay para na naman akong kawawang pagala-gala. Pero okay lang. Kung pwede lang huwag nang umuwi. "Milanie Feliz Montoya!" dinig ko. Tuloy lang ako sa paglalakad. Nang may humablot sa braso ko ay agad akong naging defensive. Mabilis kong pinilit ang kamay. "Ouch! Milanie, it's me!" galit na ani ng lalaki na halatang nasaktan. Agad ko namang binitiwan ang lalaki pagkakita ko rito. "A-nshil?" ani ko. "You, brat!" ani nito sa akin. Saka bigla na lang akong pinasan. Sa labis na gulat ay hindi na nakapalag pa. Naisakay ako nito na tulala pa rin ako. "Let's go! Baka tumakas pa ang babaeng ito." Salubong na salubong ang kilay ng lalaki. Parang mainit ang ulo nito kaya naman iniangat ko ang kamay ko saka gamit ang dalawang daliri ay pinaghiwalay ko ang kilay nitong salubong. "What are you doing?" inis na ani ng lalaki. "Galit ka?" ani ko na medyo napalabi pa. "What? Seriously? Tinatanong mo ako kung galit ako? I'm busy, Milanie Feliz. I'm working! Tapos nakakatanggap ako sa nanay mo nang tawag na tumakas ka na naman daw!" huminga ito nang malalim. "I'm so angry right now, woman!" frustrated na ani nito. "I don't mind kung lumabas ka with your bodyguard. It's fine. Pero iyong pagtakas... damn!" "Dati siguro akong aso... ayaw na nakakulong," ani ko na hindi sineseryoso ang frustration ni Anshil. "At nakuha mo pang magbiro?" asik nito sa akin. "Aba'y hindi ako nagbibiro. Nakalimutan ko nga 'di ba ang past ko... malay ko nga ba kung aw-aw pala ako." "Siraulo!" ani nito. "Milanie, masyadong delikado kung lalabas ka na mag-isa. Huwag mo nang ulitin ito," ngumiti ako nang pagkalawak-lawak, kasama pa ang mata na nagpapungay. "Wala kang balak makinig at sundin ang sinasabi ko?" ani ng lalaki. "Yes po," tugon ko rito. "At nakuha mo pang mag-po samantalang hindi ka naman pala nakikinig. Milanie, kailangan bang itali kita?" "So, aso nga ako dati?" "Milanie Feliz!" sigaw na nito sa akin. "Tsk. It's your fault naman why lumabas ako, Anshil. Kung hindi mo ako iniwan... 'di sana'y nasa bahay lang tayo. Pero iniwan mo ako sa mga taong iyon---" "That's your mother, Milanie. Stop saying sa mga taong iyon, nanay mo iyon. Pamilya mo ang nakatira roon." "No. Nasu-suffocate ako roon. Hindi ko bahay iyon." "Woman!" ani ng lalaki. Kaya tinakpan ko ang tenga ko. Alam ko namang woman ako, ilang ulit na nitong binigkas iyon. Nakabalik kami sa bahay. Bumungad sa aking paningin ang stress na mukha ni mommy. "Milanie, ano ka ba?" ani nito na agad akong sinalubong at mahigpit na niyakap. "Tao po---" "Stop it!" saway agad ni Anshil. "Anak, bakit ba hindi ka mapirmi? Bakit ba tumatakas ka?" hindi ako sumagot. "Delikado sa labas, anak." Nanahimik ako dahil baka mas lalo akong masermunan dahil sa pag-offer ko roon sa mga lalaki na kidnapin na lang ako, instead na holdapin. Baka mayari ako ng mga ito. "Anshil, salamat at naibalik mo si Milanie rito. I'm so sorry kung nakaistorbo na naman kami sa 'yo." "It's okay, Tita. Ang mahalaga ay safe si Milanie. Magpapadala ako ng mga tao rito para dagdag bantay ni Milanie." "A-alis ka?" nakaramdam ako ng labis na kalungkutan. "Anak, may mga meetings si Anshil na kailangan asikasuhin. No'ng nasa ospital ka ay halos hindi na nagtungo ng office iyan. Nag-stay siya sa hospital para bantayan ka. Kaya marami talagang trabaho na kailangan gawin. Hindi siya pwedeng mag-stay rito 24/7." Nang salubungin ko ang titig ng lalaki ay hindi ako nahiya kung nakita nito na naluluha ako. Kung maaawa siya sa akin... goods iyon. "M-ilanie," ani ng lalaki ng may pumatak na ngang luha sa mga mata ko. "I-iwan mo ako. Sabi ko sa 'yo stay ka... ayaw ko rito. Ayaw kong mag-stay rito kung wala ka." "Milanie," ani ni mommy sa akin. "Saan mo gustong mag-stay?" tanong ng fiance ko. "Sa tabi mo... ayiii!" ani ko. "Stop it, Milanie. Mas maaalagaan ka rito. Pupunta pa rin naman ako rito. Kung gusto mo'y rito ako matutulog." "That's not enough, Anshil." Napahawak sa batok si Anshil na para bang stress na stress na ito sa akin. "Milanie, hindi tama iyan. Huwag kang ganyan kay Anshil. May responsibility siya sa company nila. May trabaho siya, anak." "Isama na lang niya ako, mommy," humihikbi ng ani ko rito. "Magpapakabait po ako... ng konti." "Anak," napapagod na ani ng aking ina. "Kung wala siya sa tabi ko... tatakas lang ako ulit," ako pa ang may ganang nag-walkout. Pumasok ako sa mansion. I saw my father, pababa ng hagdan. "Milanie," ani ni daddy. Nang nakababa ito ay akmang yayakap ito sa akin pero umiwas ako. "Hindi ko po sure kung ikaw ba talaga ang daddy ko. Pasensya na po." Ang matandang hindi nakayakap sa akin ay napakamot sa ulo niya. Saka niya itinuro ang mukha niya. "Anak, girl version ka lang ng mukhang ito. Hindi na kailangan ng DNA test... tatay mo ito!" ani ni dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD