Chapter Five
"Milanie Feliz Montoya, 25 years old. Anak ng... ng... ng nanay at tatay ko," napakamot ako sa ulo. Sinabi na sa akin ng parents ko ang pangalan nila pero kapag ganitong nag-iisip ako ng seryoso ay mas lalong hindi ko maalala. Bobo ampt! Kung kailan nag-isip, saka hindi nasagot. Nandito ako sa balcony ng kwarto. Gabi na. Nakailang katok na si mommy sa pinto pero hindi ko iyon pinansin. Hindi siya ang gusto kong kakatok doon. Si Anshil, si pogi ang gusto kong manunuyo sa akin.
"Anak, dinner na. Open the door, darling. Hindi ka dapat naglo-lock ng pinto." Lumakad ako na walang kaingay-ingay saka maingat na inalis sa pagkaka-lock ang pinto. Mabilis namang bumalik sa balcony. "Open the door, Milanie!"
"Bukas iyan, mommy," tugon ko. Nang bumukas ang pinto ay nalingunan ko pa si mommy na parang takang-taka sa pinto. "Mukhang sira na ang door mo, Milanie. Papapalitan ko na lang---"
"No need na po. May kailangan ka po?"
"Dinner na. Naghihintay ang daddy mo at si Anshil sa dining room."
Hindi pala umalis ang lalaki? Tapos hindi niya ako pinuntahan dito? Aba! Naghihintay ako ng lambing tapos siya naroon na?
"Wala po akong ganang kumain."
"Anak, iinom ka pa ng gamot. Sige na, Milanie. Kilos na d'yan." Nakikiusap ang tinig ng mommy ko.
"Hindi po ako kakain," kahit mukhang kawawa na si mommy ay paninindigan ko ito. Kung tinataasan ni Anshil ang pride niya, magtatayo ako ng tore rito para lang maitaas ko pa ang pride ko.
Umalis si mommy. Bigo itong kumbinsihin ako. Nang tumayo ako malapit sa railing ay pinagmasdan ko ang kalangitan. Maraming bituin, nakaka-relax pagmasdan. Sa sobrang relax ay sumampa ako sa railings at tumayo roon na walang takot. Ang mga kamay ay idinipa. Sakto namang humangin kaya mas lalo kong na feel ang payapang gabi na iyon.
"What the f**k?" agad na may yumakap sa hita ko at agad akong inialis sa railings. "f**k it, Milanie Feliz! No'ng nawala ba ang alaala mo ay nasama pati utak mo?" bakas ang inis sa tinig ni Anshil. Nag-aalala ba ito o pikon na pikon na ito sa akin?
"Hindi ko sure, Anshil. Hindi naman ako iyong doctor na nag-check sa ulo ko---"
"Pilosopo ka talaga!" asik ng lalaki. Napayuko naman ako. "Delikado iyong ginawa mo, Milanie Feliz. Bakit ba gustong-gusto mong ilagay ang sarili mo sa alanganin? Woman, memorya mo lang ng nakaraan ang nawala. Pero iyong kakayahan mong mag-isip ay nandyan pa rin." Stress na stress talaga ito. Parang hindi ito iyong Anshil na nakita ko no'ng unang nagmulat ako ng mata pagkatapos ng dalawang buwang comatose.
"Galit ka?"
"Yes!" pagkariin-riin naman iyong yes niya. Parang nais niyang iparamdam sa akin iyong inis niya talaga sa isang salita na iyon. Napayuko ako. Napasapo ako sa ulo, hindi dahil masakit, kung 'di dahil idadaan ko lang sa drama. "Heay, why?" agad na ani ng lalaki. See! Mukhang effective ito.
"Medyo nahilo lang ako---"
"Kailangan mo ng kumain. Gutom na iyan. Kailangan mo pa ring uminom ng medicine mo. Halika na sa baba." Biglang naging kalmado ang boses nito.
"Galit ka pa rin, Anshil?" napabuntonghininga ito.
"Hindi na, Milanie Feliz. Baba na tayo para makakain ka."
Siyempre sumama na ako.
Hawak-hawak nito ang kamay ko hanggang nakababa kami at nakarating sa dining room.
Maraming pagkain ang nakahain. Mukha namang masasarap ang mga iyon. Kaya nang pumwesto ako ay akmang dadampot na ako ng hita ng manok nang sabay-sabay na nag-sign of the cross ang mga ito.
Nahiya ako. Agad ding nag-sign of the cross. Nagsimulang nagdasal si mommy. Ang isang mata ko'y mulat na mulat, habang ang isa'y nakapikit.
Nang natapos itong nagdasal ay ako pa ang may pinakamalakas na amen sa aming apat.
Nang sandukan ni Anshil ng kanin ang plato ko ay tahimik lang akong nakamasid. "Enough na?" ani ng lalaki. Nang tignan ko ang kanin na inilagay nito ay napanguso ako.
"Sinong kakain n'yan? Grade 2? Baka lalamunan ko lang iyan, eh. Parang tatlong kutsara lang iyan."
"Pwedeng sabihin kung dadagdagan pa, Milanie Feliz," ani nito.
"Dagdagan pa," dinagdagan nito pero hindi pa enough. Kaya sa bawat lagay niya ay napapatingin siya sa akin. Halos mapuno na ang plato. "Hindi pa rin enough?" takang ani ng lalaki.
"Okay na iyan. Kuha na lang ulit ako kapag kulang."
"What? Kailan ka pa lumakas kumain?"
"Milanie Feliz, sobrang conscious mo sa dami ng kinakain mo. Iyang kanin... sobrang dami n'yan for you," ani ni mommy.
"Konti pa nga po ito, mommy. Kain na tayo. Huwag n'yo akong pansinin."
Nagsimula kaming kumain. Panay paalala si Anshil na gabi, at hindi magandang kumain ng marami sa gabi. Pero parang wala akong narinig. Sinigang ang inulam ko. Nang akmang lalagyan ni Anshil ng ibang ulam ang plato ko ay agad akong umiling.
"Ayaw ko iyan, may carrots oh!" turo ko pa sa maliit na hiwa ng carrot.
"Until now ay ayaw mo pa rin sa carrots, Milanie Feliz?" ani ni Anshil. Natigilan ako. Napaisip.
"Hindi masarap, Anshil. Ang weird ng lasa," tumango naman ito na wari'y naintindihan niya ako.
"Nakalimot ka man, pero iyong pagka-hate mo sa carrots ay hindi naman nawala. Bata ka pa lang ay ayaw mo na talaga sa carrots, darling."
Oo nga 'no... alam ko na ayaw ko sa carrots. Parang naiisip ko pa nga lang ay parang gusto ko nang sumuka.
"Ano pa ang mga ayaw mo na natatandaan mo, Milanie?" ani ni dad. Gumawi ang tingin ko rito. Kamukha ko talaga ito.
"I don't know... maybe iyong kinakausap ako kapag kumakain ako?" ani ko. Napabungisngis si mommy at Anshil. Si daddy naman ay napasimangot.
"Anak, binu-bully mo na ako ha!" ani nito sa akin.
"Sorry," ani ko.
"It's okay. Kain ka na. Baka gusto mo pa ng kanin?" offer nito.
"Thanks," ani ko. Nang dagdagan ko ang kanin ko ay sinulyapan ko si Anshil. Angat na angat ang kilay nito.
"Kasya ba sa tiyan mo iyan, Milanie? That's too much!"
"Sinasabi mo bang matakaw ako?" ani ko rito.
"What? Hindi ko sinabi iyon, Milanie. I'm just worried." Inirapan ko ito.
"Gano'n din iyon."
"Wala akong sinabi---"
"Huwag mong problemahin itong pagkain ko. Kaya kong ubusin ito."
--
Tulog na si Anshil sa tabi ko. Alas-12 na at tiyak pati parents ko ay gano'n din, tulog na. Bumangon ako pero agad nagmulat ng mata ang lalaki na kanina lang ay medyo naghihilik pa.
"Where are you going?" ani agad nito. Akala ba niya'y tatakas ako? Hindi ah!
"Ang sakit ng t'yan ko, Anshil. Natatae ako!" ani ko at kumaripas na ng takbo patungo sa banyo. Pagpasok at pagpwesto pa lang sa toilet ay sumabog na Ang hindi naman kailangan sumabog.
"Damn it! That's disgusting, Milanie Feliz!" ani ng lalaki na nagulantang yata sa lakas ng pagsabog. Hindi ko pa naisara ang pinto. Kaya tiyak narinig nga nito. "f**k it! Ang tigas kasi ng ulo mo," sermon nito sa akin. "Kailangan mo ba ng gamot?" tanong nito. Nang sumilip siya sa door ay nakatakip pa ang ilong nito. Salubong ang kilay. Nang nakita niya ang Todo kong pag-iri ay mas lalo yata itong nandiri. Napasobra yata ako sa kain kanina. Inaawat na kasi, hindi talaga tumigil.