Chapter Six
"Kumusta ang pakiramdam mo?" ani ng lalaki habang inaayos ang kumot ko.
"Okay na. Matulog na tayo. Sure ako na okay na ako. Naitae ko na lahat," agad na napasimangot ang lalaki. "Nandidiri ka ba sa akin?" painosenteng tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot.
"Para kasing pati manners mo ay nakalimutan mo---"
"Oo o hindi?" ani ko rito. Pinutol pa ang sinasabi nito.
"Oo, Milanie. Nandidiri ako," napakamot ako sa ulo. Ang sakit palang ma-real talk.
"K. Matulog ka na. Bukas ay nakakalimutan mo rin ang tungkol sa tae. Tsk. Parang hindi ka tumatae ha. Sana all."
"Milanie!" seryosong ani ng lalaki. Tumagilid na ako para matulog. Humiga na rin ito sa pwesto niya. Mabilis lang na nakatulog ang lalaki pero ako'y dilat pa rin. Hindi na dahil masakit ang tiyan, hindi ko rin alam ang dahilan. Ito na naman iyong pakiramdam na parang nasu-suffocate na naman ako. Pero this time... imbes na tumakas ay nagpasya akong kunin na lang ang unan at tumungo ako sa balcony. Pagkahiga ko sa couch ay nagpasya akong pumikit at sinubukan kong matulog.
Hindi naman ako nabigo, nakatulog ako pero nagising din dahil sa pakiramdam na parang may nakatitig sa akin.
"What is wrong with you?" iyon agad ang ani ng lalaki na bumungad pagmulat ko ng mata. "Akala ko'y tumakas ka na naman. Naalimpungatan ako't wala ka sa tabi ko. Hindi ka talaga mapirmi."
Hindi ako sumagot. Ang ginawa ko'y inabot ko ang leeg nito't kinabig ito para yakapin. Saka ako pumikit at balak na sanang matulog pero nagsalita ito.
"Sa kwarto na tayo," yaya nito sa akin.
"Stay... here," mahinang ani ko.
"Ayaw mo ba sa kama?"
"No. Here lang," ani ko. Akala ko'y iiwan na niya ako. Pero inutusan niya akong umusog. Nang may space na para sa kanya ay humiga na rin siya. Yumakap ako rito. Komportable talaga ako kay Anshil kahit pa hindi ko tanda na fiance ko ito.
--
Nang nagising ako'y nasa kama na ako. Pero wala na si Anshil. Malamang ay nagtungo na iyon sa trabaho. Kaya naman kumilos na ako para maligo. Pagbaba ko'y nakaabang na sina mommy at ang mga kasambahay.
"Handa na ang breakfast, Milanie. Halika na, anak." Sumama ako kay mommy sa dining room. Agad naman kaming inasikaso ng mga kasambahay. Ang nguso ko'y unti-unting tumulis no'ng napansin ko ang pagkain sa table. "Anak, I'm sorry. Nagbilin kasi si Anshil sa food na ihahanda para sa 'yo today... healthy food daw."
"Ano ako kambing?"
"Hindi, ah! Ayaw mo ba?"
"Malalaman ba ni Anshil kapag iba ang kinain ko?" wari'y nag-isip ito saglit.
"Hindi naman siguro, anak. Gusto mo bang palitan?"
"Yes, please!" ani ko rito. Hindi naman nagtagal at napalitan din. Kaya magana akong kumain habang pinanonood ng aking ina.
"Anak, nagdagdag ng bodyguard si Anshil for you. Sobrang sweet talaga ng fiance mo." Huminto ako sa pagsubo saka tinignan ito.
"Pwede po ba kayong magkwento about sa amin ni Anshil. Baka sakaling may maalala man lang ako."
"Really? Sige, try natin. Bata pa lang kayo ni Anshil ay mag-best friend na kayo. Halos ayaw ninyong nagkakahiwalay kahit pa mas older si Anshil sa 'yo. Siya ang sinusundo sa 'yo no'ng elementary ka, at high school na siya. Sabay kayong umuuwi. Sobrang close ninyong dalawa. Best friend talaga. No'ng nag-usap kami ng parents ni Anshil ay nagkasundo kami na i-arranged marriage kayo. Pumayag din naman kayong dalawa dahil parang pareho kayong walang balak mag-settle sa iba. Smooth naman ang relationship as girlfriend and boyfriend. Tapos kinausap ako ni Anshil na magpro-propose raw ulit sa 'yo... iyon lang no'ng nasa Yate kayong dalawa ay sumabog bigla ang yate. Dalawang araw kang hinanap at natagpuan sa isang Isla na halos wala ng buhay. Sa awa ng Diyos ay nakita ka at naidala sa ospital."
"Aksidente po ba ang pagsabog ng yate or hindi?" curious na tanong ko rito.
"Hindi ko pwedeng sagutin iyan, anak. Kay Anshil mo na lang tanungin dahil baka mas lalo kang ma-trigger. Gusto ko mang bumalik ang alaala mo'y hindi ko gugustuhin na mapwersa ka. Baka tuluyang nawala na nga at hindi na maibalik pa."
"Mommy, anong mga hilig ko?"
"Shopping ang isa sa pinakapaborito mo. Laging kawawa ang cards ng daddy mo kapag nasa mood kang magwaldas ng pera," tumawa pa ito na parang hindi iyon big deal.
"I hate shopping," sagot ko rito. "Parang hindi maganda sa pakiramdam na magwaldas ng pera na hindi naman akin---"
"Anak, ang pera namin ng daddy mo ay pera mo rin. Hindi big deal sa amin kung gamitin mo iyon sa wants and needs mo. Masaya pa nga kami kung ginagamit mo iyon eh," umiling ako. Still not okay.
"Mula ngayon ay hindi na po ako magsho-shopping lalo't hindi ko naman pera---"
"Milanie, it's okay," muli akong umiling. Sobrang spoiled brat ko ba noon?
After breakfast ay naputol na ang usapan namin. Pagkatapos kong uminom ng gamot ay lumabas ako. Nakasunod naman agad ang mga bodyguard ko. Sa tingin ba nila'y tatakas ako? Wala naman sa isip ko iyon. Pero dahil narito sila at naalala kong tumakas, tatakas na lang ako.
"Mga Kuya, pwede n'yo namang akong iwan dito sa garden. Hindi naman ako tatakas. Gusto ko pong mapag-isa," pakiusap ko.
"Pasensya na po, ma'am. Hindi po pwede. Bilin po ni Sir Anshil. Bantayan daw po namin kayong mabuti."
"Hindi po ako aalis. Promise po iyan."
"Pasensya na po. Didistansya na lang po kami pero babantayan ka po namin." Seryoso sila. Binigyan nila ako ng distansya pero nakabantay pa rin sila.
Sinulyapan ko ang bakod, kasingtaas lang din naman ng gate. Pero ang pagkakaiba, may apakan sa gate. Iyong bakod ay wala. Iyong mga design lang na kung normal na tao ay hindi magagawang akyatin. For sure hindi ko rin kaya.
"Naiisip ko pong tumakas," seryosong ani ko. Napaayos ng tindig ang mga kalalakihan na parang biglang naalerto.
"What do you mean, ma'am?"
"Naiisip ko pong umakyat ng gate. Hindi po mapigilan ng utak ko." Hindi nagbilang ng segundo ay kumaripas ng takbo ang mga ito patungo sa gate, naiwan ako sa garden. Iyon ang pagkakataong kinuha ko at lumapit sa pader. Napaka-impossible na maakyat ko iyon, pero hindi masamang subukan.
No'ng una'y nahirapan talaga ako. Pero no'ng nakuha ko na ang tamang paghawak at tiyempo ay para lang akong naglalaro. Pati sa pagbaba sa kabilang bakod ay hindi ako nahirapan. Bakanteng lupa naman kaya matiwasay akong lumakad no'ng nakababa na ako. Akyat-bahay ba ako noon? May gano'n ba akong trip na kahit mayaman ang magulang ay may pagkautak criminal ako?
Papito-pito akong lumayo. Naglakad na naman ng naglakad.
"Psst!" sitsit ng isang lalaki sa akin. "Milanie, saan ang punta mo?" ani ng lalaking naka-motor. "Tatakas ka na naman like what you did kahapon?" akusa ng lalaki sa akin.
"Isusumbong mo ako?" ani ko na nanunulis pa ang nguso.
"Of course not! For sure sa mga oras na ito ay natawagan na ang guards sa exit ng village na ito. Mahahabol ka nila. Sakay ka na."
"Hindi kita kilala---"
"Ano naman? Pero pwede akong magpakilala sa 'yo. I'm Blake Satte, tropa ni Anshil."
"Ah, mas lalong huwag na lang. Baka isumbong mo ako roon---"
"No. Hindi kita isusumbong. Saan ba ang punta mo? Pwede naman kitang samahan."
"Wala si Anshil sa bahay... hahanapin ko siya."
"Papunta ako sa office niya ngayon. Gusto mo bang sumama? Naka-motor nga lang." Aktong iaabot niya sa akin ang helmet.
"Sure!" ani ko rito. "Let's go!" ito pa ang nagsuot sa akin ng helmet bago inalalayan sa motor niya. Pagsakay ko'y agad akong yumakap sa bewang nito at pinausad naman agad nito ang motor. Dahil naka-helmet ay hindi ako nakilala ng mga bantay sa gate. Tuloy-tuloy lang si Blake sa pag-drive palabas. Safe ba ako sa lalaking ito? Mukha namang safe ako sa kanya, pero feeling ko ay hindi siya safe sa akin. Parang kapag gwapo ay possible manganib sa akin. Mahigit 40 minutes kaming bumiyahe. Pagdating sa tapat ng isang malaking gusali ay amaze na napatitig ako roon.
"Stay here, Milanie. Ipa-park ko lang ang motor ko." Pagbaba ko at pagbalik ko ng helmet dito ay naghintay naman ako, mga 5 seconds siguro. After ng ilang segundo ay lumapit na ako sa guard.
"I'm sorry po, ma'am. Hindi ako pwedeng magpapasok ng walang company idea or appointment."
"Kahit fiancee ni Anshil?" takang ani ko.
"Marami na pong nagpanggap na fiancee or girlfriend ni boss. Pasensya na po. Hindi po talaga pwede." Madali naman akong kausap. Imbes ipilit ay umalis na lang ako. Naglakad na naman ng naglakad. Hindi na namalayan na nakalayo na pala ng gusali. Nakalimutan na ring may kasama ako na nag-park lang.