Chapter 12
Ragen Percival's POV
Lumipas ang dalawang buwan.
Sa loob ng dalawang buwan na iyon wala akong ginawa kung hindi basahin lahat ng talaan tungkol sa blacksea empire.
Ngunit kahit isa sa mga talaan na iyon walang nakakapagsabi sa tunay na nangyari sa emperyo. Kung paanong nawasak ang buong emperyo at kung totoong ang guardian ng dapat na empress ang nagwasak sa emperyo.
Bumuga ako ng hangin at binaba ang libro sa lamesa. Tiningnan ko si Lazaro na ngayon ay nasa anyong leopard at nakadapa sa kama.
"Tapos ka na ba magbasa?" tanong ni Lazaro. Tumayo ito at nag-unat. Lumingon sa akin natawa ako at sinabing nabasa ko na ang lahat ng talaan tungkol sa blacksea.
"Nakakainis lang dahil wala akong nakitang talaan na makakapagsabi kung anong totoong nangyari sa emperyo ni ina."
Pumikit si Lazaro at agad ito nag-anyong tao. Tiningnan niya ako.
"Puro ka na lang trabaho," ani ni Lazaro. Bulong ni Lazaro mahina lang iyon pero narinig ko. This past few days iyon nga ang mga ginawa ko— hindi ko na napag-tuunan ng pansin si Lazaro.
Napangisi ako matapos makitang parang bata na nagmamaktol si Lazaro. Inalis ko ang comforter at lumapit kay Lazaro. Inasar ko ito at tinanong kung masama ang loob nito sa akin.
"Will you shut up. Hindi mo alam kung paano ang pagpipigil ko para wasakin ang library at sunugin lahat ng libro na palagi mong hawak," pikon na sambit ni Lazaro. Napangisi na lang ako sa idea na nagtatampo nga sa akin si Lazaro.
Hinawakan ko ang pisngi ni Lazaro. Magaan ko siyang hinalikan sa labi. Nakita ang gulat sa mukha ni Lazaro— siguro dahil ito ang unang beses na ako humalik sa kaniya.
Umupo ako ng ayos at hinawakan ang labi ko. Sobrang lakas nanaman ng t***k ng puso ko at laging dahilan 'non ay si Lazaro.
Alanganin na tiningnan ko si Lazaro. Pag-angat ko ng tingin agad niya ako siniil ng halik matapos hawakan ang pisngi ko.
Napaluhod ako sa kama at napahawak sa balikat ni Lazaro— it's feel wierd. Kung iisipin nakakadiri ang idea na nagpapalitan kami ng laway pero kung si Lazaro. I don't mind kahit ilang beses pa at kung gaano katagal.
Nakipagsabayan ako ng halik kay Lazaro hanggang sa maramdaman ko ang pagpasok ng kamay ni Lazaro sa suot ko na pang-itaas. Hinawakan ang bewang ko papunta sa likuran ko.
Pakiramdam ko bawat haplos ni Lazaro ay may nilalabas siyang kuryente na siyang nagbibigay ng kiliti sa kaibuturan ko at init sa loob ng kalamnan ko.
Naramdaman kong binaba ni Lazaro ang kamay niya at pinasok iyon sa suot kong pajama— napayakap ako sa katawan ni Lazaro at nahila ko ang hininga ko matapos ibaba ni Lazaro ang halik niya patungo sa leeg ko.
Naramdaman ko ang daliri niya sa maliit na butas na nasa likuran ko na naging dahilan para mapaingit ako. Hindi iyon ang unang pagkakataon ngunit nakakaramdam pa din ako ng hiya at the same time excitement tuwing ginagawa namin ito.
3rd Person's POV
Nakasandal si Ragen sa headboard ng kama. Nakatakip ang bibig gamit ang likod ng mga braso habang pinipigilang mapaungol ng malakas.
Kasalukuyan kasing nasa pagitan ng mga hita niya si Lazaro. Pinagsasawa ni Lazaro ang sarili sa sandata niya na ngayon ay nasa bibig ni Lazaro.
"La-Laz s-stop," bulong ni Ragen at bahagyang tinulak ang mukha ni Lazaro. Umupo si Lazaro at hinawakan ang bibig niya.
"Hindi mo ba nagustuhan ang ginagawa ko? Iyon ang unang—"
Hindi naituloy ni Lazaro ang sasabihin matapos hawakan ni Ragen ang alaga niya at umupo si Ragen sa mga hita niya. Namumungay ang matang tiningnan siya ni Ragen at namumula ang pisngi.
"Mas gusto ko ito," ani ni Ragen habang sakal-sakal ang mahaba at nagwawalang alaga ni Lazaro.
"Dito," ani ni Ragen at lumuhod muli. Nilagay ang kaliwang kamay niya sa likuran at tinuturo ang pang-upo niya.
Hindi alam ni Lazaro kung anong ire-react— masyadong seductive ang expression ni Ragen at the same time cute. Hinawakan ni Lazaro ang bewang ni Ragen at bahagyang inangat.
Hinalikan si Ragen sa labi bago nilapit ang bibig sa tenga ni Ragen at sinabing ipasok iyon ni Ragen. Nablanko ang isip ni Ragen ngunit kusang gumalaw ang katawan niya.
Tinutok ni Ragen ang sandata ni Lazaro sa maliit niyang lagusan. Nakatingin doon si Ragen— noong naipasok na ni Ragen ang ulo— binitawan ito ng binata. Nahila ang hininga noong dahan-dahan siya umupo doon.
Ngumisi si Lazaro matapos makita ang expression ni Ragen. Last 2 months pa 'nong ginawa nila iyon natural lang na masaktan ulit si Ragen.
Nang maisagad iyon ni Ragen. Yumakap si Ragen sa leeg ni Lazaro at nagsimula itong magtaas-baba. Nakagat ni Lazaro ang labi dahil sa parehong init at sensasyon na nararamdaman niya dahil sa ginagawa ni Ragen.
Karaniwan na walang expression at mapang-asar ang expression ni Lazaro ngunit sa mga oras na iyon tila ibang tao na ang kaharap ni Ragen at kasama sa kama.
Puno ng satisfaction at pag-angkin ang mga mata ni Lazaro habang nakatingin sa kaniya. Noong mukhang nakita ni Lazaro na pagod na siya hiniga siya nito sa kama.
Naibuka ni Ragen ang labi matapos mas lalong maisagad ni Lazaro ang alaga niya sa lagusan ni Ragen. Sinubsob ni Lazaro ang mukha sa leeg ni Ragen at nilagyan ng munting mga marka ang leeg ng binata pababa sa dibdib nito.
Kinabukasan,
Nagising si Ragen na tirik na ang araw. Nakatagilid siya at nakaharap ngayon sa isang malapad na dibdib.
Pag-angat niya ng tingin nakita niya si Lazaro. Nakayakap ito sa katawan niya at nakahiga si Ragen sa isang braso ni Lazaro.
Dahan-dahan umayos ng higa si Ragen. Napalingon sa siya sa pinto matapos bumukas iyon. Nakita ni Ragen si Victor.
Hinarang ni Ragen ang isang daliri sa labi at sinabing manahimik. Ngumiti lang si Victor at tumango. Pumasok din sina Kyler na may mga pang-asar na ngiti.
Binaba ni Ragen ang mga paa sa ibaba ng kama. Kahit walang saplot ay tumayo at tinungo ang bathroom kasunod sina Victor na yumuko bilang respeto.
Pagkatapos ni Ragen maligo at magbihis pinalabas na muna ni Ragen sina Victor at ilan pang mga tagapaglingkod.
Nagulat pa ang mga ito ng pagpasok nila sa kwarto ng prinsipe may nakita silang gwapong binata na natutulog sa kama ng prinsipe at halfnaked.
Sumampa si Ragen sa kama. Tinitigan si Lazaro na kasalukuyang mahimbing ang tulog. Tumawa si Ragen at pinisil ang ilong ng lalaki.
"Alam kong gising ka na. Bangon na," ani ni Ragen. Minulat ni Lazaro ang mga mata at sinalubong ang tingin ni Ragen.
"Hindi ka ba marunong makisakay minsan. Hindi mo 'man lang ako iki-kiss," ani ni Lazaro at bumangon. Tinawanan lang siya ni Ragen.
"Masyado kang demanding at sobra-sobra na ang halik mo kagabi. Tama na iyon," biro ni Ragen. Inutusan na ni Ragen si Lazaro na magbihis na.
Mukhang kahit magbihis ay tinatamad si Lazaro kaya nag-anyo na lang itong leopard at hinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Napailing na lang si Ragen sa katamaran ng guardian niya.
Sabay na lumabas si Ragen at Lazaro sa kwarto. Agad siya sinundan ng mga tagapaglingkod at nina Victor na mukhang patungo na ang mga ito ngayon sa dining hall.
Nakita nilang naghahanda na doon ang mga tagapaglingkod ng makakain. Sila pa lang ang nandoon. Umupo na si Ragen— hinaplos na lang nito ang balahibo ni Lazaro.
Maya-maya dumating si Quiran na naghihikab. Kasunod na nito si Leroy at si Cleo na nasa human form.
Binati nina Quiran si Ragen at umupo na din sa kani-kanilang pwesto.
"May gaganapin ngayon festival sa bayan. Gusto niyo pumunta?" tanong ni Leroy. Napatingin sa kaniya sina Ragen an nagsisimula na din kumain.
"Hindi pa pala tayo nakakaikot dito sa greenefield. Magdadalawang buwan na tayo dito," ani ni Ragen. Napanguso si Quiran.
"Ayoko ng lumabas ulit. Last na sumubok akong gumala— may mga kidnapper," ani ni Quiran. Tumawa si Leroy.
"Sabi ko kasi sa iyo isama mo ako dba?" ani ni Leroy. Sinamaan ito ng tingin ni Quiran.
"Mas natatakot ako sa iyo kaysa sa mga kidnapper," ani ni Quiran na naniningkit ang mata. Nagkatinginan si Ragen at Lazaro— may hindi ba sila alam.
Pagkatapos ng umagahan. Bumalik si Lazaro ss room nila ni Ragen at naghanda para pumunta sa bayan. Kumuha ng itim na roba at lumabas.
Pagbaba niya ng hagdan nakita niya sina Ragen at Leroy na nagkakatuwaan. May mga kasama ang mga ito na kawal.
"Lazaro, sure ako na makikita na natin iyong guardian na sinasabi ng matandang nasa library," bulong ni Cleo pagbaba ni Lazaro. Tiningnan ni Lazaro si Cleo.
"Kasama ko si Ragen. Hindi ako makakaalis," ani ni Lazaro. Hindi niya pwede iwan ang contractor niya ng kung saan-saan.
"Pero iyon lang pagkakataon mo para malaman ang tungkol sa iyo at maging malinaw lahat diba?" ani ni Cleo at nag-cross arm. Hinila ni Ragen si Lazaro at nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa.
"Dapat ba kapag nag-uusap kayo magkalapit kayong dalawa?" tanong ni Ragen at tiningnan si Lazaro ng masama. Tumawa lang si Lazaro at sinabing masyadong cligy si Cleo.
Nanlaki ang mata ni Cleo at sinigawan si Lazaro. Sinabing masyadong feeling ang leopard.
Paglabas ng palasyo sumakay na sila sa mga karwahe na hinanda ng hari para sa kanilang lahat. Gumamit sila ng normal ngunit malinis na karwahe— walang crest ng palasyo sa gayon ay hindi sila makaagaw ng atensyon.
Pagdating sa bayan bumaba na sina Ragen. Namangha agad sina Quiran matapos makita ang lugar.
Ang daming tao at lahat nagkakasiyahan. Ang dami din na mga nagbebenta ng pagkain at mga nagpe-perform.
Maya-maya lumapit si Lazaro kay Ragen. Bumulong ang binata kaya napatingin si Ragen.
"Kapag kailangan mo ako tawagin mo lang ako sa isip mo," ani ni Lazaro. Konektado silang dalawa kaya maririnig at mararamdaman ni Lazaro si Ragen.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Ragen. Sinabi ni Lazaro na nasa lugar na iyon ngayon ang hinahanap nila ni Cleo.
"Okay mag-iingat ka," ani ni Ragen. Ngumisi si Lazaro at sinabing sila ang dapat mag-ingat.
Kinuha ni Lazaro ang kamay ni Ragen at hinalikan ang likod ng mga palad nito. Namula si Ragen na kinangisi lang ni Lazaro. Pinagtabuyan na ni Ragen si Lazaro dahil sa tingin pa lang ng guardian alam na ni Ragen na mang-aasar lang ito.
Tumalikod na si Lazaro. Sinundan siya ng tingin ni Ragen hanggang sa mawala sa paningin niya ang bulto ng guardian.
Nilapitan ni Ragen sina Leroy na mukhang hinihintay lang siya.
"Saan pupunta ang alaga mo?" tanong ni Quiran. Ngumiwi si Ragen at sinabing huwag pagsalitaan ng ganoon si Lazaro.
"May hinahanap silang tao. Hindi ko alam ang detalye pero mukhang related iyon sa first leveling beast na naunang bumaba kay Lazaro. Mukhang may concern din si Lazaro doon sa leveling beast," ani ni Ragen at sinabayan sina Leroy sa paglalakad.
"Hindi sa pinago-overthink kita pero alam mo ba ang rason bakit masyadong interesado si Lazaro na malaman ang about sa leveling beast na iyon?" tanong ni Leroy. Tiningnan siya ni Ragen.
"Hindi malinaw pero mukhang hindi siya sa leveling beast interesado. Leveling beast si Lazaro kaya alam ko naman na imposibleng wala siyang alam sa origin niya. Mukhang mas interesado siya sa nangyari sa leveling beast at sa prinsesa. Actually kahit ako curious din," ani ni Ragen. Wala kasing sapat na ebidensya na ang leveling beast nga ang sumira sa blacksea empire. Lahat ay mga kuro-kuro lang at pinagpasa-pasahan lang na kwento.
"Ragen! May sweetballs din dito tara bili tayo!" yaya ni Quiran. Hindi alam ni Ragen kung ani iyon ngunit bumili nga sila..
"Ang sarap," ani ni Ragen habang ngumunguya. Tumawa si Quiran at sinabing lagi niya iyon binibili kapag lumalabas siya ng kaharian.
"Bili tayo ng marami. Bilhan din natin sina Victor at si Lazaro," ani ni Ragen. Halos ubusin na ni Ragen ang paninda ng matanda. Lumiwanag ang mukha ng matanda sa idea na maaga siyang makakauwi.
Isa-isang binalot ng matanda ang mga paninda niya. Napatigil si Ragen matapos may mga batang dumaan sa likuran niya.
Out of instinct agad niya nahawakan ang braso ng batang madadapa sana sa sahig. Nahawakan ni Ragen ang bahagi ng leeg niya kung nasaan ang marka ni Lazaro. Bigla iyon uminit at humapdi.
"Ragen!"
Tiningnan ni Ragen iyong batang tumatakbo at tumingin pa ito sa direksyon niya. Iniutos ni Leroy na habulin ang bata. May kakaiba sa bata kaya agad ito pinahabol ni Leroy.
Noong mabitawan niya ang bata biglang nawala ang sakit. Lumapit si Leroy at tinanong si Ragen kung ayos lang ba ito.
"Ayos lang ako. Biglang lang humapdi ang marka," ani ni Ragen at hinimas-himas ang gilid ng leeg niya. Inabot ni Ragen ang pinabalot niyang sweetballs.
Nilingon ni Leroy ang dinaanan ng mga kawal niya at ng bata.