Chapter 13
3rd Person's POV
Napatigil si Cleo at Lazaro matapos may makita nga silang isang tent sa pinakadulo ng eskinita. Sinabi ng matanda sa library na tuwing festival nagtatayo ng tent ang matandang iyon sa pinakadulo ng eskinita.
Isa daw itong manlalakbay at sinasabing wala itong hindi alam. Nagbibigay ito ng impormasyon first hand ngunit hindi ito nagpapakita sa mga tao. Tanging nag mga guardian lang na may malakas na level ng kapangyarihan ang siyang makakakita ng tent at sa nilalang na nasa loob ng tent.
Naglakad si Cleo at Lazaro palapit sa tent. Ramdam na ramdam nina Lazaro ang barrier— binuksan ni Lazaro ang tent.
May nakita siyang matanda— nakaupo sa gitna at nakapikit. Napamulat ito ng mata at napaangat ng tingin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Kailangan ko ng impormasyon," ani ni Lazaro. Pumasok ang lalaki at umupo sa harapan ng matanda na mukhang nagulat sa pagdating ni Lazaro.
"Paanong— isa kang leveling beast?" tanong ng matanda na may gulat sa mukha. Hindi siya makapaniwala na may isang leveling beast na naman ang bumaba sa lupa.
"May panahon ka pa iwan ang master mo leveling beast. Hindi ka dapat naririto," ani ng matanda. Napatigil sina Cleo dahil doon.
Ini-expect nilang magpe-freak out ito kung totoo ngang isang leveling beast ang sumira ng blackseat o kung may alam ito sa leveling beast.
"Mabubuhay ka ng wala ang tumawag sa iyo. Iligtas mo ang sarili mo— ang mga katulad mo ay hindi dapat pumapagitna sa mga tao at guardian. Huwag mong hayaan mangyari din sa iyo ang nangyari sa unang leveling beast na bumaba dito sa lupa," ani ng matanda. Puno ng pag-aalala ang mukha ng matanda habang nakatingin kay Lazaro.
—
"What?" ulit ni Ragen. Pagkabalik nila galing sa festival. Sinabi lahat ni Lazaro ang nalaman nila ni Cleo. Nagulat doon si Cleo.
Hindi akalain ni Cleo na sasabihin iyon ni Lazaro kay Ragen. Hindi maipinta ang mukha ni Ragen matapos marinig iyon.
"Hindi sinabi sa akin ng matanda ang lahat ngunit kung gusto natin lahat malaman pati na din ang totoong nangyari sa blacksea empire— pumunta tayo sa blacksea empire."
Tinitigan ni Lazaro si Ragen na napahawak sa bibig. Nanahimik ito ng ilang minuto at tila may malalim na iniisip.
"Hindi mo kailangan mag-alala. Wala lang sa akin ang sinabi ng matanda. Hindi ako makakalayo sa iyo kahit gustuhin ko pa," ani ni Lazaro. Hindi iyon ang desisyon na kailang diktahan ng kahit na sino.
"Hindi iyon ang iniisip ko ngayon. Wala akong balak gamitin ka at the first place," ani ni Ragen. Tumalikod ang prinsipe at naglakad patungo sa bulwagan.
"Ang matatandang iyon! Ginigigil talaga nila ako!"
Pagpasok ng prinsipe sa bulwagan nakita niya ang hari na kasalukuyang tinatapakan ang isang scroll at pinipigilan ng mga ministro.
"Anong nangyari?" tanong ni Ragen. Napatigil ang mga ministro at si Leroy. Napatingin ang binata at agad na hinilot ang sentido.
"Anong gusto mong unang sabihin ko? Goodnews o bad news?" ani ni Leroy na mukhang sobrang stressed na sa buhay.
Sinabi ni Leroy na binalaan na ng imperial family ang greenfield kingdom. Ayaw ng imperial family ang idea na may tinatago ang greenfield na anak ng isang traydor na hari. Binalaan din ng ethereal ang south na kapag hindi nila pinabalik ang dalawa sa anak ng hari ay mananagot ang south.
Tahimik na emperyo ang south at ayaw ng mga ito ng giyera.
"Ano ang goodnews?" tanong ni Ragen. Hindi na siya nagulat doon since prinsipe pa din sila ng emperyo ng ethereal.
"Bumalik na iyong kanang kamay ng hari na si Yulo Erato at gusto niya makausap kayong dalawa ni Quiran," sagot ni Leroy. Hindi maganda ang expression ni Leroy kay siguradong hindi maganda ang balita na dala ni Yulo.
2 months ago, nagpaalam si Yulo na babalik aa kaharian. Kailangan nila malaman ang nangayayari sa kaharian at ang balita ang tungkol sa iba pang prinsipe.
Ragen Percival's POV
"Tama naging hinala natin. Mas maagang mangyayari ang pagpili at nagsisimula ng magpatayan ang mga prinsipe para sa trono kasama ang ilan pang pamilya na nasa likod ng mga prinsipe."
"Wala na ngayon ang pangalawang prinsipe. Sinabing nahulog daw sa bangin ang sinasakyan na karwahe. Hindi ako naniniwala dahil may guardian ang prinsipe— hindi ako naniniwalang iyon ang dahilan ng pagkamatay ng prinsipe," ani ni Yulo. Nagulat ako dahil doon.
"Kasalukuyan ngayon nagkakagulo ang ethereal at ilan pang kaharian dahil hindi mapantayang kapangyarihan ng mga prinsipe— maraming lugar at bayan ang nasisira dahil sa paglalaban ng ikatlo at ikalimang prinsipe.
Nakagat ko ang daliri ko at umupo sa isa sa mga upuang nasa lamesa. Gusto ko pigilan ang mga nangyayari ngunit paano? Hindi ko kontrolado ang kapangyarihan ko, wala akong mga taong mapagkakatiwalaan at kahit impluwensya.
"A-Ayoko bumalik. Ayoko ng maging hari kung ganito din naman. Paano nagagawa ng mga kapatid natin na magpatayan talaga dahil sa trono," ani ni Quiran at tinakpan ang dalawang tenga. Tiningnan ko siya.
Sa kasamaan na palad iyon ang tradisyon ng ethereal sa pagpili ng hari. Magiging isang hari lang ang isang prinsipe ng kaharian kung magagawa nitong patayin lahat ng mga kapatid niya na may interesado sa trono. Legal iyon.
Kaso mas magulo ang sa sitwasyon na iyon dahil wala ang hari. Wala ngayon pinipiling lugar ang mga kapatid niya ngayon.
Lilipas din ang mga araw na iyong mga matitira ay ha-huntingin kami. Hindi iyon pwedeng mangyari.
"Halatang pinaglalaruan tayo ng imperial family at tini-take advantage nila ang pagkakakulong ni ama," ani ko. Niyukom ko ang kamao ko. Nalaman ni Yulo na ang unang prinsipe ay nakipagkasundo sa imperial family para sa trono. Gusto ng kapatid ko maging hari at gagamitin siya ng imperial family.
"Ano ng plano mo ngayon mahal na prinsipe," tanong ni Yulo. Tiningnan ko si Yulo.
"Magiging hari ako Yulo," sagot ko na kinatingin ni Quiran.
"Are you out of mind Ragen! Hindi porket may leveling beast maari ka ng pumunta sa gitna ng digma—"
"Hindi ko gagamitin si Lazaro. Hinding-hindi," putol ko. Tiningnan ako ni Yulo na may pagdududa na expression.
"Hindi ka naman siguro nagdesisyon ng walang plano diba? Maari kang makalamang kung makiki-cooperate ka sa guardian mo pero iyong aatake ka ng walang guardian— gusto mo na ba mag-suicide?"
Napaupo si Leroy matapos marinig iyon. Naningkit ang mga mata ko. Tingin ba nila sa akin walang utak.
Hindi ako nag-stay ng ilang buwan sa library para matulog at magbasa lang ng libro. Papakita kong hindi ko kailangan ng simpatya, mga kawal at mga suporta galing sa mga maharlika para maging hari at makuha ko ang trono.
—
"Argh!"
Nadapa ako. Napasapo sa noo si Lazaro. Mukhang mahirap sa iniisip ko ang pagdepensa. Hindi ko magawang lumaban kahit pa puro ilag lang ang ginagawa ni Lazaro.
Pilit akong tumayo ay pinunasan ang pisngi ko. Pilit sinasabi sa akin ni Lazaro na walang patutunguhan iyon.
"Mahina ka pa din Ragen. Huwag mo na ipilit— maaring may kapangyarihan ako sa katawan mo ngunit paano mo magagamit iyon ng maayos kung iyong sarili kong kapangyarihan hindi mo kabisado and worst hindi mo kontrolado," ani ni Lazaro na nakakunot ang noo.
"Pwede ba! Huwag mo ako i-down ng i-down! Kaya nga ako nagpapatulong sa iyo diba?" pikon na sambit ko habang hinahabol ang hininga ko. Actually, malapit na din ako sumuko— almost one week na kami nagpa-practice ngunit walang improvement.
Dalawa lang kasi ang nangyayari— hindi ko nagagamit ang kapangyarihan o hindi ko makontrol. Bigla na lang iyon nalabas then after 'non mawawalan ako ng malay.
Para lang akong container ng kapangyarihan ni Lazaro. Nakagat ko ang gilid ng labi ko. Umayos ng tayo si Lazaro.
"Kung lalabas ang kapangyarihan mo at magagamit mo— seseryosohin ko na ang laban kung ito lang ang way para malaman natin kung ano bang kapangyarihan mo," ani ni Lazaro. Napaangat ako ng tingin.
Napatigil ako matapos mag-anyong leopard si Lazaro— nag-fade si Lazaro at naging napakalaking usok.
"Kailangan mo seryosohin ang laban kung ayaw mo mamatay."
3rd Person's POV
Sa unang atake ni Lazaro. Parang sinusunog ang kalamnan ni Ragen matapos siya daplisan ni Lazaro nang sinubukan niya umiwas. Napaningit si Ragen dahil sa sakit.
Natamaan ang braso niya— humanda ulit si Lazaro sa atake. Tumakbo si Ragen patungo sa gubat. Nanuyo ang lalamunan ni Ragen dahil sa takot.
Tumawa si Lazaro at sinabing wala siyang balak kay Ragen makipaghabulan.
"Papatayin mo ba ako Lazaro! Ang sakit!" sigaw ni Ragen. Napuno ng takot ang dibdib ni Ragen matapos makitang lahat ng dinadaanan ni Lazaro natutunaw.
"Ayoko na! Ayoko na!" sigaw ni Ragen. Natatakot na siya. Paanong ganoon kalakas ang kapangyarihan ng guardian niya.
Nadapa si Ragen at nagsimulang umiyak. Bumalik si Lazaro sa dati niyang anyo matapos makitang nakadapa si Ragen sa lupa habang umiiyak.
"I'm so pathetic. Bakit ba ang duwag at hina ko," bulong ni Ragen. Ang lakas ng loob niya sabihin na pababagsakin niya ang imperial family tapos ganoon siya.
Lumuhod si Lazaro at hinawakan ang braso ni Ragen— binangon ito at sinandal sa dibdib niya.
"Karaniwan lang na makaramdam ka lang ng takot. Hindi kasing simple ng iniisip mo ang mundo— para maging malakas kailangan mo madapa, bumangon, matalo at matuto. Nagsisimula ka pa lang Ragen," ani ni Lazaro. Pinunasan ni Ragen ang pisngi at nagsabi ng sorry.
Bata pa si Ragen para sa ganoon na mundo at environment ngunit alam ni Lazaro kung hindi magagawa ni Ragen mag-adopt at maka-survive mamatay ito ng mas maaga sa inaasahan.
"Kalimutan mo na itong training. Kaya ko sila," ani ni Lazaro at tumayo. Napatigil si Lazaro matapos hawakan ni Ragen ang kamay ni Lazaro habang nakaupo sa lupa.
Napatingin si Lazaro. Hinawakan ng mahigpit ni Ragen ang kamay ni Lazaro.
"Kung hindi ko ito magagawa wala akong karapatan maging partner mo Lazaro. May mga goal na din ako Lazaro at isa na doon ang makapamuhay ka sa mundong ito ng payapa. Makasama kita at maprotektahan sa mga taong magtatangka na abusuhin ka," ani ni Ragen. Tiningnan ni Ragen si Lazaro sa mata. Sinabing kung maari ay habaan pa ni Lazaro ang pasensya nito sa kaniya at gawin lahat para i-trained siya.
"Hayaan mong maging kasangga mo din ako Lazaro."
Pagkatapos 'non— nagsimula ulit ang training ni Ragen. Ilang beses bumagsak at nasaktan si Ragen sa mga kamay ni Lazaro— napapagod si Ragen ngunit hindi nagagawa ni Ragen sumuko.
Kahit sina Leroy at sina Quiran hindi nila nagugustuhan ang training na ginagawa ng dalawa para lumakas ngunit patuloy na nagi-insist si Ragen. Umuuwi si Ragen madalas sa palasyo na durog ang braso o paa.
Nakagat ni Quiran ang daliri matapos makita ang ginagawang laban ni Ragen at Lazaro. Wasak ang lupa at halos maging bangin na iyon dahil sa lalim ng hukay na ginagawa ng atake ni Ragen.
Natatamaan 'non madalas si Lazaro at tumitilapon ito sa kabilang bahagi ng bundok. Para bang hindi ang mga ito nasasaktan.
Bumaba si Ragen mula sa pagkakalutang sa himpapawid at bumaba. Pagkalipas ng tatlong taon nagawa ni Ragen na palakasin ang physical na kapangyarihan niya sa pamamagitan ng pakikipaglaban niya kay Lazaro.
Sa labas na din ito ng kaharian ni Leroy nakatira dahil sa takot ni Ragen na masira nila ni Lazaro ang palasyo ni Leroy dahil sa training nilang dalawa.
"Hey hindi pa tayo tapos!"
Napatanga si Leroy matapos atakihin ni Lazaro si Ragen— dumepensa si Ragen at dahil sa impact tumalsik si Ragen sa maraming puno. Natumba lahat ng iyon dahil kay Ragen.
"Hah! Pagod na ako!" reklamo ni Ragen na napahiga sa lupa pagkatapos ng atake na iyon ni Lazaro.
Lumapit sina Leroy sa binata. Ilang oras na sila nakatayo doon nina Victor ngunit mukhang ayaw paistorbo ng dalawa sa training.
"Ikaw pa ba iyan?" tanong ni Quiran kay Ragen. Busy si Quiran sa training kaya ngayon na lang niya ulit nakita si Ragen matapos nito umalis sa palasyo at tumira sa lugar na iyon kasama si Lazaro.
Nagbago kasi ang features ni Ragen at tindig— talagang muntikan na nila ito hindi makilala.
Bumangon si Ragen at natatawang tiningnan si Quiran. Sinuklay ang buhok niya at tinanong kung mas naging maganda ba siyang lalaki.
"Sabi ko sa iyo huwag kang masyadong didikit kay Lazaro. Pati ugali niya nakukuha mo na," banat ni Quiran. Natatawang tumayo lang si Ragen at pinagpagan ang sarili.
"Tapos na ba ang training mo at nandito ka na?" tanong ni Ragen. Tiningnan ni Ragen si Leroy— sa pagkakaalam niya na si Leroy ang nagturo kay Quiran about sa mga technique sa pagkontrol sa sarili nitong guardian.
"Actually, nandito ako ngayon para labanan ka ngunit mukhang pagod ka na," ani ni Quiran. Nag-unat si Ragen.
"4 days kami straight naglalaban ni Lazaro. Wala pa akong gaanong tulog," ani ni Ragen. Tiningnan niya ang kapatid.
"Mukhang kailangan ko din paghandaan ang laban ko sa iyo. Matinding laban ito," ani ni Ragen na ngumisi lang habang nakatingin sa mga mata ni Quiran at sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya.