Chapter 7 Pagpasok pa lamang ni Nikolai sa kanyang opisina kabundok na bagong trabaho ng mga papel ang nakalagay sa lamesa niya, naroon din ang sekretarya niyang babaeng naghatid ng mga papel. “Magandang umaga mo Mr. Hollon may mga bagong dating pong kaso.” Wika ng babaeng sekretarya. “Tungkol saan?” Tanong niya habang hinuhubad ang coat niya. “May nawala na naman pong limang dalaga kagabi.” “Ng sabay-sabay?” Gulat na tanong ng binata. “Oo,” sagot ng babae. “Mr. Hollon dagdag ko lang po na sa susunod na linggo na po ang huling paglilitis ni Mr. Carlos at isa pang bagong kaso tungkol kay Mr. New Jean.” “Sige naiintindihan ko.” Lumabas na ang babaeng sekretarya niya ng silid, nadagdagan na naman ang trabaho niya dahil sa limang dalagang nawawala, simula ng pumasok ang unang araw ng b