bc

Montimor's Substitute Bride

book_age16+
178
FOLLOW
1K
READ
revenge
possessive
brave
drama
bxg
city
enimies to lovers
lies
wife
substitute
like
intro-logo
Blurb

Danica, a slave to poverty, will be forced to accept a job offer from a friend. A job she never expected to give her the chance to be with Deon Montimor, her first love. What will happen to their relationship If Danica's job is to deceive her first love by playing the role of a Substitute Bride?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Saan ka nanggaling Deon?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kamang mainit naming pinagsaluhan kagabi. "D-Deon?" Nanginginig ang boses kong ulit na tawag sakaniya nang hindi ito kumibo. Hawak ko ng mahigpit ang kumot na siya lamang nagsisilbing takip sa hubad kong katawan. Nagtataka kong pinanuod kung paano niya isa-isang hubarin ang suot na damit. Kumuyom ang mga kamay ko at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kumot. "Deon anong problema bakit hindi ka nagsasalita?" nakagat ko ang sarili kong labi nang manginig ng tuluyan ang boses ko dala ng kaba. Mukha hindi niya iyon nagustuhan kaya mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay nito at pabagsak na sumampa sa kama. "Aray! D-Deon?" Napapikit ako nang pumwesto siya sa ibabaw ng hita ko. "Bakit parang natatakot ka Cataleya? Mag-asawa na tayo ngayon, siguro naman masaya ka na? hindi ba at ito ang gusto mo?" bakas na bakas sa magaspang na pananalita niya ang pagka-disgusto. Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Hanggang ngayon, hindi parin niya ako matanggap. Bahagya akong napaiwas nang ilapat niya ang daliri niya sa pisngi ko. "Huwag kang umiyak Cataleya. Dahil saating dalawa, ako ang dapat na umiyak." igting ang panga nitong sunbat sa pagmu-mukha ko. Napapikit akong muli nang galit siyang bumaba ng kama at isa-isang damputin ang mga damit niya. Walang kasing sakit sa dibdib ang makita at marinig ang harap-harapan niyang pagpapakita ng pagkamuhi saakin. "S-saan ka pupunta?" natataranta kong tanong nang makitang lalabas siya ng kwarto. Nahihiya akong nagbaba ng tingin ng walang habas itong tumawa bago ako lingunin. "You're now acting like a real Mrs. Montimor now huh. Are you that happy to be my wife?" punong-puno ng pang-uuyam ang tono ng boses niya na mas lalong dumudurog sa pagkatao ko. "Parehong-pareho kayo ng Dad mo." Wala akong magawa kung hindi tanggapin ang mala-kutsilyo niyang panunumbat. Wala akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko dahil totoong... pinilit ko lang siyang pakasalan ako. Isang linggo na magmula ng maganap ang kasal namin. Sa loob ng isang linggo ay kagabi ko lamang siya nakaharap matapos niyang umalis umalis ng maaga sa reception. Kagabi, gulat ako ng makitang pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Wala akong anumang balak ngunit ng halikan niya ako ay hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko at tuluyang bumigay sa mga yakap at haplos niya. "Sinamantala mo pa ang kalasingan ko kagabi, hindi ko alam kung may katiting na respeto ka pa para sa sarili mo, " huling salitang binitawan niya matapos pagalit na lumabas ng silid. Magkakasunod na hikbi ang bumunghalit sa bibig ko kasabay ng pagbagsak ng mga nag-uunahan kongl luha. Sunod-sunod ang ginawa kong pagsuntok sa dibdib ko na para bang sa ganoong paraan, kahit na katiting na sakit na nararamdaman ko ngayon ay mabawasan. "Buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko, buong pagkatao ko inalay ko sayo... pero bakit hindi mo parin ako matutunang tanggapin? Asawa na kita, pero bakit ang layo-layo mo parin?" ———— Nang mahimasmasan ako ay agad akong nag-ayos at tahimik na lumabas ng silid upang magtungo sa kusina. Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ni Fe, ang kasambahay na siyang magsisilbing kanang kamay ko sa mansiyong ito. "Nais niyo na po bang mag-umagahan Ma'am?" tanong nito saakin habang inalalayan akong makababa ng hagdan. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang mahagip ng mga mata ko si Deon malapit sa bulwagan ng nahay. Seryoso ang mukha nito habang diretsong-diretsong nakatayo, sa tabi niya ay naroon ang babaeng sekretarya. "Sir nakahanda na po ang sasakyan," dinig kong sabi ng personal driver ni Deon na siyang kakapasok lamang ng pinto. "Aalis ka na?" lakas loob kong tanong nang tuluyan akong makarating sa ibaba at makalapit sa pwesto kung nasaan sila. Narinig ko pa ang mahinang hagikhik ng sekretarya niya nang hindi niya ako pansinin. Napapahiya akong umurong nang hawakan ni Fe ang braso ko. "Mag-iingat ka sa biyahe..." paalala ko parin nang magsimula itong humakbang papaalis. Bagsak ang mga balikat kong tiningnan ang likuran niya pero agad rin akong nabuhayan ng loob ng huminto ito. Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ko sa pag-aakalang haharap ito saakin, pero ang ngiting yon ay napalitan muli ng mapait na hagulhul matapos marinig ang binitawan niyang salita. "Secretary Shin, ibigay mo sa maid ang birth control pills and remind her nanipinainom yon sa amo niya. Ayokong magkaroon ng bunga ang kamaliang nangyari kagabi." Kamalian? para sakaniya ay isang kamalian ang nangyari saamin kagabi. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" tanong ni Fe, pilit akong tinutulungang kumalma sa pamamagitan ng marahang paghaplos sa likod ko. Tumingin ako sakaniya at ngumiti habang sunod-sunod parin ang pagpatak ng luha sa mga mata. "Pinili ko to kaya wala akong karapatang hindi maging okay Fe, " tinuyo ko ang mata ko gamit ang kamay ko at nagtungo nalamang sa kusina. "Pero Ms. Dan, kailangan bang umabot sa nangyari kagabi?" habol na tanong ni Fe. Kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang nang marinig ang pangalang tinawag niya saakin. "Hindi Ikaw ang tunay na Cataleya, wala sa kontratang pinirmahan mo ang magpagamit kay Mr. Montimor Ms. Dan," Mabilis akong humarap sakaniya para takpan ang bibig niya upang patigilin. "Mag-iingat ka sa pagbutaw ng mga salita Fe at baka may makarinig saatin." balisa kong ani habang palinga-linga sa paligid. Ibinaba ko ang kamay ko nang masiguradong walang kahit na sino ang nasa paligid. "Pero Ms. Danica sobra na po yung—" umiling ako at nginitian siya. "Tama na. Huwag kang mag-alala kaya ko to. Isang buwan lang naman ang hiningi ni Cataleya, pagkatapos ng isang buwan babalik narin siya at lalayo narin ako kay Deon. Pagkatapos ng isang buwan, babalik ang totoong Calista para gampanan ang pagiging tunay na asawa ni Deon," mapait ang bawat pagbigkas ko ng mga salitang iyon. few days ago Nang alukin ako ng trabaho ni Cataleya, walang pagaalinlangan ko yung tinanggap kapalit ng halagang kinakailangan ng Mama ko para sa operasyon nito sa puso. "He's the youngest son of the EZ Corporation. My Grandpa and his Grandpa set our wedding so I can't reject it. You just need to play as my substitute, kailangan mo lang magpakasal kay Deon habang dala ang pangalan ko, but don't worry dahil ako parin ang kasal sakaniya at the end of the day dahil pangalan ko ang naroon. " "Kung ganon bakit hindi nalang ikaw? bakit kailangan mo pa ng substitute? Ayaw mo ba sakaniya?" tanong ko pa na tinawanan niya lamang. "Duh girl, I have a boyfriend now and we've planned to have a one month vacation to Maldives and this week na ang alis namin which is the date of the wedding" sagot pa nito habang maarteng hinahawi ang mahaba at kulot nitong buhok. "May boyfriend ka pala bakit hindi ka tumanggi sa kasal?" naguguluhang tanong ko, umirap siya saakin at mahina akong hinampas sa hita. "Gusto mo bang i-cut ni Lolo ang lahat ng card ko? And also after a month makikipag-break narin naman ako sa boyfriend ko, gusto ko lang ma-enjoy ang vacation ko, kaya please? hm, Danica? do this for me and you'll get the money you need." Nagsimula akong kabahan sa mga narinig ko kay Cataleya. Highschool pa lang ay kilala ko na si Cataleya, typical na anak mayaman, party goer at very active sa pakikipagrelasyon kaya hindi rin nakapagtataka na hirap siyang bitawan ang buhay niyang iyon para lang magpakasal. "Hindi naman tayo magkamukha, paano kapag bumalik ka na at nagpalit tayo anong sasabihin mo?" "Hm? don't worry about that na! Wala naman siyang magagawa, wala naman siyang habol sayo dahil name ko ang nasa marriage certificate! You're safe to go once I came back. And look, " inabot niya saakin ang isang litrato. "He's gwapo right? hindi ka na lugi girl! One month kang mamumuhay kasama ang gwapo at mayaman na to. Ayaw mo non? You're going to experience being rich for one month! As a poor person like you, you should be glad to experience this kind of opportunity!" "D-Deon?" pumintig ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko nang masilayan ang pamilyar nitong mukha. "Yes. He's the one and only Deon Montimor! I know you know him, he's so popular because he is a celebrity businessman plus gwapo pa. So, ano? Go ka na? Will you be my Substitute?" "T-tinatanggap ko ang trabaho Cataleya. Magpapakasal ako dala-dala ang pangalan mo" Hanggang ngayon, hindi ko parin lubos maisip na si Deon ang papakasalan ni Cataleya. Sobrang sakit sa dibdib na ang lalaking una kong minahal ay magpapakasal na sa iba. Kaya tatanggapin ko na ang trabahong to, para kay Mama at para narin kahit sa maikling panahon... maranasan kong makasama si Deon. Kahit isang buwan lang, pipilitin kong ibuhos ang pagmamahal na matagal kong kinimkim sa puso ko. Sa loob ng isang buwan, mamahalin kita na para kong tunay na asawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook