Chapter Two

1353 Words
"Niluto ko to, nalaman ko kasi sa mga kasambahay na isa ito sa paborito mong pagkain," Ngiting-ngiti kong sabi habang inihahain sa mesa ang chicken pastel na niluto ko. "Napakamaalaga naman pala ng napangasawa mo apo! Aba at salamat iha, maari rin ba kaming tumikim? baka para lamang yan sa asawa mo?" natatawang tanong ni Lolo Gideon habang nakatingin saakin. "Naku para po saating lahat ito," ngiting-ngiti kong sagot sinasabayan ang kakulitan niya. Napuno ng tawa ni Lolo Gideon ang buong hapagkainan. Naiilang kong nilingon si Deon at napansing nakangiti rin ito kaya mas lalo akong natuwa. "Halika na at kumain ka na rin, kailangan healthy ka para magkaroon agad kami ng apo sa tuhod! diba Calisto?" tanong ni Lolo Gideon sa dalawang lalaking nasa kabilang bahagi ng mesa. Tipid ang mga ngiti nito na bigla nalang ngumiti ng pagkalaki-laki at tumango. Pigil ang hininga ko habang umuupo nang sulyapan ang ni Mrs. Juliana, ang Mom ni Cataleya. Sunday ngayon kaya narito ang lahat para sa pinag-usapang family dinner at ang buong pamilya ni Cataleya ay narito rin. Alam ng buong pamilya ni Cataleya ang pagpapanggap ko, dahil sila mismo ang nagtatakim ng mga kalokohan ni Cataleya lalo na si Mr. Calisto ang Lolo ni Cataleya na siyang nagplano ng lahat ng ito. Nakiusap si Cataleya sakaniyang payagan sa isang buwan na bakasyon kasama ang nobyo nito. Pero dahil mas importante ang partnership ay pumayag siyang magpanggap ako at magpakasal kay Deon bitbit ang pangalan ng apo. Hindi ako makapaniwalang kaya parin nila humarap sa mga Montimor habang harap-harapan itong niloloko, syempre isa na ako sakanila, wala narin akong pinagkaiba. Ang pamilya ni Deon na walang kamalay-malay na ang kaharap nilang daughter in law ay isang peke ay masaya akong tinanggap sa pamilya nila na mas lalong nagpapasikip sa dibdib ko. "Magaling ka palang magluto," Taranta akong lumingon sa kaliwa ko nang marinig ang malumanay nitong boses. Agad na bumungad saakin ang napakaamo nitong mukha. "Thank you po Tita" nahihiyang sagot ko kay Mrs. Felizity. "Why don't you call me Mama na anak? don't be shy you are my son's wife now. " inabot nito ang kamay ko para hawakan. "Okay po, Mama" Para akong mahihimatay sa sobrang guilt na nararamdaman ko sa oras na to. Hindi ko masimukrang magsinungaling sa harap niya pero wala akong magawa. Umikot ang sikmura ko at agad akong napatakip ng bibig nang maramdaman ang pagkaduwal. "E-excuse me po," paalam ko bago nagmamadaling tumayo at umakyat sa kwarto. Malamang dahil sa sobrang pressure at kaba talagang iikot ang sikmura ko. Dumiretso ako sa banyo at doon sa lababo ibinuhos ang lahat ng kaba at guilt na nararamdaman ko. Naghilamos ako upang mahimasmasan at nang tingnan ko ang repleksiyon ko sa salamin ay nagulat nalang ako nang makita ang tuloy-tuloy na pagpasok ni Ma'am Juliana. "Ma'am?" gulat kong tawag sakaniya, agad akong napasandal sa lababo nang mas lalo pa itong lumapit saakin. "Bakit ka nagsusuka? Are you pregnant?" may bahid ng kaba at galit ang boses niya. Magkakasunod akong umiling, kahapon lang may nangyari saamin ni Deon kaya imposibleng mangyari ang sinasabi niya. "Hindi po," sagot ko. "Eh bakit ka nagsusuka kung hindi? Sinasabi ko sayo, hindi ka pwedeng mabuntis ni Deon dahil para siya sa anak ko! Baka nakakalimutan mong hindi Ikaw ang tunay na asawa? may nangyari na ba sainyo? umiinom ka ba ng contraceptives?" Halos sumabog ang utak ko sa sunod-sunod niyang tanong. "Kumalma ho kayo, baka may makarinig saatin." napapagod kong pigil sakaniya at lumabas ng banyo. Sinuguro kong lock ang pinto bago siya harapin. "At wag po kayong mag-alala, hinding-hindi ko nakakalimutan ang papel ko sa palabas na to at sana kayo rin, huwag nitong kalimutan ang pinangako niyo saakin." mariin ang bawat bigkas ko ng mga salita habang titig na titig sakaniya. Napaiwas siya ng tingin saakin na siyang hindi ko nagustuhan. "Bakit hindi kayo nagsasalita? kamusta na ang Mama ko?" may kalakasang tanong ko nang patuloy niyang baliwalain ang tanong ko. "Okay lang siya, " tipid nitong sagot na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Dali-dali akong lumapit sa bag ko at kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Icy ang nakababata kong kapatid na babae. "Oh ate napatawag ka?" "Kamusta si Mama?" agaran kong tanong, nakita kong patay malisya na lumabas ng kwarto si Mrs. Juliana na para bang may iniiwasan. "Ayun sabi ng Doctor hindi pa daw magagawa ang operasyon dahil nag back out ang donor, kanina nga ay inatake ang Mama hindi ko alam kung bakit" Napaupo ako sa kama matapos marinig ang balita mula sa kapatid ko. "Paanong magba-back out? Nilinaw na ni Cataleya na tuloy na tuloy ang operasyon bago siya umalis" "Galing dito yung mama ni ate Cataleya, Ate Danica." "Galing siya dyan?" gulat akong napatayo. "Opo ate, pag-alis niya bigla nalang sinabi na hindi tuloy ang operasyon, ewan ko ate" Agad akong naawa nang matunugan ang nanghihinanh boses ng kapatid ko sa kabilang linya. Graduating narin ito ng highschool kaya alam kong pagod skya sa pag aaral kasabay ng pagbabantay kay Mama. "Sige magpahinga ka na alam kong pagod ka, tatawag nalang ang ate kapag nakahanap ako ng oras okay? " "Sige ate, mag-iingat ka diyan sa trabaho mo" " hmm, " tipid kong sagot. Maging ang kapatid ko maliban kay mama ay alam kung anong trabaho ang pinasok ko. Kaya hindi pwede ang nangyayaring ito ngayon. Bakit biglang hindi tuloy ang operasyon ng mama ko. Itinago ko ang phone ko at dali-daling hinabol si Mrs. Julina, naabutan ko siyang nasa baba na ng hagdan. "Mom!" pasigaw kong tawag sakaniya. Nakita kong maging sila Lolo Gideon na nasa sala ay napatingin sa direksiyon ko. Si Deon naman ay patuloy lang sa pagsasalin ng wine sa wine glass ng bawat isa, walang pakialam saakin. "Yes baby?" halos masuka ako sa biglaang malambing na tawag niya saakin. "I have something to tell you," nakangiti kong sagot sakaniya bago siya akayin sa bakuran. Nang makalayo na kami sa lahat at masigurong wala ng kahit sino sa paligid ay agad na akong bumitaw sakaniya at agad siyang kinompronta. "Bakit hindi tuloy ang operasyon ng mama ko?" may diin ngunit mahina kong tanong sakaniya, taas baba ang dibdib ko sa sobrang inis. "I don't know! Baka nagka-problema sa donor or—" "Huwag niyo akong idaan sa gasgas niyong paliwanag! alam kong may kinalaman kayo kaya nahinto ang operasyon ng mama ko! sabihin mo na! anong kailangan kong gawin para matuloy na ang operasyon ng mama ko? " hindi ko na napigilan ang sigaw ko. "Oh gosh please lower your voice!" pigil niya saakin bago buksan ang pamaypay niya. "Sabihin mo na, alam kong may kailangan kayo saakin kaya iniipit niyo ako ng ganito" nanggagalaiti kong tanong. Sandali niya akong tinitigan habang pinagtataasan ng kilay bago ito magsalita. "Cataleya is pregnant," Halos mabingi ako sa narinig ko. Anong pregnant? Paano siya babalik dito matapos ang isang buwan kung buntis siya? "T-tapos? Anong gusto niyong gawin ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Stay here for a year hanggang sa manganak si Cataleya, " "Ano!? Isang buwan lang ang nasa kontrata!" "Thats why you need to sign another contract, kung gusto mong ipatuloy ko na ang operasyon ng mama mo." Halos maiwang nakabukas ang bibig ko. Hindi ko akalaing aabot sa ganito, na mas lala pa ang sitwasyong pinasok ko. Ibig sabihin ay buntis na si Cataleya bago pa umalis ng bansa at sinadya nilang maipit ako sa sitwasyong to. "Paano niyo itatago kay Deon ang anak ni Cataleya sa iba? paano pa kami magpapalit kung isang taon na ang papalipasin niya?" tanong ko, naguguluhan parin sa kung anong plano nila. "It's easy darling and you don't have to know every details. Just take it so your mom will still have a chance to live, no?" Kuyom ang kamay kong nilunok ang galit ko. Porket hawak nila ako sa leeg ay kung tratuhin nila ako ay para akong robot na susunod sa lahat ng gusto nila. Parang wala akong sariling buhay. Nakakapagod, nakakadiri, Nakakatakot... pero wala akong magawa kundi sumuong dahil buhay ni mama ang nakasalalay rito. "Sige, pumapayag na ako. Isang taon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD