Madaling nakuha ni Kelly ang loob ni Mang Roy at ni Alex, sya na ang nagkukusang gumawa sa mga gawain bahay at hinahayaan nalang na magpahinga ang Tatay Roy nila, sya narin ang nagluluto and she is surprisingly talented when it comes to cooking.
Napuna ni Alex ang kakaibang talino ni Kelly sa mga bagay bagay at ang dedikasyon nito na matuto. Hindi nya ipagkakait dito ang makapag aral kung sakaling gugustuhin man nito sapagkat iyon ay karapatan ng lahat.
"Kel, mag iisang bwan ka na dito di ko pa alam ang buo mong pangalan." Basag ni Alex sa katahimikan. Kelly turned to be a beautiful stone ng mawala ang uling at dumi sa kanyang katawan at mukha, pwede nga syang maging model, nangitim sya dahil sa kakabilad siguro nya sa araw pero as time flies, bumabalik ang kutis nito sa kung ano man ang natural nitong kulay.
"Kelly Jojie Constantino po Kuya," Sagot ng dalagita bago nito isubo ang kutsarang may kanin at ulam. Si Mang Roy naman ay tahimik lang na nakikinig. Tumango tango naman si Alex sakanya.
"Gusto mo bang magpatuloy sa pag aaral?" Tanong kaagad ni Kelly sakanya. Sa sobrang gulat noon ay nalaglag nya ang kutsarang hawak nya.
"Po?" Tanong niya paninigurado kung tama ba ang narinig nyang sinabi ni Alex.
"Ineng gusto mo ba daw mag aral? Umoo kana aba! Mabait ang iyong kuya Alex panigurado sa magandang eskwelahan ka papasukin nyan!" Pabulong na sambit ng matanda.
"Ka-kahit sa di na magandang eskwelahan kuya, basta makapag aral po ako, First Year high school lang ang inabot ko eh." Sagot naman ng dalagita.
"Sige, sa darating na pasukan ay mag eenrol ka, pero sa isang kondisyon." Sambit ni Alex. Tumango naman si Kelly, kahit ano pang kondisyon yan,
"Kahit ano kuya." Sagot nya pero kinakabahan sya.
"Walang mag nonobyo habang nag aaral ka at habang dito ka nakatira." Nakahinga naman ng maalwa si Kelly dahil akala nya ay anong kondisyon iyon.
"Oo naman kuya, walang problema!" Sagot nya at matipid na nginitian sya ni Alex.
Nakapag enrol nga si Kelly at nakapag aral sa isang eksklusibong paaralan, hindi sya binigo ni Alex kaya di rin nya bibiguin ito. Mag aaral sya ng maigi at susundin lahat ng sinasabi ng taong kumupkop sakanya.
"Tay, sa tagal ng paghihintay natin, sinagot nako sa wakas ng Alliance Incorporated, mag iinject sila ng 5 million sa business proposal ko!" Tuwang tuwang sambit ni Alex sa kanyang Tatay Roy na halatang wala sa sarili at hindi naiintindihan ang sinasabi nya.
"Kung ano man yung sinabi mo anak ay masaya ako para sayo!" Anang matanda at masayang masayang nakangiti sakanya.
"Tay nakakuha ako ng labing dalawang milyong worth of investments bukod sa Alliance. Masisimulan ko narin ang business na matagal ko ng pinapangarap. Magiging proud sakin sila kuya pag nakita nilang naiaangat ko ang sarili ko." Kumikislap ang matang sambit ni Alex. Si Kelly naman ay gulat na gulat sa sinabi ng kanyang kuya Alex, sa ilang bwang pamamalagi nya doon ay di nya alam na may kapatid si Alex at di rin nya alam na business minded pala iyon. Kala nga nya ay normal iyong manggagawa dahil nag lalakad at nag tetren lang iyon paalis.
"Congrats kuya!" Bati naman nya, nilapitan naman sya ni Alex at biglang niyakap. Sa kanyang murang edad ay may naramdaman syang kakaiba sa yakap na iyon ni Alex. Alam nyang namula pa ang kanyang pisngi dahil naramdaman nyang nag init ang mga iyon.
"Salamat Kel! Simula na ito ng lahat, isa ka sa mga swerte ko, kaya pag igihin mo ang pag aaral ha, wag kang mag boboyfriend!" Paalala ulit ni Alex dito. Tumango naman sya at di nakapag salita dahil sa hiya. "Nga pala, baka madalang nalang din akong makauwi dito, sisimulan na ang business ko next week, sanay magpakabait ka kay Tatay ha." Bilin pa ni Alex kay Kelly. She just nodded again.
Naging mabilis ang pagdaan ng mga araw at linggo maging ng mga buwan, may mga araw na minsan nalang sa isang bwan magpakita sa bahay si Alex at hindi pa sya makikita ni Kelly, nasisilayan nalamang nya iyon sa mga magazines at billboards sa kanyang way papasok sa eskwelahan. Mabilis ang panahon at naka graduate din ng high school si Kelly at nag valedictorian pa. Tuwang tuwa sya na ibabalita sana sakanyang Kuya Alex iyon kaya dali dali syang pumunta sa bldg nito dala ang papel na magpapatunay na Valedictorian sya.
Napakalaki ng bldg ni Light at tila kinakain si Kelly nito. Sa reception sya nag tungo kaagad. LOLITA'S PARK HOTEL ang nabasa nyang pangalan ng Bldg na iyon ni Light. Nakita nya ang mga nakaupo sa waiting area ay halatang mga may kaya at mga banyaga ang iba. Uuwi nalang sana sya pero tinawag sya ng receptionist. Marahil nakitang nakasuot sya ng pang exclusive school na uniform kaya sya napagkamalang mayaman. Yung umampon po sakin ang mayaman, hindi ako. Sambit nya sa kanyang sarili at nag lakad papalapit sa receptionist.
"Yes ma'am? Looking for a hotel?" Tanong ng magandang receptionist.
"No. I'm looking for the CEO." Diretsong tanong nya, tinignan sya ng receptionist mula ulo hanggang paa.
"Do you have an appointment?" Tanong niyon na ngayon ay nakangiti na.
"No. I need to see him. Mr. Light Alex Ji." Sambit nya. Saglit na tinitigan sya ulit ng kausap at saka niyon iniangat ang telepono sa kanyang tabi.
"Your name and relation to the CEO please?" Tanong nga receptionist.
"Kelly Jojie Constantino. His scholar." Hindi nya kasi masabing magkapatid sila, hindi rin nya alam kung bakit. Marahil ay malaki ang pagka crush nya kay Alex kaya ganoon.
"One moment please." Sambit ng receptionist at saka may dinial sa telepono. Pagkuway bumaling ito sakanya. "Go upstairs, his office is at the 43rd floor. Sakanya ang buong floor na yon kaya di ka maliligaw, ano bang pakay mo Miss?" Tanong ng receptionist and this time she dropped the professional face and became more friendly.
"May papapirmahan po sana ako kasi Graduation na namin." Maiksing sagot ni Kelly at saka na nag pasalamat sa receptionist at nagpaalam. Kinakabahan syang sumakay sa elevator na kala mo ay lalabas na ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Mabuti nalang at wala syang kasama sa elevator. Matagal na matagal na nyang hindi nakikita si Alex dahil madalas kapag nauwi iyon ay wala sya sa bahay at nasa eskwela, gusto nga nyang isipin minsan na iniiwasan sya nito.
Pag naiisip nya si Alex ay nag hahalong kaba at kilig at lungkot ang kanyang nadarama. Alam nyang kailangan nyang ibaon sa limot ang kanyang nararamdaman para dito dahil isa lang syang puwing sa mundong ginagalawan ni Alex.
TING!
Kamuntik pa syang mapatalon ng marinig ang elevator. Jusko this is it pancit! Totoo nga ang sinabi ng receptionist kanina na opisina ni Alex ang buong 43rd floor dahil sobrang tahimik doon. Pagkuway may nakita syang isang pintuan pero bago sya makapasok doon ay may babaeng lumabas sa isang mas maliit na opisina.
"Yes?" Tanong ng babaeng sumalubong sakanya. May katangkaran iyon at magandang mukha. "What do you need?" Masungit na dagdag niyon. Nilakasan na ni Kelly ang kanyang loob at nag salita.
"I need to talk to the CEO." Sambit niya. Tinignan sya ng babae mula ulo hanggang paa.
"Do you have an appointment?" Tanong ulit nito. Umiling sya.
"Sabi dun sa baba umakyat daw ako dito eh." Pagpapaliwanag nya sa babae na halatang gusto na syang paalisin.
"Ah oo, you're the scholar right? Makakaalis ka na, iwan mo ang pipirmahan ni Boss sakin at ipapadala ko sa bahay mo." Sambit ng babae na walang balak padaanin sya.
"I need to talk to him I said." Naiinis na rin na sambit ni Kelly. Humigpit ang pagkakahawak nya sa envelope na nasa kanyang kamay.
"He is busy. May meeting sya sa loob. Kaya pwede?" Turo ng sekretarya sa elevator. Kunwaring tatalikod na sya at ng makitang naglakad na rin ang sekretarya sa loob ng lungga niyon ay dali dali syang tumakbo sa pintuan ni Alex. Office of the President. Tinapunan pa nya ng tingin ang sekretarya na halos madapa sa pag habol sakanya.
"Kuya!" Hinihingal na sigaw ni Kelly ng saktong mabuksan nya ang opisina ni Alex. Sya namang hablot sa kamay nya ng sekretarya ng binata.