"BABAE ang magiging anak ninyo, Mr. and Mrs. Zobel. Congratulations po," anang mabait niyang OB na si Dra. Carla nang umagang iyon sa clinic nito. Nagkatinginan sila ni Dim. Kitang-kita niya ang pagbalatay ng tuwa sa mukha nito pagkatapos sabihin iyon ng mabait na doktora. Ito kasi ang may gusto na maging babae ang panganay nila. Samantalang siya ay sinabi niya ritong kahit boy or girl batsa malusog ay magiging masayang-masaya siya. Ayon kasi dito ay gusto nitong maging babae ang panganay nila dahil iba raw magmahal ang babae sa kapatid, base sa naoobserbahan nito sa mga pinsan nitong may mga anak na rin. "Thank you, Lord," usal nito na tumingala pa. Napangiti tuloy si Dra. Carla. "Mukhang ang gusto ni Mr. ang nasunod sa gender ng baby," sabi nito sa kanila. "Yes, Doc, baby girl po ka