PAGDATING sa loob ng mall ay mas naging masaya si Althea. Binusog niya ang mga mata sa kung anu-anong makikita roon. Bigla ay natanggal ang inip niya na kanina ay damang-dama niya sa Del Fuego. Dahil weekend ay nagkakagulo ang mga tao sa mall na iyon. Nagpapasalamat na rin siya at kahit malaki na ang kanyang tiyan ay hindi pa rin naman siya nahihirapang maglakad. Mabilis niyang tinungo ang baby's section pagkatapos niyang bumili ng ilang beauty products na pwede sa buntis sa sikat na pharmacy sa loob ng mall. Ewan ba niya, pero mula nang mabuntis siya at lumaki ang kanyang tiyan ay iyon na kaagad ang pinupuntahan niya kapag pumupunta siya sa mga mall na kagaya nito. Kung dati ay sa ladies wear ang kanyang tungo lalo na kapag sale, ngayon ay mg damit pambata na ang kanyang hinahanap. Iba n