HINDI pa man ganap na nakakalapit ang mga ito ay alam niyang nakita na siya ng binata. At nang nasa harapan na nga niya ito, tiningnan siya nito ng tinging humihingi ng pang-unawa. Para bang sinasabi nito na huwag muna siyang magalit at hayaan muna siyang magpaliwanag. "Hon, let me explain first, okay?" anito na punung-puno ng pakikiusap ang boses. "Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito?" mahinahon pero iritable niyang tanong. Narinig ni Lia ang sinabi niya kaya nang makalapit din ito sa kanyang harapan ay naging matalim bigla ang mukha. "Bwisit kang babae ka, kaya pala hindi na umuwi sa amin ni Dim dahil umeeksena kana naman! Alam mo ba kung ano'ng ginagawa mo? Sinisira mo ang pamilya namin! Tinatanggalan mo ng pagkakataong maging masaya ang anak ko. And you know what's the worst? Ib