"NANG MGA sumunod na araw ay naging busy ang lahat. Summer na kaya naman dagsa na ang mga dumadating na turista sa isla. Tapos na ring ganap ang tatlong malalaking villa na malapit sa tabing dagat na kahapon ginanap ang ribbon cutting. Ang tiyan niyang kamakailan lang ay impis, medyo may umbok na rin ngayon. "Sigurado ka bang hindi ka pa nahigirapan, Hon? Masyado kang busy nitong mga nakaraan. Baka napapagod ka na at hindi ka lang nagsasabi, ha?" Napangiti siya dahil heto na naman si Dimmitry. Nagiging over protective na naman. "Hon, maliit pa naman ang tiyan ko. Hirap magkikilos ang buntis mga bandang anim na buwan hanggang bago lumabas si baby, kaya huwag kang masyadong nag-aalala, okay?" Tinapos nito ang pagbabalat ng apple at hiniwa-hiwa iyon saka inilagay sa paper plate at ibiniga