Carolline POV SA pagkakataong ito ay natalo na naman ako. Bakit ko ba kasi hinayaan ang sarili ko na magpakain sa sistema niya? Nasaan ang pangako na palagi kong sinasabi sa sarili ko? Wala lang ba iyon? "Get out!" Napabalik ang diwa ko nang marinig muli ang galit sa boses niya. Kahit na nanghihina ay sinubukan kong umayos ng upo. Hindi ako nagsalita at diretsong nakatingin sa kaniya na parang naguguluhan. Hindi ko maintindihan ang kinikilos niya. Hindi ba at ito naman talaga ang gusto niya una pa lang? Ito naman ang dahilan kung bakit siya nag-hire ng katulad ko. Natigilan ako at napakunot ang noo nang may maupuan akong malagkit sa ilalim ng kanang hita ko kaya pinunasan ko naman ito ng kamay at nakita ko sa palad ang dugo. Napatingin ako sa katawan niya na walang saplot at pinagmasd