Francis' POV HINDI ko mapigilang suntukin ang pader sa likuran ko. Hindi ko inisip ang sakit at hapdi na nararamdaman ko sa pagkasuntok na iyon. Hindi ko mapigilang sambunutan ang sarili ko sa katangahan. Hindi ko man lang nagawang mag-background check sa kaniya. Why did I let this happen? Biglang nag-flashback sa akin ang mukha ng babae na 'yon. Sobrang simple niya lang. Napaka-inosente nito na para bang kaya niyang takpan ang masama kong balak sa kaniya. Why did I do that? Bakit ko nagawa ang bagay na 'yon? Naalala ko 'yong mga panahong nagkaroon kami ng kasunduan ni Franco sa isa't isa. "Kuya?" tawag sa akin ni Franco--- ang kambal ko. Tinigil ko naman ang aking pagsusulat at tumingin sa kaniya. "What?" I asked. "Bakit ayaw mo nang mag-girlfriend?" Anong klaseng tanong 'yon?