Carolline's POV Mabilis na tumawag sila Tita ng Doctor at pinapunta sa bahay nang biglang mawalan ng malay si Francis. "I swear to you! Mapapatay talaga kita kapag may masamang nangyari kay Francis!" pagbabanta sa akin ni Brianna. Hindi ko mapigilang mapaluha. Ano ba itong ginawa ko? Mas lalo ko pang pinahamak 'yong taong mahal ko. Pinagtulungan naman nila Allen at Franco na dalhin si Francis sa isang kuwarto. Nang makarating 'yong Doctor ay mabilis nitong pinuntahan si Francis. Nakayuko lang ako at nananalangin na sana maging okay lang siya. Hindi ko mapigilang mag-alaala, kasalanan ko iyon. Kasalukuyang ginagamot si Francis ng Doctor. Nakaupo lang ako rito sa may hagdan at inaabangan ang mangyayari. Habang 'yong ibang kasama ko ay nandoon sa kuwarto kung saan nakahiga si Francis. F