Carolline's POV Bago pa sumikat ang araw ay umuwi na rin kami ni Francis. Mabuti na lang at tulog pa 'yong mga tao rito sa bahay nila Tita Alyanna. Hindi na namin nagawa pang matulog at nagkwentuhan na lang kami sa sala. Mabuti nga at hindi sila nagigising dahil sa lakas ng ingay nang pagtawa namin. "Baby ko mahal," tawag niya na ikinalingon ko. Nabigla naman ako nang tumabi siya sa akin. "Baka may makakita sa atin," kinakabahang sagot ko. Tinulak ko naman siya kaya napanguso siya. "Akala ko ba ready ka na sabihin kung anong meron sa ating dalawa?" "Kaya nga! Pero sa birthday ko pa 'yon sasabihin. Sa ngayon, magtiis ka muna." "Nakakainis naman!" Napatawa naman ako nang magdabog siya. Umupo naman siya sa kanina niyang puwesto sa harapan ko. "Ano na pala 'yong plano mo mamaya?" tanon