Carolline's POV Pumayag naman sila sa naging desisyon ko na maligo sa dagat. Naghanda pa nga kami ng ilang pagkain at balak naming kainin ito roon. Nagpaiwan naman si Tita Alyanna dahil may pupuntahan din ito sa kabilang baryo. "Hindi ka ba naiinggit sa kaniya?" tanong ni Jhoyce kaya napalingon ako sa kaniya. Tinignan ko naman 'yong tinitignan niya at nakita ko si Brianna. Naiinggit? Oo, siguro. Naiinggit ako kapag naiisip ko na nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. May karapatan siya kay Francis at higit niya itong kilala kumpara sa akin. Kung sabagay, matagal na rin naman silang magkakilala. Samantalang kami, nitong mga nakaraang buwan lang kami nagkakilala at dahil sa isang trabaho pa ang dahilan. Nagkibit balikat na lang ako sa tanong niya. Kasalukuyang nakaupo kami rito sa kubo