Carolline's POV KASALUKUYANG nasa byahe na kami pauwi ng Maynila. Pagkatapos ko kasing manalo roon sa game ay nagyaya na siyang umuwi. Baka raw kasi pagkaguluhan na kami. May isa kasing lalaki na lumapit sa akin at humingi ng tulong para kuhanin 'yong malaking teddy bear para doon sa girlfriend niya. Pero bago pa ako makasagot ay kinuha na ni Franco 'yong kamay ko at hinila palayo sa lugar na 'yon. Nakita ko tuloy 'yong panghihinayang sa mukha nila. Nilingon ko naman ang kasama ko na tahimik lang na nagda-drive. Naagaw ng pansin ko ang malaking teddy bear na nakalagay sa may upuan sa likod ng sasakyan. "May crush ka sa akin 'no?" pang-aasar ko kay Franco. "Tigilan mo nga ako, Carolline," utos niya. Umiling ako at sinundot-sundot ang tagiliran niya. "Kapag tayo nabunggo, lagot ka talaga