Allen's POV NAPANGITI ako nang malaman na sa Maynila ang ilang projects na gagawin ko. Tumawag kasi ang pinsan ko at kailangan nila ng tauhan dahil may out of town 'yong ibang employees nila para sa business. Dahil gusto ko ring makapunta ulit doon ay pumayag na ako. Binilin ko na lang kay Mommy pansamantala ang trabaho ko rito. Gusto ko ring makita si Carolline. Ang babaeng simula noong magka-isip ako ay minahal ko na. Hindi nga lang siya naniniwala dahil sa nakasanayan niyang lagi akong nagbibiro. Akala niya biro pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nami-miss ko na siya. Ilang araw ko na rin kasing hindi siya nakikita. Hindi ko siya ma-contact sa kadahilanang nawala ang cellphone ko or should I say nadukot ang cellphone ko noong nasa bayan ako para mamili. Mabilis kong inayos a