Carolline's POV MAY mga bagay talaga na kahit anong pilit mong itago ay kusa itong lalabas. Na kahit anong iwas mo sa mga tanong niya ay malalaman niya rin ito sa huli. "What are you doing here?" sabay na tanong namin. Parehas kaming nagulat nang masilayan ang bawat isa. Hindi ko alam kung sinadya ba ito ng tadhana, pero isa lang ang masasabi ko… kinakabahan ako ngayon ng sobra-sobra. "Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?" sunod-sunod na tanong nya. Tuluyan na akong napayuko habang kagat-kagat ang labi ko. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit ako nandito? Kung anong ginagawa ko rito? Hindi niya pwedeng malaman ang trabaho ko rito. Dahan-dahan naman akong napaangat ng tingin at dumako ito kay Francis na parang naguguluhan, pero bakit ganoon? Kun