Mad 24 (Kaye) Hinayaan kami ni Ms. Anne mag-ayos ng mga gamit namin, ang kamang pinili ko eh malapit lang sa bintana, hinayaan ko lang ang gamit ko sa maleta, ‘yong iba kasing magiging roommate ko halos mapuno na nila ng gamit ang dalawang malaking kabinet na andoon. Nakita kong kakalabas lang ni Queenie sa banyo, may dalawang banyo din kami, hindi ko naman kilala ‘yong tatlo pa, maliban kay Queenie, ngitian ko siya nang mapasulyap siya sa akin pero parang hindi niya ako napansin kaya inalis ko ang ngiti ko. Tumayo ako at lalapit sana, kaso para bang umiiwas siya sa akin. “Excuse me,” sabi niya sabay labas ng silid namin. Naiwan akong nakatayo sa harapan ng kama niya, galit pa rin siya? Halata naman na ayaw niya akong makausap. “Kaye.” Napalingon naman ako sa pintuan kong saan may