Mad 26 (Kaye) Late na akong natulog pero maaga naman akong nagising, oras-oras na lang sumasagi sa isipan ko ‘yong nakita ko kagabi, siguro guni-guni ko lang ‘yon o panaginip, hindi ko na talaga alam. Na andito kami ngayon nila Wesley at Vynce, kami ang nakatuka sa pag-harvest ng mga prutas at gulay na kakainin namin bago mag-amusal. Mahamog pa sa paligid dahil wala pang araw na sumisilip sa langit, kaya bahagyang malamig pa sa buong paligid, sabi raw mas magandang mag-harvest ng umaga dahil fresh pa, gagawa kami ng salsa, kaya kailangan namin ng pipino, kamatis, manga, sibuyas at kong ano-ano pa. Hindi ko alam na may farm house rito sa dulo pa ng mga taniman, siguro hindi pa namin tuluyang nakita ang lahat ng lugar dito, meron pa nga fish pond, may ilang kukuha ng gatas sa farm house