Mad 32 (Kaye) Dumiretso kami kay Ms. Anne na baka masagot niya ang mga katanungan namin, nakita namin siyang tinitignan ang mga nalinis na kutsara at tinidor ng ilan naming kasama rito, agad siyang napasulyap sa pagpasok namin sa dining area. “Kumusta na, anong meron at na andito kayong lahat?” Tanong niya sa amin. “May nawawala po Ms. Anne,” mabilis na sagot ni Vin. “Huh?” Naging reaksyon naman ni Ms. Anne, hindi ko alam kong nagulat ba siya sa sinabi o hindi, dahil napakaaliwalas pa rin ng mukha niya. “May nawawala sa mga kasama namin, kailangan natin silang hanapin,” si Owen naman ang nagsalita, “nawawala po ‘yong mga kasama namin, apat po silang nawawala.” Napakunot noo siya at biglang ngumiti sa amin, “walang nawawala mga bata.” Kami naman ang nagulat sa sinabi niya at nagkati