LIZAH AGUILAR “Sige na, help n’yo po muna si Ate Dessa n’yo para iligpit ang mga toys.” Um-opo ang kambal at nagsitakbuhan sila palabas ng kusina. Doon ko naman hinarap si Ryūjin at tingnan mo nga naman, parang mapupunit na ang mga pisngi sa lawak ng kan’yang ngiti. “Hindi tayo kasya sa kama, Ryūjin. Ang laki mong tao.” “It’s not a problem. Yayakapin na lang kita para kumasya.” Kinindatan n’ya ulit ako. “And besides, you already agreed. Babawiin mo pa ba ang promise mo sa mga bata?” “Hindi naman sa ganu’n pero hindi kasi ako sa sanay na may katabi akong matulog…” “’E ‘di sanayin natin.” Huminga ako ng malalim. Pinagpatuloy n’ya na ang pagaanlaw sa mga hugasin habang masaya s’yang nag-h-hum. Good mood pa sa good mood si Ryūjin. Ilang buwan na rin yata n’ya akong niligawan. Aminado

