LIZAH AGUILAR Q MARAHAN kong minasahe ang magkabila kong mga sintido. Ang inakala kong si Bertha ang kumikilos dito sa kusina pero ibang tao pala. Ang mas masaklap pa, si Ryūjin na matigas ang ulo at mahihirapan na naman ako na palayasin ‘to. “Ryujin…” mahinang usal ko. “Yes, po?” “Bitawan mo ang mga hinuhugasan mo na ‘yan at umalis ka na.” “No!” Pinandilatan ko s’ya ng mga mata. “I-I mean… no.” Hininan n'ya ang kan'yang boses. “Anong hindi? Anong ginawa mo kay Bertha at imbes na s’ya ang madadatnan ko rito sa kusina, ikaw pa ang nakita ko?!” mahinang singhal ko at baka magising ang mga bata. “Don’t get me wrong again… wala kong ginawang masama… Nakasalubong ko s’ya at nalaman kong masama ang pakiramdam mo. Nakiusap akong… ako na lang ang magaalaga sa inyo.” “Hindi puwede, uma

