LIZAH AGUILAR “No, MAS masarap pala ang nag-luto.” Iyan pa ang pahabol ni Ryujin. Napapailing na lang ako sa sinabi n’ya. “You are making me cry… someone is cutting the onions here…” His childish games again. Well, he earned that compliment. Hindi naman mahirap na puriin s’ya lalo na’t pinasaya n’ya ang mga anak ko. Hinarap n’ya ako ng maayos. “Lizah, dito na ako magpapalipas ng gabi, maaari ba?” “Namimihasa ka na.” “As I said, makakatulog ako kahit saang parte ng bahay, ‘wag lang sa gubat.” Hindi ko muna s’ya sinagot at pinagisipan ko muna kung ano ang maging desisyon ko. Ang sabi ni Kuya, busy pa s’ya sa mga ongoing mission nila pero kasi, minsan, biglaan s’yang umuuwi na hindi ko alam. Wala pa nga s'yang kaide-ideya na dinidiskartehan ako ni Ryūjin. “Fine, sa sofa ka matutul

