Seryoso ang usapan nila habang kumakain kami. Pero hindi maitatanggi na halos patayin na ako sa tingin pa lang ng tatlong babaeng narito. Ang mama ni Lion, ang kapatid n'yang si Gia, at si Serafina. "May problema po ba kayo sa akin?" mahinahong tanong ko. Nahinto tuloy ang mag-ama sa pag-uusap nila. "Hindi kita gusto para sa anak ko." Masyado namang honest ang ginang. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa. "Then help me po na makumbinsi si Lion na pakawalan na ako. Hindi po ako magsusumbong sa mga pulis." "Style. Style ng mga babaeng mababa ang lipad. Kakapit sa mayaman, kahit na anong mangyari. Kunwari ayaw, pero sa totoo lang ay gustong-gusto naman." Sagot ni Gia. "That's enough." Saway ni Lion. "Kuya, bakit naman kasi hanggang ngayon ay humihinga pa ang babaeng ito? Hindi ka gan