"Mia signora, huwag mo pong pakaisipin iyon. May tagas lang po sa utak si Signora Atalanta. Kaya naman for sure makakalimutan din po n'ya ang hinanakit n'ya maya-maya lang." Pangungumbinsi ni Renese sa akin, habang nakaupo ako at nakatitig sa mga carrots na nagayat na ng tama. Itinapon iyong mga kinagat-kagat ni Atalanta, dahil ayon kay Cleope na kararating ay baka may rabies daw si Atalanta. "How are you, Franceska?" napatingin ako kay Cleope. "Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa 'yo no'ng umalis kayo ni Signor." "I'm not okay, Cleope. Isinama ako ni Lion sa isang port. Nakipagbarilan siya habang karay-karay ako. Pinahawak din n'ya ako ng baril at naranasan kong kalabitin iyon." "Iyong baril ni Signor?" tanong ni Alip. "Iyong baril na ibinigay ni Lion. Oo, kinalabit ko iyo