SA PANGATLONG bilang ay sabay nilang tinulak ang lamesa patungo sa limang armadong lalaki at sinabayan ito ng mag-partner sa pagbunot ng kanilang mga baril at agad kinakasa. Ngunit wala pa silang plano na kalabitin ang mga mga gatilyo ng kanilang mga baril dahil maraming kostumers. Nilapitan nila ang mga ito at habang kakasa ang limang lalaki ay sinipa at sinuntok ito ng mag-partner. Tumilapon ang mga baril nila at pareho ang ginawa ng mag-partner, pinapalo nila ang mga batok ng dalawang kalaban. Habang ang hawak nila ay binaril nang malapitan. Nakatakbo ang isa subalit nakita ito ni Tom na kasalukuyang nakaupo sa manebilahan. Dali-daling pinaandar ni Tom ang sasakyan at walang pasabi na binubundol niya ang lalaki na may hawak na baril. Tumilapon ito at nabitawan ang baril, ngunit gumapan