TINANONG niya si Chief Concepcion kung nasaan at kumusta ang partner niya. "Dinala siya sa hospital, at hindi ko pa alam kung saang hospital siya dinala. Huwag kang mag-alala naka-backup ang mga kasamahan mo," tugon ni chief. "Okay, chief. Tawagan ko na lang ang aking asawa." Dumistansya si Divlen at agad tinawagan si Collin. Kasalukuyang nasa labas ng operating room ang magpinsang lalaki nang mag-ring ang phone ni Collin. Dali-dali naman niyang kinuha ang phone mula sa bulsa ng pantalon nito. "Hello, hon. Nasaan ka? Kumusta dyan?" sunod-sunod na tanong nito at puno sa sa pag-alala ang boses niya. "Okay lang ako, huwag mo akong masyadong alalahanin. Kumusta ang pinsan ko? Saang hospital kayo?" balik tanong niya sa asawa. "Nasa La Blanca Hospital kami. At nasa loob pa ng operati