Dali-daling bumaba si Divlen at pumasok sa loob ng bahay. "Good eve—" putol na bati ni Alice. Dahil tuloy-tuloy si Divlen at umakyat ito sa ikalawang palapag at dumiretso sa kuwarto nila na tila may kukunin na importante. Binuksan niya ang isang cabinet at kinuha ang kanyang mahabang armas na 'IWI Galil Ace'. At nagdala rin siya ng tatlong granada. Dali-dali niya iton ipinasok sa bag at pagkatapos ay nagmamadali na itong lumabas. UMALIS si Divlen at hinatid na lamang ito ni Collin, nang tanaw. Nang hindi na niya makita ang sasakyan ay saka pa ito pumasok sa kanilang gate. Balik sa hospital ay nakarating ang mag-asawa sa basement at kasalukuyang hinahabol ng mga kalaban at patuloy silang pinagbabaril. Gumanti naman si Jester pero tipid ang bala niya dahil isang magazine lang ang bal