PINAGSALUHAN nila ang konting pagkain at naaawa ang matanda habang pinagmamasdan ang tatlo. "Kaano-ano kayong tatlo?" tanong nito sa kanila. "Kapatid ko si Yellah at pinsan ko naman si Jhapdel at ako pala si Clyde," pakilala niya. "Mabuti at nakatakas kayo, kilala n'yo ba ang nagtukot sa inyo?" "Hindi po, Lola. Tinakpan kasi ang mga mata namin. Hindi rin namin alam kung saang lugar kami dinala. Basta tumawid kami ng ilog para lang makalayo sa mga lalaking nagtukot sa amin." "Barangay San Martinez itong napuntahan ninyo. Sa tingin ko galing kayo sa may kayang pamilya kaya kayo dinudukot. "Dahil po siguro sa trabaho ng aming mga magulang, Lola," si Jhapdel ang sumagot. "Bakit naman?" pagtataka na tanong ng matanda. "Ang mga Mommy kasi namin ay parehong taga-NBI. Ang Mommy namin