MULING ngumiti ang bata at saka nagsalita, "Maraming salamat po sa pagligtas mo sa buhay namin." At bigla itong yumakap sa kaniya. "Hindi lang ako ang nagligtas ng buhay mo, ang mga kasamahan ng daddy mo at higit sa lahat ang daddy mo. Handa niyang isakripisyo ang buhay niya alang-alang sa inyo ng mommy mo," paliwanag ni Divlen sa bata. Napangiti naman si Guevarra sa pinakita na asal nito at masaya siya dahil marunong itong magpapasalamat sa mga taong gumawa ng kabutihan sa kanya. Hindi naman mapigilan ni Divlen ang sarili niya at mahigpit na niyakap ang bata. "Palagi kang magpakabait, ha," turan niya sa bata. "Opo, ma'am," malambing nitong sabi. "Tita Divlen na lang ang itawag mo sa akin," suhestiyon niya rito. "Okay po, Tita Divlen. Salamat po, ulit." "Very good!" Masayang ki