I SEE A MONSTER CHAPTER 23 NANGINGINIG sa takot si Rina dahil sa lalaking kanyang nakita. Duguan ito at tila naghihingalo na. Kaya nang pigilan siya nitong tumawag sa emergency hotline ay hindi siya nagdalawang- isip na ituloy ang kanyang naisip. Para rin sa ikakabuti ng taong nasa kanyang harapan. At saka baka kasi masamang tao ito kaya napalaban at tumatakas. Ilang minuto lang ay may ambulansiya ng dumating. Kaagad na kinuha ang binata at isinakay na sa loob ng ambulansiya. Mabilis na umalis ang sasakyan karga ang taong kanyang tinulungan. "Rina, what happened?" humahangos na tanong ni Yuri nang makalapit sa dalaga. Agad namang yumakap ang dalaga sa binata at napaiyak. "Thank you dumating ka," humihikbing sagot ng dalaga. "Ah, Miss puwede bang maimbita ka namin sa head quarters for