I SEE A MONSTER CHAPTER 24 NASAKSIHAN naman lahat ni Arkanius. Ang pagtulong ng isang babae kay Aro at ang paghatid ng ambulansiya sa hospital. Susundan sana ni Arkanius ang kanyang kapatid sa hospital subalit natawag ng kanyang pansin ang pagdating ni Yuri sa senaryo ng mga pangyayari. Sinundan niya ang mga ito ng ihatid niya ang babaeng tumulong kay Aro. At hindi niya sukat- akalain ang kanyang matutuklasan. Ang mga ito pala ay mas malalim pang relasyon bukod pa sa magkaibigan. Kung gayon ay tama si Abegail sa mga sinasabi nito. Hindi nga tapat si Yuri sa dalaga maging magpahanggang ngayon. Nararapat lamang na hindi na nga magkabalikan ang dalawa. Sapagkat patuloy lang itong masasaktan lalo pa't hindi na ito nakakakita. Nagpasya nang umalis si Arkanius nang umalis na rin si Yuri. Sam