I SEE A MONSTER CHAPTER 25 NATIGIL sa pag- oorasyon si Aling Guada at medyo nakaramdam ng takot at kaba. Iisa lamang ang nasa kanyang isipan. Nasa paligid lang ang itinakdang magiging hari ng mga lobo. Magkagano'n pa man ay ipinagpatuloy nito ang nasimulang orasyon. Nasabi na niya kay Arabelle na maaaring maganap ang mga nangyayari ngayon. Kaya kung maaari huwag siyang makikialam at mag- iingay. "Stop this!" wika ng isang matigas na tinig. Ngunit hindi nagmulat si Aling Guada. Patuloy pa rin ang kanyang pag- oorasyon. "Stop this!" muling wika ng isang tinig. Ngunit hindi nagpatinag ang matanda. Pagkamulat niya ay nakita niya ang liwanag na nanggagaling kay Abegail. Tila isang napakahabang wire na hindi mo alam kung saan ang dulo nito. Sa tabi nito ay may mas maliwanag na parang tali,