I SEE A MONSTER CHAPTER 18 Walang kibo si Abegail nang umalis sila sa probinsiya hanggang sa makarating sila sa lungsod. Iisa lamang ang direksiyon ng kanyang mga mata. Kahit anong pilit ni Arabelle na kausapin ito ay hindi sumasagot ang dalaga. Maging si Yuri ay hindi niya rin kinikibo. Mangiyak- ngiyak na si Arabelle subalit napipigilan pa niya ang sarili. "Baby, kausapin mo naman ako! Nagawa ko lang 'yun dahil pinoorotektahan kita anak sana maintindihan mo." Paliwanag ni Arabelle. Ngunit hindi tumugon ang dalaga, nakatitig lang ito sa kawalan. Napakagat labi si Arabelle at mariing napapikit. "You know, Abegail it's hard to explain what might the reason why I am doing this. But at the end of the day, you will thank me of what I've done." Saad ni Arabelle. Tumingin si Abegail sa dir